Epilogue

579 11 16
                                    

“Jan! Belle! Halina kayo rito!” tawag ng Mama ni Belle sa kanilang dalawa. Kasama ang pamilya ni Belle at ni Jan, sila ay nagsasaya sa isang beach resort sa may Ilocos Norte.

“Oh anak naman, wag ka masyadong magpa-araw. Iitim ka lalo. Hindi ka pa nga lumalangoy, maitim kana. Hahahha!” asar naman ng Papa ni Belle.

“Papa naman. Kahit maitim ako o maputi, basta marunong lumangoy! Hahahaha!” proud na sabi ni Belle. Masaya silang kumakain ng inihaw na hotdog. Naka-upo lang sila Belle habang ang Mama ni Jan at ni Belle at ang Ate ni Belle at tulong tulong sa pag-luluto at pag-iihaw ng mga kakainin nila.

“Jagiya, follow me, may ipapakita ako sayo.” tawag ni Jan kay Belle. Pasimple silang tumakas dahil alam nilang pagagalitan sila dahil kakain na.

Pumunta silang dalawa sa may isang malaking bato at doon umupo saglit.

“Grabe! Ang ganda dito sa Ilocos Norte! Buti nalang ibinida ‘to sa atin ni Kylie. Maganda pala province nila eh!” masayang sabi ni Belle habang pinagmamasdan ang karagatan.

“Oo nga. Parang ikaw.”

“Tss. Tigilan mo nga ako. Pwede ba—”

“Pwede ba wag ka nang magpakipot? Tayong dalawa lang ang nandito oh.”

“Sinadya mo eh.”

“Gusto mo naman.”

“Shut up!” at napahalakhak si Jan sa inasta ng girlfriend niya. Hindi niya rin sukat akalain na mamahalin niya ang isang baduy at panget na nerd na nakabangga niya first day of school.

Belle's point of view

“Belle, ano pang ibang dreams mo, yung bukod dun sa sinabi mo saken dati and siyempre, bukod sa maging mister mo, ano pang dreams mo?”


Hahampasin ko sana siya kaso nahuli niya yung kamay ko. Ayun, tawa ng tawa. Kinikilig nanaman daw ako. Kasalanan niya to eh!!!!

“Ok, gusto ko ring maging engineer, diba sabi ko saya dati na gusto kong maging doctor at architect? Naisip ko, parehas lang naman, tapos, kahit malayo pero, gusto kong maging designer ng mga damit? Ewan ko lang, basta parang nagustuhan ko na siya, diba last time bigla mo nalang nakita yung mga drawing ko? Ganda no? At saka gusto ko ring maging singer. Sabi nila, kailangan lang daw na mahasa ang boses ko. Naniniwala ka ba?”

“Tss, bwahahahahahaha! Ikaw? Fashion designer?! Hahahahahahahaha! At saka singer?! Hahahahaha! Alam mo jagiya, mag-architecture ka nalang, mas mamahalin pa kita lalo! Hahahahaha!”

“Grabe ka naman! Alam ko namang manang akong manamit at hindi ako ganun kagaling kumanta like Izza! At hindi mo na kailangan ipamukha! Kaasar! At saka bakit ba?! People change ika nga.” sagot ko. Pinagtawanan pa ko!

“Ok sorry. Well, susuportahan parin kita. Natawa lang talaga ako.”

“Ewan ko sayo.”

“Hahahahaha. Mianhae~”

*silence*

“Oh? Tulala ka naman sa kagandahan ko?” sabi sa kanya ni Belle.

“Yeah. Naalala ko lang kase dati na, binubully lang kita, ngayon minamahal na kita.”

“Oo nga no? Hindi maganda ang first encounter natin sa isa’t isa. Hindi ko rin akalain na magiging boyfriend kita.”

“Nagsisisi kaba?”

“Huh? Bakit naman? Siyempre hindi? Bakit ikaw?”

“Hinding hindi.”

“Sus. Talaga lang ah? Prove it.”

“Huh! Prove it pala ha.” lumapit si Jan kay Belle. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na lalapit ng ganon si Jan sa kaniya. Nararamdaman nanaman niya ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

“You're blushing again mahal na prinsesa. Gusto ko, ako lang ang nagpapakilig sayo.” seryosong sabi ni Jan sa kaniya.

“Ikaw lang naman nagpapakilig sakin eh. Kala ko nga wala.”

“Belle, dati, kaaway lang kita, ngayon, girlfriend na kita.”

“Dati, kaaway lang din kita, ngayon, boyfriend narin kita.”

“Dati, tinuturuan mo lang ako, now, you're mine.”

“Dati, tutor mo lang ako, ngayon, sayo na ko.”

“Belle, dati gusto kita pero ngayon mahal na mahal na kita.”

“Jan, dati gusto narin kita. Pero ngayon mahal na mahal narin kita.”

“I love you Belle.”

“I love you more Jan.”

“I love you more than most, Belle.”

And they shared their romantic kiss under the sun. With relaxing breeze of summer air, tweet of the wild birds, and the relaxing and refreshing sound of the waves.

Sa kahit anong problema, meron kang madadamayan, swerte ka kung meron kang tunay na kaibigan kaya nila.

Sa kahit anong hirap, akala mo hindi mo na kaya pero, nandyan ang kaibigan para hilain ka pataas, hindi pababa.

Sobrang bilis ng panahon, hindi mo aakalaing matatapos rin agad agad ang lahat ng ito.

Huwag matakot sumubok ng pagmamahal.

Huwag matakot humarap sa mga problema.

Huwag kang matakot. Harapin mo ang lahat ng kinatatakutan mo,

At ipakita mo, hindi ka duwag, hindi ka talunan.

At malay mo balang araw, sa buhay pag-ibig, makahanap ka ng sarili mong Jan Riano sa buhay.

Huwag kang matakot sumubok dahil baka sa dulo, matawag mo sa sarili mo ang pamagat ng kwentong ito.

The Cool Guy and I

💙THE END💙

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon