Chapter 28 (edited)

500 13 16
                                    

Belle’s pov

Yeeeeeeeeeeeees! Sem break naaaaaaaaaa! Yes makakapagpahinga na ako! Err— hindi pala, may trabaho pa pala ako. Pero okay lang! Atleast may may pera ako! Hahaha. Bumabawi pa kase ako dahil nga doon sa pagre-rebond ng buhok ko, and para narin sa future ko incase~ diba?

Meron na kase akong bank account para sa future ko at may ATM para kapag kukuha ako ng pera. Sa banko ko na dinidiretso yung ibang sweldo ko para hindi magalaw pa.

Ayon sa resibo na nakuha ko, nakaipon na ako ng 16,500 pesos. Yes! Konti tiyaga pa at makakabawi narin ako. Pero masaya naman ako surprise birthday party for me.

Ngayon ay Monday, wala akong kasama dito, umalis kasi sila mama at papa para sa check up nito. Maaga akong bumangon, 9:00 am ngayon ang pasok ko hanggang 6:00 pm.

Dahil 6:30 palang, hindi muna agad ako naligo. Nagbihis ako para mag jogging! Tamang tama! Maraming magjojogging ngayon sa Plaza.

Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin~ geeez! Iba na talaga kapag December!

Wooooow! Nakakagutom naman! Napadaan kase ako sa isang Bazaar! Natatakam akooooo~!

“Ouch!” “Oops sorry!”

Eh? Bakit sa dinami-rami pa ng makakabunggo ko eh siya pa? Mabuti at wala akong hawak na pagkain na pwedeng matapon sa kaniya. Meh! It's not Jade. It's HIM.

Niligpasan ko nalang siya, at ganun dun siya, na parang wala nangyari. Ako naman, nagpaka-busy sa pagpili sa mga naka-display na doughnut. Hindi ako mahilig sa doughnut pero nangaakit talaga sila.

May chocolate with confectioners sugar, tapos may cookies and cream, tapos lahat ay masarap! Shocks!! Mouth watering.

“Miss isang plate ng bavarian doughnut and cafe latte.” order ko. Ipagkukumpara ko lang kung saan ang mas masarap, kung sa shop ba namin o dito😂😂😂...

Pagbigay ng order ko, pinicturan ko muna yung oder ko and then tinkman ko na. Una kong tinikman yung doughnut🍩. Mmmm, masarap siya, ano ba yan para naman akong judges neto😂😂...

Tapos ang ganda ng ambiance dito sa bazaar, sayang at wala dito sa Mama dahil papasyal kami dito. Haaay, nakakamiss naman sila Izza.

***

THIRD PERSON’s pov

Isang gabi, tahimik na naglalakad ang isang babae kasama ang kaniyang ina, ngunit, wala siyang maalala kung sino man siya.

Habang naghihintay ang babae mula sa loob ng kaniyang van na sinasakyan, hindi niya maiwasang magtaka kung nasaan siya, wala siyang kasama sa loob ng van dahil lumabas saglit ang kaniyang kinikilalang ina.

Pasimple siyang bumaba sa van at lumapit sa eskwelahang nakikita niya.

Nang siya’y makalapit, binasa niya ang malalaking letra sa unahan.

St. Angel University

Nang mabasa niya iyon, nakaramdam siya ng kakaiba na tila ba ay alam na alam niya iyong lugar na iyon, ngunit nagulat siya ng makarinig siya ng boses mula sa kaniyang likuran.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon