Belle's pov
Sunday ngayon at birthday ng pamangkin ko na si Bernice. 7 yrs old na siya ngayong araw. Siya ang 1st baby ni Ate Beatrice."Belle anak? Tapos kana ba? Tara na!" sigaw sakin ni Mama. Bagal ko kase eh. Haha.
"Opo ma malapit na po!" sigaw ko at dali daling lumabas ng kwarto dala ang mga gamit at ang isang regalo ko kay Beatrice.
Ang gift ko sa kanya ay....
'secret'! Mamaya nalang!
--
"Happy birthday Bernice! Happy birthday Bernice! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you!" kanta namin sa kanya.
"Anak happy birthday sayo. Labs ka ni Mama." sabi ni Ate Beatrice kay Bernice at kiniss sa cheeks.
"I lab you to mama." sabi naman ni Bernice at niyakap si Ate.
Isa isa niya kaming kiniss at niyakap at ganun din ang ginawa namin sa kanya. Si Bernice, Bernice Sarmiento- Dela Paz, ang first apo nila Mama, kaya pampered siya. Haha.
"Bernice, samahan mo naman ako, ibibili kita ng ice cream, gusto mo?" pag-aaya ko sa kanya at nakita kong nanliwanag naman ang mga mata niya at nagpaalam na kami sa kanila.
Pasimple kong kinuha ang regalo ko at pasimple ko ring dinadala, lumapit kami doon sa nagtitinda ng 'dirty' ice cream at bumili na kami.
"Tita Belle. Thank you po." sabi niya sakin at kiniss niya ako sa cheeks at niyakap ko naman siya.
Naglakad lakad lang muna kami ng mahagip ng mata ko ang lalaking nakahiga sa bench na mejo malayo sa amin pero tanaw parin dito sa pwesto namin. Nagtataka lang ako, para kasing kilala ko eh. Bahala na nga.
"Tita, gusto ko pong umupo." request sakin ni Bernice at saka ako naghanap ng mauupuan. Wala na akong mahanap na bench man lang na bakante, kaya napalingon ako sa lalaking nakahiga sa bench.
Nagulat ako kase pakiramdam ko nakatingin siya sa akin, although, naka-shades siya pero nakalingon banda sa akin at paki ramdam ko nakatingin siya sa akin...
Imbis na ibaling ang tingin, ewan ko ba at 1 minuto kaming 'nagtinginan' kuno nung lalaki.
Naalala ko, may kasama pala akong bata kaya nanumbalik ang diwa ko kaya naghanap ko ng pwedeng mapwestuhan namin.
Nagulat nalang ako ng biglang kumalas sa pagkakahawak sa akin si Bernice at tumakbo sa direksyon kung saan nandoon yung lalaki.
Hinabol ko si Bernice para bumalik nalang sa pwesto namin pero mukhang hindi pa...
Nakita kong nakaupo na yung lalaki at hindi na siya nakahiga. Mejo malaki rin pala yung bench kase pang apat na tao siya. Wow grabe ang tangkad naman ni Kuya at occupied niya ang buong bench.
Umiwas nalang ako ng tingin at mejo nahihiyang tinabihan si Bernice.
"Tita, gusto ko po ng cotton candy." pag-aaya nito.
"Pero, bawal sayo yan dahil masyadong matamis yan, at isa pa pagagalitan ka ng mama mo, gusto mo ba yun?"
"Tita gusto ko po ng cotton candy, yung color pink sige na po."
"Pero Bernice, bawal talaga eh." sabi ko at nagsisimula ng tumulo ang mga luha niya.
"Bernice naman eh, wag ka ng umiyak please? Gusto mo pa ba ng ice cream? Or ng cake?"
"Here."
Nakita ko nalang na lumiwanag ang mga mata niya ng makakita siya ng cotton candy sa.....
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...