Chapter 21: Im Jenjen
“Wake up please, wake up please. I don't want to see you lying here. Alam mo bang ako Jenjen! Ha? Im Jenjen!”
Lene’s pov
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya o ano! Kahit naman magkaaway kami ay may paki-alam ako sa kanya dahil— dahil schoolmate ko siya! Yun lang!
Bakit ba kase traydor ang mga luha? Shxt.
FLASHBACK
Kitang kita ang mga pagyanig ng lupa, ang mga bagay na nahuhulog mula sa itaas, ang mga taong natataranta at umiiyak.
Bigla kong naalala ang isang napakahalagang bagay at kailangan ko iyong iligtas.
Kahit hindi sa akin iyon ay mahalaga iyon.
Dali dali akong nagpunta sa lugar kung saan nakatago ang bagay na iyon para kuhanin iyon ngunit nagulat ako na may halong pagtataka kung bakit sila naroroon?
Si Kylie at Belle. Anong ginagawa nila rito?
Hindi ko na dapat sila pansinin, dapat ay makuha ko na iyon, pero paano kung nakaharang silang dalawa sa hagdan.
At isa pa, bakit nakadapa si Kylie at Belle?
Hindi lang sila ang tao dito sa lumang building.
Kasama nila si Jade.
Nakatayo lang si Jade sa gitna pero malayo sa kanila at tila ba walang planong umalis sa lugar na ito. Nakita kong may sinabi siya sa kanila. Maya maya pa ay mabilis na tumakbo ang dalawa palabas.
Tiningnan ko si Jade kahit nasa malayo at nakatago ako sa isang malaking pader
Nasa kanya na ang bagay na pinunta ko rito.
Ang notebook.
Hindi sinasadya pero napatingin ako sa mga mata niya at laking gulat ko ng nakatingin siya sa akin. Nakangiti siya sa akin ngayon, at ganun din ako.
“Lene” sambit niya habang nakangiti at may tumutulong luha sa mga mata niya.
“Jade” sambit ko rin gaya ng ginawa niya.
Bigla niyang hinagis papunta sa akin ang notebook pero sa sobrang lakas ay umabot ito sa labas which is yung pinasukan ko kanina.
Tiningnan niya ako na para bang nagsasabing kunin ang notebook kaya naman dali dali akong lumabas para kunin iyon.
Hindi ako nagdalawang isip na bumalik sa loob kung nasaan si Jade pero,
Huli na ang lahat.
Gumuho na ang building.
END OF FLASHBACK
At hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan ko iniwan ang notebook na iyon. Hindi pwedeng mawala iyon!
“Kelangan kong bumalik sa SAU. Baka sakaling nandun lang yun!” sabi ko sa sarili ko at dali daling umalis ng bahay. Wala si Mama dito, nasa ospital siya, binabantayan si Ate.
Kylie’s pov
Yung notebook na iyon, tandang tanda ko pa ng hingin sa akin iyon ni Jade dahil nga sa ayaw ko ng ganoong klase ng notebook, or should I say it's a Diary.
Kahit minsan hindi ko nagamit ang diary na iyon dahil hindi ako sanay, hindi ko gusto dahil tinatamad akong magsulat at sayang lang sa tinta ng ballpen ko, kaya naman ibinigay ko nalang sa kanya iyon mg buong buo. Hindi naman ako nanghihinayang sa ginawa ko eh.
Jade, Lene and I were classmates in Grade 6 dito rin sa SAU, at hindi ko alam kung paano napasok si Lene pero totoo naman, naging magkaklase kaming tatlo noon, kaya lang, hindi kami magkakatabi, ako naman ay nasa harapan at silang dalawa yata ay nasa likod or ewan ko. Pero minsan kaming nagkatabi dahil sobrang konti ng pumasok at lahat ay pinalapit sa harapan at doon na kami nagkaroon ng convo ni Jade at nahingi na nga niya yung diary.
