Chapter 29: Want to be his tutor?
“Sige na pumayag ka na! Lunukim mo na muna yang pride mo, at isa pa ay may sakit ang Papa mo. Kaya mo yan Belle.”
Belle’s pov
“Good morning Zeus, Where’s Belle Sarmiento?” sabi ng teacher at napalingon naman ang lahat sa akin. “Yes mam?” tanong ko dito. “Follow me hija.” sabi nito at sumunod naman ako palabas. “Belle. Kaya mo yan!” cheer nila sa akin at binigyan ko sila ng ngiti. Bakit kaya? Ayon sa pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan pero....
“Ms. Sarmiento? Im talking to you. You're out of your mind.”
“Eh. Ahm, sorry po mam, mejo hindi po kase maganda ang pakiramdam ko eh. Sorry po.”
“Nilalagnat ka ba?”
“Mam hindi po. I mean is, para po kasing may sasabihin si Mrs. Tobias sa akin eh, na, na para bang—”
“Good morning Mrs. Tobias. Nandito na po si Ms. Belle Sarmiento.”
“Thank you Mam. Please leave us alone.”
Shems, nandito na pala kami sa principal's office, hindi ko manlang napansin. Nako po ano nanaman ba ito? Wala naman akong nalabag na rules, hindi naman ako nag-cutting! Oh my god! Hindi kaya—???
“Good morning Belle. Mind sharing your thoughts?”
“Ayy~ sorry po Madam. Eh kase po, nagtataka po kase ako kung bakit niyo ako pinatawag.”
“Its okay. Straight to the point na tayo hija dahil marami pa akong gagawin. So... are you willing to be tutor?”
“Tutor? Nino naman po?”
“Later. The salary starts at 2,000 pesos and kapag naging mas maganda ng resulta, pwede maging 3-5k cash. So Ms. Sarmiento? You want it?”
“Ah hehe~ para naman po tayong nag-aalikan ng negosyo Mam hehe. Pero po kase~ ano po.”
“I talk to your Mom and Dad about this, and pumayag sila. Ikaw hija? Hindi naman kita pinipilit sa kung anomang gusto mo, siyempre na sayo parin ang desisyon. Ikaw ang bahala hija. I'll gave you 2 days for your desisyon. Dismiss.”
Agad naman akong lumabas ng office. Tutor? Masyado namang malaki ang sweldo pero kase~ Oo na! Mage-endo nako! End of contract! Part time job lang naman kase iyon! Mawawalan na ako ng trabaho by next week! Paano na?! Tutor? Sino naman ang tuturuan ko?! Magaling ba akong magturo? Aaaaaaaaaaaaaaaaah!
***
“Mama? Alam niyo na po ba ang tungkol dito?”
“Oo anak kanina lang. Wag kang mag-alala, hindi ka masyadong mahihirapan sa pagtuturo mo.”
Hindi ko talaga alam kung anong mararamdan ko! Ayoko maging tutor! Pero... Paano na ako? Kahit naman may sweldo si Mama at may ipon ako ay ayoko parin. Eh paano nalang kung maaubos ang ipon ko? Paano kung lumala ang sakit ni Papa?! Paano nalang kung— yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!
--
“Hi Belle- oh! Anyare? Muka kang zombie! Halika nga rito!” wika ni Angela ng magkasabay kami sa pagpasok. Tumakbo kami papasok ng CR at doon niya inilabas ang mga kaartehan niya.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...