“Okay Belle ikaw na.”
Oo nga ako na. Hoooo!
Bitbit ko ang cart nakalagay ang tatlong damit na pinili ko kanina.
Nagdadalawang isip ako na pumasok sa loob ng room pero bigla nalang akong naitulak ng kung sino man at nabitawan yung dala kong cart. Mabilis kong tinanggal yung damit ko at dahan dahan na isinuot yung first choice ko. Itong green.
....Ayan, naisuot ko na ng maayos. Tama lang siya, uhm, maluwag lang ng konti pero pwede na.
Nahihiya akong lumabas ng room at ipinakita sa kanila yung istura ko.
Masaya ako dahil napangiti ko sila pero mejo hindi pa raw bagay. Sinuot ko narin yung 2nd choice ko pero nakulangan sila. At ito na....
Nanginginig kong isinuot itong red as blood na gown na ito. Nakita ko lang ito na naka-display na suot-suot ng isang mannequin. Hindi ko iyon gusto pero sadyang na-attract yung mata ko. Nakakahiya man ay kumuha ako ng large size.
Nakatalikod ako sa salamin ng sukatin ko ang gown, at ng maisuot ko iyon......
Homaygaaaaaaat! 😮😮😮
“Fudge! Nakakahiyang lumabas! Hala ayoko nito! Help! Mama!” sabi ko sa kawalan habang tinitingnan ko ang sarili ko. Totoo. Maganda yung red long gown.
“Yah! Belle? Still alive? You're so tagal ah. Bibili pa tayo ng shoes.” rinig kong sabi ni Angela habang kumakatok.
“O-oo! P-alab-bas n-na.” nauutal na sagot ko.
Nakita ko naman sa mirror na gumalaw yung pinto kaya napasigaw ako ng “No!”
“S-sorry! K-kase hindi naka-lock eh. Tapos akala ko nahihirapan ka isuot yung gown. Sorry Belle.”
“Ah! Naku~ wala yun. Sorry din. Nagulat lang. Malapit narin akong matapos Angela.”
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at dahan dahan ding lumabas ng fitting room.
And they're reactions are:
😮😮😮😱😱😍😍(⊙o⊙) !!!!!
💐💐💐
The day of the Ball
7 hours before 6:00 o'clock pmGinabi na kami ng uwi kagabi dahil nagkayayaan pang mag-Time Clock Zone bago umuwi. Bale mga 2hr kaming naglaro. Mabuti nalang may ID card si Izza dahil mas nakakatipid kami kesa sa tokens.
Basta, kung ano ano yung nilaro namin. Basketball, tapos nagsayawan pa yung tatlo—Angela, Kylie at Maddylane. Tapos naglaro kami ng deal or no deal at last ay nagKTV kami. Oo, nag-KTV kami.
So ayun na nga! Eto! Eto naaaaa! Prom day naaaaaaa!
Ayun, 7hrs nalang at mag-sisimula na kami. Pero bago yun~ we ay mali, THEY decided na magkita-kita kami sa isang Mall na malayo konti sa lugar namin na malapit naman sa lugar nina Angela. Ngayon, si Kylie nalang ang hinihintay namin at pupunta na kami sa sinasabing salon na kamag-anak kuno ni Kylie.
“What the F! Where's that kid?” naiinis na tanong ni Maddylane.
“I don't know!” -Angela
“Where the hell is that girl?” -Izza
“What a lazy girl of you Kylie! Where the hell are you?” sambit ni Angela habang tinitext si Kylie. Ayan na naman sila. Kapag naiinis napapa-English. Psh. “Hey you! Where the hell are you now?! We've been waiting you in 30 minutes! What took you so long?! Argh!” sambit ni Angela ng matawagan niya si Kylie sa phone. Ilang segundo lang ay dumating na sa harap namin ang pawis na pawis na si Kylie.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...