Chapter 47: Officially official

457 16 18
                                    

Chapter 47: Officially official

Umaga na, pero madaling araw pa. Mga 5am palang. Ang aga kong nagising, siguro dahil sa malalim na pag-iisip nung nangyari kagabi...

Nakakahiya! Uh! Ayoko na! Pero buti nalang talaga! Woo! Thank you Lord God! Amen!

FLASHBACK

"Anak? Anong ginawa mo dyan sa loob ng sasakyan?"

(⊙o⊙) !!! Gusto ko sanang sabihin kay Mama na 'Ma nandun po kase yung boyfriend ko' pero hindi ko magawa.

"Ah M-Ma, s-si Jan p-po. Si Jan po nandun." nakaka-ewang sagot ko. Basta!

"Ha? Eh bakit dito ka lang niya hinatid?" tanong ni Mama kaya lumingon ako sa likod na umaasang sana ay wala na si Jan.

"Ah eh kase diba Ma hindi makapasok yung sasakyan niya sa loob?"

"Kunwari ka pa eh! Hindi dapat ganyan ang page-entertain ng manliligaw anak, baka ma-turn off yan." sambit ni Mama. Nagpapasalamat ako dahil madilim ngayon kase namumula na itong pisngi ko. Ang init eh.

Nilapitan ni Mama yung sasakyan. Nakita siguro kami ni Jan kaya ayun nakabukas parin yung ilaw ng kotse niya.

Nakita kong kinausap ni Mama si Jan pero hindi ko naririnig dahil narin sa malakas ang bagsak ng ulan.

Haaaay. Please lang Lord. Hindi pa po ako ready ipaalam sa kanila. Pleeaaseeee!

"Anak tara na." sabi ni Mama kaya naglakad na ako.

"Huy anak saan ka pupunta?"

"Uuwi na po tayo diba?"

"Pasaway ka talaga!" tapos hinila na ako ni Mama palapit sa kotse....ni Jan? What?! Don't tell me na?!

Nakasakay na kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Jan. Kami sa harap at si Mama sa likod. Inaalalayan naman namin yung pagpasok ng sasakyan niya.

At ng makarating na kami sa bahay namin ay naunang lumabas si Mama para kumuha ng payong para kay Jan.

Pero nagulat nalang ako nung sumabay siya sa payong ko at siyempre, mabilis na hinalikan ako sa labi... Hogake talaga.

Mabuti nalang at hindi nakita iyon ni Mama kundi lintik talaga ako neto.

Sabay na kaming pumasok ni Jan sa loob at pinaupo ko siya sa may sofa namin.

"Naku saktong sakto itong niluto kong Sinigang na Hipon! Talagang niluto ko ito dahil mejo napansin ko na makulimlim ang langit kaya naniguro ako na baka umulan ng malakas." sambit ni Mama habang pinaghahain kami ng sinigang.

"Salamat po." sabi ni Jan.

"Ay Ma? Asan nga po pala si Papa?" tanong ko sa kanya.

"Ah nasa Pasig ang Papa mo. Bumista sa bahay ng Lolo mo. Kasama si Kuya Boyet mo." sagot ni Mama saken.

Nandito lang kaming tatlo sa lamesa. Awkward? Konti lang. Yung atmosphere ang bigat hindi mo maintindihan...

"Ehem" tikhim ni Mama.

"Kayong dalawa umamin nga kayo sa akin?"

Dugdug dugdug dugdug dugdug

"P-po?"

"Anak umamin ka sa akin, kayo na ba?"

Dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug

"A-ah m-magpapaliwanag p-po ako. Ahh M-ma k-kase-"

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon