Chapter 33: Fxll
“Hindi naman masama kung mahuhulog ka sa taong hindi mo sinasadyang mahalin. At kung hindi ka man niya masalo, matuto kang bumangon.”
Belle Sarmiento’s POV
Walang pasok ngayon kase may bagyo, signal #2. Kinakabahan na nga ako eh, baka liparin na ang bubuong namin. Wag naman sana. Mamaya, lilipat kami sa bahay nina Lolo ngayon dito sa Pasig. Mas safe kami dito dahil mejo ayos pa unlike sa amin. Plano na sana naming lumipat kaso mapaplayo kami sa mga pinapasukan namin, dahil last year ko na ito sa SAU, baka next year 2017, lumipat na kami sa Pasig dahil 2x bigger ito kaysa sa amin. Konting pintura, konting ayos ng mga furniture, konting ayos nalang ng mga halaman sa labas at konting linis na lang ay magmumuka na ulit itong bago. Gusto ko narin kase talagang lumipat dito eh. Kaso, hindi pa talaga pwede.
“Anak? Maghanda kana dahil baka mapaaga ang alis natin habang hindi masyadong malakas ang hangin at ulan.” utos sa akin ni Mama. “Opo Mama. Maliligo na po ako.” wika ko at tumayo na. Kasama namin sila Ate Beatrice at Kuya Boyet ngayon. After ng school year, sama sama na kaming lilipat sa Pasig since kasya kaming lahat doon. Ako, si Mama’t Papa, ang pamilya ni Ate Beatrice at si Kuya Boyet na single parin. Bale pito kaming titira sa bahay ni Lolo. Eh may limang kwarto naman iyon kaya kasya kaming lahat.
Matapos kong maghanda ay sumakay na agad ako sa van ni Kuya Ben— ang asawa ni Ate Beatrice at Papa ni Bernice. Payag si Kuya Ben sa paglipat sa Pasig dahil wala narin siyang pamilya dito sa Maynila at tanging ang pagiging call center agent nalang ang inaasahan niya. So ayun na nga, mga importanteng bagay lang ang dala ko, damit, laptop, charger at cellphone ko, gagamitin ko ito para sa advance reading ko.
“Oh Belle oh, kumuha ka muna nito para hindi ka magutom.” sabay abot sakin ni Kuya Boyet ng balot ng pan de sal. Malayo kase dito sa Bulacan ang Pasig. Yes, taga Bulacan kami. “Salamat Kuya.” wika ko at saka kumain ng pandesal.
*riiiing!*
Caller ID: Yabs
Incall: Hello?
Outcall: Hi Teacher Belle!
Incall: Oh bakit ka napatawag?
Outcall: Masaba ba Teacher Belle?
Incall: Hindi naman, tinatanong ko lang kung bakit.
Outcall: Ah kase, wala akong magawa dito sa bahay eh.
Incall: Ah. Edi mag-aral ka.
Outcall: Ayoko nga! Ang hirap hirap kayang magaral!
Incall: Edi wag ka nang mag-aral, tambay ka nalang.
Outcall: Grabe naman ‘to. Asan ka?
Incall: Wala kami sa bahay ngayon.
Outcall: Huh? Bakit? Out of town kayo? Bagyo.
Incall: Oo eh.
Outcall: *sighs* seryoso asan ka?
Incall: Aalis nga kami, pupunta kami sa Pasig.
Outcall: Pasig? Anong gagawin niyo dyan?
Incall: Bakit mo natanong?
Outcall: Haaay. Wala lang... Gusto ko lang kamustahin ang m**** ko
Incall: Ano? Hindi kita maintindihan. Mahina ang signal dito.
Outcall: Ha? May sinabi ba ako?
Incall: Hay nako. Meron, eh bat parang hinihingal ka? Tumakbo ka ba?
Outcall: Ha? Ah- oo eh.
Incall: Okay ka lang?
Outcall: Oo. Bye Belle!
Incall: Tek-Bakit kaya siya napatawag? Hmm, wala lang siguro magawa. Pampalipas oras lang siguro. (ouch! Pampalipas oras!) hindi naman siguro.
“Oh anak? Sino yang tumawag sayo?” bago ko sagutin ang tanong ni Mama, tiningnan ko muna ang cellphone ko. Bat kinabahan ako sa tanong niya? “Ah, si, si Izza lang po Mama. Nangangamusta.” yaaan, lie pa more! Bahala na. Eh nakakahiya kase eh, bakit ba kasi siya tumawag? Eh wala naman siyang tinanong about sa assignment namin eh. So what's the real reason bakit siya tumawag sa akin?***
Jan’s POV
Damn damn damn damn! Damn! Hindi ko ineexpect na masasabi ko iyon sa kanya! Shxt! That is so really fvcking shxt! Nakakahiya tuloy!
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanficSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...