Chapter 17:Earthquake (edited)

754 23 3
                                    

Chapter 17: Earthquake

“Kylie please tara na. Umalis na tayo dito!”

Belle’s pov

Haaaaaaaay. Ang sarap pa sanang matulog kaso kailangan ko ng bumangon kase papasok pa ako sa coffee shop. /yawns/

“Belle? Anak? Gising kana ba? Tumawag ang boss mo. Hindi raw muna mag-oopen ang shop pero hindi sinabi kung bakit.” sabi ni  Mama sa akin na nasa labas ng kwarto ko.

“Okay po.” sagot ko at saka muling pumikit. Hay nako, bakit naman kaya? Paniguradong madidismaya ang mga customers nito.

Hindi na tuloy ako makatulog nito! Nakakainis! Dibale magluluto nalang ako ng almusal.

“Good morning Mama, Papa” bati ko sa kanila na nag-aalmusal at umupo narin ako para kumain. Magluluto pa sana ako kaso may pagkain na pala.

“Anak, kinakabahan ako eh, hindi ko alam kung bakit, wag ka nalang kaya pumasok.” sabi sa akin ni Mama.

“Po? Bakit naman po? Wala naman pong nangyayaring masama sa akin sa school eh.” sagot ko naman.

“Ikaw ba Papa, okay ka lang ba?” tanong ko dahil seryosong seryoso siya.

“Iba rin kase ang pakiramdam ko, para bang may mangyayaring hindi maganda.” seryosong sabi ni Papa.

“Eh, kung ganun, wag nalang din po kayo pumasok, para sama-sama po tayong hihingi ng tulong sa Kanya.” sabi ko pero parang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nila.

“Hindi rin pwede anak eh—”

“Edi papasok po ako. Ganito nalang. After po nating kumain, sama sama po tayong manghihingi ng tulong at lakas sa Kanya.” sabi ko at pumayag naman sila Mama.

Nakatapos na kaming mag-almusal at nag-handa kami para sa sama samang pag-hingi ng tulong sa Diyos. Humingi kami ng sapat na lakas, pagpapatawad sa mga kasalanan namin, at pagpapasalamat sa mga biyayang natatamo namin.

Natapos na ang ginagawa namin ay bumalik na kami sa kanya kanya naming mga gawain. Ako naman ay nagbabasa ng libro dahil mejo maaga pa naman. Sila Papa naman ay naghahanda narin sa kanilang pag-pasok.

“Anak, aalis na kami ng Mama mo. Mag-iingat ka ha?” paalala sa amin ni Papa.

“Bye Anak.” paalam sakin ni Mama at umalis na sila. Ako nanaman ang mag-isa dito. Hay.

Umakyat ako sa taas dahil gusto ko pang humiga saglit kaso may naramdaman akong kakaiba eh...

Parang may gumalaw ng mabilis pero nakaka-hilo.

Nahihilo ako....

Kylie’s pov

“Huh?” nasabi ko sa sarili ko habang nandito ako sa 2nd floor dahil may naramdaman akong kakaiba. Mejo nahilo rin ako.

Wala akong magawa dito sa kwarto ko. Kanina pa ako naghahanap ng magagawa kaso wala eh. Nagawa ko na.

Gaya ng pagmomodel sa harap ng salamin, kumanta kanta, sumayaw sayaw, magselfie selfie, at kung ano ano pa! Gusto ko pa sanang kumain kaso busog na ako eh. At saka ayokong tumaba ano. Tama na tong size ko. Sexy and fab. Haha.

Belle’s pov

/yawns/

Huh? Ay! 10:30 na pala! Nakatulog pala ako ng dalawang oras dahil sa—pagka hilo.

Ano kaya iyon? Ngayon ko lang naranasan iyon eh.

Bakit kinakabahan ako?

“Nababaliw na ako.” sabi ko sa sarili ko habang nandito ako sa harap ng pintuan ko palabas. Dibale! Maghahanda na ako sa pagpasok.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon