Chapter 23: Surprise Birthday Party
“Thank you so much guys! Salamat sa paghahanda. Hindi ko akalain na tutuparin niyo ang wish ko dati. Hahaha. Thank you for everything.”
Belle’s pov
Sabado ngayon at day-off ko, sabi kase ni Boss, pahinga ko nalang daw yung weekends kaya pumayag nalang ako. Ganundin eh, sinubukan kong tumanggi pero si Boss parin ang masusunod.
Nung nalaman ng mga kaibigan ko yon, natuwa sila dahil magkakaroon ako ng araw na makakapagpahinga ako. Ang kaso, ibang klaseng pahinga pala yung tinutukoy nila.
Kahapon after ng klase, bumisita sila dito sa bahay at swerte naman dahil nakapagluto si mama ng sinigang na baboy at pinakain sila dito.
Hindi ko talaga alam kung anong pinakain nila kay Mama, pano ba naman kase, pinayagan ako ni Mama na sumama sa pasyal nila sa kung saan man. Hindi naman ito gala dahil iba ang pagkakaintindi ko sa gala at pasyal.
Mejo natuwa rin ako dahil pumayag si Mama sa gimik nilang apat. Matapos nilang pumasyal sa amin ay agad rin silang umuwi dahil baka gabihin pa sila.
Anong month na ba ngayon? It's November lang naman. Haaaaay. Mejo masakit ang likod ko dahil ang daming mga customer na pumunta kahapon ng umaga dahil may bagong flavour ng coffee at may mga prices pa dahil 2nd anniversary ng coffee shop. Dapat talaga ay papasok ako ngayon dahil narin sa marami nanamang mga customer at baka hindi nila iyon kayanin.
Although, hindi naman sila sobra doon kaya dapat ay nandoon rin ako. Pero kase magagalit si Boss kapag pumunta ako doon? Bakit naman kaya? Ang sabi kase ni Boss ay dapat daw kahit weekends ay makapagpahinga man lang daw ako since everyday ay kinikilos ako. So, pumayag naman ako.
Maaga akong naligo dahil susunduin raw ako ni Maddylane bandang 8:30 am kaya nagsimula na akong mag-ayos.
“Mama, bakit niyo naman po ako pinayagan? Eh wala naman po akong pera.” tanong ko kay Mama habang sabay kaming kumakain ng almusal. “Eh kase anak, gusto ko ring maranasan mo ang buhay ng mga teenager, hindi yung puro ka nalang aral aral aral. Hindi naman masamang mag-sunog ng kilay pero siyempre nakaka-stress yan anak, tingnan mo ang sarili mo, masakit mang sabihin pero, ang sagwa kase ng buhok mo anak eh. Anak naman, matuto ka namang mag-ayos ng sarili mo, ayaw mo bang gumaya kay Ate Beatrice mo, tingnan mo siya, o sa ibang mga ka-edaran mo, malinis, maayos, maganda, pero hindi naman yung katulad ng iba jan. Anak naman, paano ka makakahanap ng boyfriend kung ganyan ka ta—”
“Ma naman! Alam mo namang wala yan sa plano ko eh! At saka mama, para sa atin ‘tong ginagawa ko, para kapag nakatapos na ako at para nakahanap na ako ng magandang trabaho, maiaalis ko na kayo rito sa lugar nato. Delikado kaya rito.” after kong sabihin iyon ay naluha si Mama at ganun din ako. “Oo nga anak, p-pero kase, papaano ka tatanggapin kung ganyan ka? Sa tingin mo may Doctor kung ganyan ka. Naiintindihan mo ba ako Anak ha?” alam kong panget ako pero kase eh! Haaaaay. “Opo mama naiintindihan ko naman po kayo eh pero—”
“Anak wala kabang naaalala ngayong linggo? Bukas?” nagtatakang tanong ni Mama sa akin. “Huh? Wala po bakit po?” sagot ko. “Hay nako bata ka! Hala sige! Maddylane hija isama mo na yang kaibigan mo at ikaw na ang bahala diyan.” sabi ni Mama... Teka?!
“Maddylane?! K-kanina ka pa ba rito?! Narinig mo ba lahat ng convo namin ni Mama?! Magsalita ka naman!” sunod sunod kong tanong sa kaniya. Grabe ah! “Ofcourse not, eksaktong kakarating ko lang baby, so tara na?” wila noya sa akin at saka ko kinuha ang shoulder bag ko at sinuot ng doll shoes ko. “Mama aalis na po kami. Hindi po ako magpapagabi.” paalam ko kay Mama at saka siya hinagkan. “Anak, okay lang kahit gabihin kayo basta mag-iingat.” sabi sa akin ni Mama. “Naku mama hindi nga po kami gagabihin.” pagpoprotesta ko. “Hay nako bes! Tara na nga! Nakikipagtalo kapa kay Tita eh! Sige po Tita aalis na po kami! Bye po!” sabi niya at dali dali akong hinila papasok sa loob ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...