Chapter 24: Allysson Cruz - Jade Kim
“Doc! Anong nangyari sa anak ko?! Bakit ganyan ang itsura niya?! Bakit parang naiba?! Doc siya ba talaga ang anak ko?!”
Belle’s pov
Bukas. Bukas ay may pasok na, err— nahihiya akong pumasok ng ganito like duh~ campus nerd turns into the— ano nga ba? Wala! Nerd parin naman ako eh! Oo aminado na ako!
“Anaaaak? Tapos ka na ba jan? May naghahanap sayo!” sigaw sa akin ni Mama. Huh? Sino naman kaya iyon? Dali dali akong bumaba ng hagdan. Ganito kaaga? May pasok pa kaya ako sa coffee shop.
“Mama sino pong naghahan— Ate Mae!” si Ate Mae lang pala! “Ate Mae! Buti po alam niyo yung bahay namin! Ate nga po palang ginagawa niyo dito?” tanong ko. Pinapasok ko siya at ipinagtimpla ng kape. “Salamat Belle. Naku pasensya kana at hindi ako nakapunta kahapon ha? At saka Happy birthday Belle! Naku dalaga ka na! Dumaan ako dito kase hindi ako makakapasok ngayon kase yung lola ko birthday ngayon kaya ayun, ipapasyal namin. Eto ipinapaabot ni Boss yung regalo sa iyo, at siyempre yung regalo ko sayo! Happy birthday Belle!” wila ni Ate Mae kaya niyakap ko siya. “Ate salamat po!” matapos nun ay umalis narin siya tapos ako naman ay kumain na dahil papasok na ako sa coffee shop.
***
THIRD PERSON’s pov
Umuwi si Jaimey— ang ina ni Jade na may pag-asang magigising at gagaling ang kaniyang anak, dala dala niya ang perang pinag-ipunan ng kaniyang ama’t ina para sa kaniyang kinabukasan na siya namang ayaw nu Jade na galawin ito. Agad na dumiretso si Jaimey sa ospital at kasalukuyang papunta narin si Jan— ang kaniyang pamangkin sa kaniyang kapatid.
Malapit na si Jaimey sa kwarto ng kaniyang anak ng tawagin siya ng doktor nito. “Miss Jamiey! Mabuti ho at nandito na kayo sa Pilipinas.” sabi ng doktor. “Ah ganun po ba doc? Kamusta na po ang anak ko?” tanong nito sa doktor. “Tara po sa kwarto niya.” sabi ng doktor at saka sila pumunta ng silid ni Jade. “Anak!” sabi ni Jaimey at hinagkan ang anak. “Tita! Welcome back po!” biglang dumating si Jan at nag-mano sa kaniyang Tita.
Nang sandaling iyon, natahimik si Jaimey at tiningnan mabuti ang kaniyang anak. Bakas dito ang pagtataka. “Doc! Anong nangyari sa anak ko?! Bakit ganyan ang itsura niya?! Bakit parang naiba?! Doc siya ba talaga ang anak ko?!” nagtatakang tanong nito. Nang sa tagpong iyon, nagkatinginan si Jan at ang matandang babaeng doktor. “Ahm, m-madam—” “Kase po natural lang po iyan sa mga patients na comatose, pero at this case, 10% lang po mangyari iyang ganyan sa lahat ng naging comatose patients worldwide.” paliwanag ng doktor. (p.s. guys gawa gawa lang ni Author yan ah!) Hindi makapaniwala ang ina ni Jade sa pagbabago ng itsura nito. Pero kahit na ganun, ramdam parin ni Jaimey na anak niya ang nasa harapan niya. Muli na lamang siyang naluha dahil hanggang ngayon ay hindi parin gumigising ang kaniyang anak.
***
Lumipas ang maraming oras, at sa wakas, ay muli ng nagising si Jade—Allysson.
Allysson’s pov
(guys! Point of view parin ito ni Allysson since she's Allysson not Jade, so mga next chapters ay Jade na ang name ni Allysson but Allysson’s pov parin, so sana walang lituhan. Yun lang thank you!)*yawns* “Nasan ako?”
Gosh! Bakit ganun? Bakit ang tagal kong nakatulog? D-diba 4 hours lang iyon?! B-but what happened?! I feel, n-nakatulog ako for about a week! Hinanap ko ang calendar ng hospital at na-shocked ako sa nakita ko. Its-its November 15! Bakit ang tagal?! Hindi ko na matandaan kung kailan ako nagsimula dito! Tiningnan ko ang sarili ko, mukha naman akong maayos, tiningnan ko ang paligid, walang tao pero may bag at isang luggage. Wala talaga akong maalala ngayon. OMG! Naku hindi ko na natatawagan si Mommy! OMG kamusta na kaya si Mommy ko?! Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba, kaya minabuti kong umayos ng pagkakahiga at nag-pretend na comatose parin. Pinigilan ko ang mabilis na paghinga at pinractice ko narin sa isip ko ang lahat lahat ng gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanficSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...