(continuation)
The Cool Guy and I
Official CharactersLee Sung Kyung as Belle Sarmiento
Nam Joo Hyuk as Jan Riano
Yoo In Ah as Lene Castro
Wendy Son as Izza Caballero
Park Chorong as Angela Kwon
Minatozaki Sana as Kylie Reyes
IU as Maddylane Aquino
Jessica Jung as Jade Kim
Krystal Jung as Allysson / Jade
Kim Jong In as Josh Montefalco
Kris Wu as Kris Lopez
Naiiyak ako guys. Kase yung sinulat kong isang part para sa chapter nato eh na delete. Accident yun. Para akong eng eng dito. Naiiyak nako. Ang ganda ganda na nun! Tapos yung isang part nun, yung karugtong oky narin eh. Ayun, talaga mapapamura ka. T♡ng ¡n♬ talaga!NARRATOR
Habang nakangiti si Belle ay biglang nawala ang mga ngiti nito sa mukha ng makita niya ang hindi niya inaasahan...
Si Lene....
"Lene? A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya saka napatayo mula sa pagkaka-upo.
"Hey Belle. It's nice to see you here. Nagustuhan mo ba? This is for you." sagot ni Lene. Walang emosyon ang kaniyang mukha pero mahahalata mo sa kanyang mata na hindi siya masaya.
"So~ pwede ba tayong mag-usap Belle? Girl to girl talk. You know, kayo na pala ni Jan, since when? Bakit hindi ata alam ng buong campus?" tanong nito saka umupo. Umupo siya para mapa-upo nalang din si Belle.
"Ah. Oo eh, kamakailan lang." nahihiyang sagot ni Belle. Alam ni Lene na hindi komportable sa kanya si Belle kaya ganoon na lamang kung sumagot.
"Good to hear. So~alam mo bang may masasaktan at may nasasaktan sa ginagawa niyo?" nagsisimulang mainis si Lene.
"Lene. S-sorry. Hindi ko naman sinasadya. Alam ko namang may pagtingin ka parin kay Jan."
"Eh alam mo naman pala eh! Belle bakit?! Mahal na mahal ko si Jan!" sambit nito saka tumayo at nagpalakad lakad.
"Eh Lene, hindi ko naman-"
"Kahit na Belle. Nasaktan ako at patuloy na nasasaktan." sambit muli ni Lene. Napatayo naman sa pagkaka-upo si Belle ng makita niyang napa-upo nalang sa semento ang dalaga.
"Lene. Tumayo ka dyan." akmang lalapit at aalalayan na sana ni Belle si Lene ng may kinuha si Lene mula sa kanyang shoulder bag.
"Please Belle wag kang lumapit saken. You stole Jan from me!"
"Hindi Lene. Pasensya ka na. Nagmahal lang din naman ako. Sorry."
"No! It's too late! Inamin sakin ni Jan na kayo na nga! And worst of all, ikaw ang pinili niya kesa saken!" at tuluyan na ngang umiyak si Lene. Takot na takot si Belle sa mga inaakto nito, gusto niyang huminahon si Lene.
"Lene, huminahon ka please."
"Belle, naranasan mo na bang maagawan?" tanong ni Lene. Nakatayo na siya ngayon pero naka tingin ng masama kay Belle. Ang kanyang mga tingin ay magkahalong galit at lungkot.
"Belle, naranasan mo narin bang maiwanan? Umasa? Masaktan? Magmahal ng totoo?"
"......."
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...