Chapter 18: Accidents
“At kung mamamatay man ako sa lindol na ito, atlis alam niyang importante parin siya sa akin sa pamamagitan nito.”
Belle’s pov
Hindi parin ako makapaniwala. Hanggang ngayon ay nanginginig ang buong katawanko dahil sa nangyari, lalo na sa ginawa kong pagligtas kay Kylie at sa ginawang pagligtas din ni Jade sa amin at ngayon ay nabagsakan ng gumuhong lumang building.
Isang oras palang ang nakakalipas matapos ang 10 minutong lindol, ligtas na kaming lahat at ang iba ay ginagamoy dahil sa natamong mga sugat sa katawan. Si Izza naman ay nahimatay after niyang tamaan ng bumagsak na hollow block. Tapos ang iba sa amin ay nagpapahinga.
Hanggang ngayon ay wala pa ang mga ambulansya at mga medics kaya gumawa kami ng paraan para magamot ang mga sugat namin dahil ang clinic ay hindi magamit, tanging mga alcohol, cotton, plasters, gamot at iba pa kaya ngayon ay natataranta ang mga tao dahil nga nalaman nilang nasa loob si Jade ng bumagsak na lumang building.
FLASHBACK
“Jaaaaaaaaaaaaaade!!!” sigaw namin ni Kylie at alam kong nakuha namin ang atensyon ng lahat.
“Jade!” sigaw kong muli pero wala na kaming nagawa pa. Napaatras kami Kylie ng may bumagsak ng hollow blocks sa harap namin at mabuti ay hindi kami natamaan. Halos ang lahat ay nakatingin sa amin. Binigyan nila kami ng mga tinging nagsasabing anong ginawa namin sa kanya. Hindi ko rin namang magawang sabihin dahil natatakot ako.
“Si Jade. Huhuhuhuhuhuhuhu.” iyak ni Kylie ng makarating kami doon sa pwesto namin.
“Kylie Explanation now!” nagagalit na tanong ni Maddy.
“S—sorry. Sorry. Hindi ko ginusto yon! Sana ako nalang! Huhuhuhu Jade! Huhuhuhuhu.” muli niyang haagulgol at saka umayos. “I’ll explain to you everything.” sabi niya sa amin at saka kami umupo ng maayos at nakinig.
“Habang pababa na tayo ng building natin, mabilis na mabilis akong tumakbo para pumunta sa lumang building. K-kase, ka-se, huhuhu, kase gusto kong iligtas yung bagay na importante sa akin kahit hindi ko iyon pinapansin. Sobrang halaga nito sa akin dahil isa ito sa mga maganda at masakit na nangyari sa akin dito sa SAU, oo, isa lang itong malapad at manipis na pulang box pero naglalaman ito ng isang bagay na sobrang nagbibigay sa akin ng masayang alaala sa kanya, at ito ang kwintas na ibinigay sa akin ng nag-iisang Josh Montefalco ng buhay ko. At kung mamamatay man ako sa lindol na ito, atlis alam niyang importante parin siya sa akin sa pamamagitan nito.” explain niya sa aming apat na nakikinig. Habang nagkwe-kwento siya ay hawak hawak niya ang kwintas na may pendant na dalawang letter, JK, stands for Josh and Kylie. Kitang kita sa mga mata niya na sobrang halaga sa kanya ng kwintas. Josh Montefalco, sino yun?
“Kaya naman pala Ky, pero yan ba ang batayan mo na, na, okay ang hirap i-explain, basta! Okay. Yan ba ang batayan mo para masabi mong naging importante si Josh sayo? Ha?” tanong ni Angela dito.
“Hindi ko alam. Im sorry.” sabi ni Kylie at saka muling umiyak.
“Im sorry din Kylie dahil nasigawan kita kanina.” sabi ni Maddylane.
“Its okay Mads.” maikling sagot ni Kylie.
“Anong ginawa mo kay Jade?!” nagulat ako sa nagsalita. Kaklase namin to eh. Galit na galit siya.
“Kris” sabi ni Kylie at saka tumayo mula sa pagkaka-upo.
“Anong ginawa mo sa kanya huh?!” nagagalit si Kris pero halatang pinipigilan niya dahil siguro babae ang kaharap niya.
“Kris. Kalma—”
“Kalma?! Paano ako kakalma eh nabagsakan si Jade ng bumagsak na building tapos kumalma? Siraulo ka pala eh! Sabihin mo! Paano ko siya ililigtas eh nasa ilalim na siya nun?!” sigaw ni Kris at nasa amin na ang atensyon ng lahat ng estudyante.
“Pwede ba wag ka ng magpaka Knight in shining armor! Tapos na! Nangyari na! Nabagsakan na si Jade! Do you think na ginusto iyon ni Kylie at Belle?! Ha?! Hindi naman nila ginusto na nandoon si Jade para iligtas sila pero ginawa iyon ni Jade at ginusto niya iyon!” kita sa mga mata ni Maddylane ang galit. Nagulat ang lahat sa ginawa niya at lalo na si Kris.
“Bvllshit!” sigaw nito at may luhang tumulo sa mga mata nito at mabilis niya iyong pinunasan at tumalikod at saka umalis.
“Thanks Mads.” sabi ni Kylie
“Si Kris. Kahit hindi niya sabihin, he still likes or should I say he still loves Jade.” sabi ni Izza habang nakapikit at iniinda ang mga sugat niya narinig ko naman na sumang-ayon ang mga kaibigan ko.
END OF FLASHBACK
“Guys! Mga ambulansya na!” sigaw nung isang estudyante kaya naman naalarma ang mga tao at dali dali naring inasikaso ang mga estudyante at ang lugar. Siyempre inuna nila ang pinakanasaktan. Si Jade.
“Sir! Sir! Dahan dahan lang po sa pagtanggal ng mga blocks! May estudyante sa loob!” sabi ni Kris.
“Tuloooong!” sigaw naman ng ibang mga estudyante. Kaming apat naman ay nakapalibot kay Izza kase hanggang ngayon ay wala parin siyang malay.
“Kylie. Can we talk. Just give me minute.” biglang sulpot ni Josh. Nakita naman namin na nangingilid ang luha ni Kylie kaya niyakap ni Kylie si Josh at nagulat kami.
Walang sali-salita si Kylie after ng 5 seconds niyang yakap kay Josh ay umalis na siya sa pwesto namin at susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Angela.
“Guys ang katawan ni Jade!!!” sigaw ng isa sa mga kaklase namin kaya lumapit kami doon.
“Oh~ Jade’s corpse” mahina pero dinig ng lahat ang pagkakasabi niyon ng isang lalaki na nakaaway ni Jade.
“Aah!” napasigaw ang ilan sa mga estudyante dahil sa ginawang pagsuntok ni Kris doon sa lalaking nagsabi nun. Matapos makita atmayakap ni Jan ang katawan ng pinsan niya ay isinakay na siya doon sa ambulansya kasama siya.
“Mabuti at ligtas tayo.” sabi ko at nakita kong inayos nila si Izza at isinakay na sa ambulansya kaya sumakay narin kami.
---
Find me on my Facebook page!
Sophie Maddison - sapphirejaeyeon
And on my official Facebook account
Sophie Maddison WP
Xoxo!
*VOTE. COMMENT.*
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...