Chapter 7 (edited)

1.1K 34 1
                                    

Gabi palang nag-paalam na ako kila Mama at Papa na pupunta ako sa bahay ng kaklase ko. Actually sabi nila mamamasyal daw pero baka kase hindi ako payagan kaya iyon ang sinabi ko at pumayag naman sila.

9 am ang napag-usapan naming oras at sabi ni Kylie na susunduin niya ako sa school ng 8:30 am kaya 8:15 umalis nako ng bahay.

Tinext ako ni Kylie na malapit na raw siya sa school kaya binilisan ko ang lakad ko.

Sa wakas. Nandito nako sa waiting shed at hinihintay nalang siya ng may bumisina na van.

“Hi Belle! Tara?” ay. Si Kylie na pala. Naka-sakay siya sa puting van at pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Hi. Kanina ka pa ba? Sorry ha traffic kase doon banda.” sabi ni Kylie habang nagce-cellphone.

“Ah hindi. Kararating ko lang din nun. Sakto lang.” sagot ko naman.

******

Nakahinto ang van sa tapat ng isang malaking bahay. Siguro kila Izza to. Wow ang ganda naman. Kainggit. Pero magkakaroon din ako niyan someday.

“Tara?” rinig kong tanong ni Kylie.

“Sure.” sagot naman ni...... Angela?!

“Uy! Hi Belle! Uy sorry sa paghihintay ah. Eh kase nga diba Kylie, lam mo na yun.” sabi ni Angela at umupo na sa tabi namin.

“Oo nga oo nga.” sabi naman ni Kylie.

“Ay Belle. Pupunta tayo sa bahay nila Izza huh? Don't worry siya at mga katulong lang ang nandun sa bahay nila. Wala ang mommy niya, ganun din ang dad niya. Kaya wag ka masyadong mailang huh?” paalala naman sakin ni Angela at nginitian ko sila.

****

“We're here!!” sabay na sigaw ni Gela at Kylie at nagulat ako. So. Eto pala ang bahay nila.

“Hi girls!” pambungad sa amin ni Izza habang nagaabang sa malaki nilang gate.

“Hi!” tapos pumasok na kami sa loob.

Wow. High ceiling ang bahay nila. Tapos may mahabang chandelier. Tapos siyempre malamig kase may aircon.

“Juice po sa inyo Mam.” alok sa akin ng maid nila.

“Thanks po.” sagot ko at kumuha.

“Guys. Dalhin natin yan sa kwarto. Tara.” sabi ni Izza at dinala namin ang juice sa taas papunta raw sa kwarto ni Izza.

Bakit ganun? Kinakabahan ako. Bakit iba ang prensensya dito. Kinakabahan ako ah.

“Belle pasok ka. Sensya na sa kwarto ko ha. Magulo. Pero wag mo nalang pansinin. Hehe.” sabi sakin ni Izza tapos nag indian seat kami doon sa nakalapag na foam. Wow ang lambot! Sobra. Mas malambot pa ito kesa sa higaan ko.

“Okay. Sorry Belle ha? Kase. Ah. Ano. Ah. Kase dito lang tayo sa loob ng kwarto ni Izza at hindi tayo gagala or what.” sabi sakin ni Angela.

“Ah. Okay lang naman. Okay nga iyon eh. Hindi rin tayo mapapagod.” sagot ko.

“Uhm. Eto yung ginagawa namin kapag may bago kaming bestfriend. Oo Belle. Bestfriend. Hindi ka lang namin friend. Best friend na. So sana wag kang kabahan kase wala namang sasayaw or kakanta dito. Ang gagawin lang, uhm, you know, para getting to know each other. So are you guys ready?” sabi ni Kylie at ilang oras muna kaming silent at ewan ko ba basta kinakabahan ako. Para talaga kaseng may mangyayaring hindi maganda na hindi ko gusto na ewan ko ba!

“Okay me first. Hi guys! Im Izza Shin Caballero, Im 16 years old and I am studying at St. Angela University as 4th year high school or Grade 10 student. Uhm, I love Spaghetti. Tapos ang parents ko ang may-ari ng 143 Convenience store na malapit sa SAU at sa labas ng subdivision, and Im pretty sure na nakita niyo naman yun sa entrance. Si Daddy naman ay nagtra-trabaho as Engineer and si Lolo naman ang may-ari ng isang restaurant. Tapos, uhm. I love collecting stuffed toys and or dolls. Ayoko sa mga taong sinungaling at ahas. Ayoko rin sa mga taong malikot ang mga kamay. Yun lang. Your turn guys.” introduce ni Izza sa sarili niya.
Cute naman ng name niya, Izza Shin Caballero.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon