Chapter 20: Coma
“Sa sobrang lakas ng impact ng pagkakabagsak sa kaniya, it's possible na mangyari iyon sa patient, and hindi rin siya agad agad na nailigtas, almost hour din siyang nanduon sa kalagayan na iyon kagaya it has a possibility to happen.”
Belle’s pov
Ilang oras na ang nakakalipas mula noong lumindol, halos ilang oras din akong hindi makatulog ng maayos dahil sa trauma.
Ang lahat ng pamilya ko ay ligtas, maliban na nga lang kay Kuya Boyet na nakaratay sa ospital dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang malay.
Wala akong magawa ngayon, halos nabasa ko ang ang mga libro ko at halos nakapag-linis na kami ng buong bahay, ayoko rin namang matulog dahil sa habang pumipikit ako ay naaalala ko ang mga nangyari.
“Belle anak? Kumain ka na oh, sobrang nag-aalala na kami sayo dahil jan sa ginagawa mo? Anak kumain ka na please. Kahit ito nalang luhaw na niluto ko. Please.” utos sa akin ni Mama.
“Pasensya na po Mama, hindi ko lang po talaga maiwasan eh. Sige kakain na po ako.” sabi ko kay Mama at saka kinain ang dala dala niyang tinapay at lugaw.
“Anak, ilagay mo nalang muna yang pinagkainan mo dito sa lamesa mo ha? Babalikan lang kita saglit.” sabi sa akin ni Mama at saka lumabas ng kwarto ko.
Ang hirap ng ganito.
Jan Melvin Riano’s pov
Yow yow yow mga kabigan! Okay, let me introduce myself first.
I am Jan Melvin Riano from X-Zeus, 16 years old and your playboy baby😉
Back to reality na tayo guys, mejo naaawa lang talaga ako kay Jade ngayon kase naman tong babaeng to! Alam ng lindol tapos pupunta pa sa sira at lumang building! Ayan! Lesson learned yan sa inyo.
Kasama ko ngayon si Tita Jaimey dito sa isang pribadong ospital dahil kahapon lang ay inilipat namin si Jade sa mas magandang ospital.
“Tita, eto po oh.” sabi ko kay Tita sabay abot ng gatas at biscuit. “Thanks but no thanks Jan. Im hung—” I interrupt her. “Yes Tita, you are, so take this, para naman po kung magising na si Jade ay malakas kayo Tita.” sabi ko sa kanya at niyakap ako ni Tita at nagpasalamat. Hay, ang yakap ng ina ay miss na miss ko na.
Nandito kami ngayon ni Tita sa loob ng kwarto ni Jade dito sa ospital. Nagpapahinga si Tita ngayon habang ako naman ay nagbabalat ng prutas para sa kanya at baka kase may dumating na bisita.
Napalingon kami ni Tita sa kumatok, kaya naman binuksan ko ang pinto.
Si Kylie Jeanice Reyes ang Campus Cutie.
Oha ang talino ko!
Teka? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
Bumalik ako sa ulirat ng mag snap siya sa tapat ng mata ko.
“Excuse me Mr. Riano? Ano matutulala ka nalang ba jan?” tanong niya sa akin at tumingin sa loob. “P-Pasok.” sagot ko at pinapasok na nga siya.
“Good afternoon po. Marahil kayo po si Mrs. Kim, by the way Im Kylie Reyes, the one that she saves and I thanked a lot for that and masasabi ko sa kanya, she's a hero.” sabi ni Kylie kay Tita. Si Tita naman hindi maintidihan ang reaksyon, una, mejo nagagalit, sunod, natuwa.
“Kaya po ako nagpunta dito kase hindi ako tinigilan ng konsesiya ko kaya pumunta ako dito.” sabi niya pa ulit at dahan dahang inaabot kay Tita ang isang notebook. “What's this?” tanong ni Tita sa kanya. “Y-yan po ang dahilan kaya po nandun si Jade sa lumang building, p-pero, cross my heart po, mamatay pa man po ako sa harap niyo, hindi ko pa talaga alam kung bakit niya ako iniligtas amd to the fact na ako talaga dapat ang nasa ganyang kalagayan, nakita niyo naman po na hindi ako mukhang malakas na babae at mukha lang akong fragile, at dahil sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya sa akin, tumilapon ako sa malayo at dahil sa lakas na iyon at nadapa rin siya at dali daling tumayo para ilitas ang sarili, pero hindi ko alam ang ginawa niya kung bakit hindi parin siya tumatakbo, ganun din kami, nginitian niya lang kami at sinabing, tumakbo na raw kami, iligtas na raw namin ang mga sarili namin. Umalis kami ng building para humingi ng tulong kay Jan na paalisin na si Jade doon pero huli na ang lahat, gumuho na ang building.” paliwanag ni Reyes habang nakatayo sa harap ni Tita at ito naman si Tita, halos nakatingin lang kay Jade. At ako naman, kumakain ng prutas na binalatan ko.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanficSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...