At, at hindi ko inakala na, ganoon pala kahalaga ang magiging papel ng diary ko sa kanya, ng dahil sa diary na iyon nakaratay parin siya sa ospital, comatose. 😥😥😥
Tinext ko sila Izza na gusto kong dalawin si Jade para personal na makausap dahil alam ko naman na gising parin siya.
--
Nandito kami nagyon sa ospital, papunta na kami ngayon ni Mads, Izza at Angela, hindi namin kasama si Belle ngayon dahil natatakot siyang lumabas ng bahay.
Bago kami pumasok, kumatok muna kami at ng makapasok kami, nagulat kami kase may bisita pala si Jade, isang babae pero nakahood siya at naka-shades.
“Ah. Ano. Ah, k-kaibigan ako ni Jade, aalis nako, si-sige kayo na bahala sa kanya.” sabi ng babae at saka mabilis na lumabas ng room.
“D-do you know her?” tanong ni Izza. “Ofcourse not. Duh~” sagot ni Angela. “Its, its kinda wierd.” sagot ko naman.
Lumapit si Maddylane kay Jade na nakahiha at kinausap. “Hi Jade, how are you? We know that you still can hear so that's why we’re talking with you. Magpagaling ka ha?” sabi ni Maddylane sa kanya. Sunod naman ay si Izza. “Hi Jade, I know that we're not really close but I just want to say, thank you, for saving them. And, get well soon as possible.” sabi naman nito. “Annyeong Jade, pagaling ka na please. Thanks for saving them by the way.” sabi naman ni Angela. “Guys samahan niyo naman ako sa canteen oh.” pag-aaya ni Maddylane at saka sila lumabas.
“J-jade. A-alam kong, alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nanjan, and we know na dapat ako ang nanjan sa pwesto mo. Pero, sobrang nagpapasalamat talaga ako, kami, sayo sa ginawa mong iyon, utang ko iyon sayo Jade, kaya sana please gumaling kana, please gumaling kana, gumising ka na jan, alam kong para akong tanga dito kase kinakausap ko ang tulog pero alam kong naririnig mo kami.”
“Jade, hindi ko inakala na, na ganon pala ka importante sayo ang diary na hiningi mo sa akin noon, at hindi ko inakala na hanggang ngayon ay ingat na ingat ka dyan. At saka, I just want to ask you, bakit ba hindi ka agad tumakbo palabas? Bakit kami agad ang pinapauna mo? Why?” hindi ko napansin na naiiyak na pala ako.
“Jade. Jade. Wake up please, wake up please. I don't want to see you lying here. Alam mo bang ako Jenjen! Ha? Im Jenjen! And you forget about me! Nagkahiwalay lang tayo then what happened?! Hindi mo na ako matandaan! What happened to you?! You lose our friendship! Diba sinabi ko sayo noon na babalik ako and I promised to you that after 5 years of living in a province ay babalik ako dito at lalaruin ulit natin ang doll natin tapos kakain pa tayo ng maraming chocolates and ice cream diba? Kinalimutan mo na ba ako Jade? You forget me!” hagulgol ko. Hindi ko napansin na may tao na pala sa paligid ko.
Pagtingin ko, si, si Tita Jaimey. Kasama niya ngayon si Izza, Maddylane at Angela.
“Jenjen hija.” sambit ni Tita sa pangalan ko at niyakap ko siya. “Yes Tita I am.” sabi ko. “You're Jenjen but last time na nagkita tayo ay hindi ka manlang nagpakilala.” sabi niya sa akin. “Im sorry for that Tita, I forget to introduce myself to you.” sabi at muling sumulyap kay Jade.
“I, I just want to ask you Tita about the Diary. Where is it po?” tanong ko. “I, I think na kay Jan Melvin iyon eh, siya kase ang humawak ng diary.” sagot sakin ni Tita. “ Ah, ganun po ba? S-sige. Naku sige po Tita mauuna na po kami. Kami po ang classmates ni Jade sa X-Zeus, kasama niya rin po kami sa Campus Majesties.” sabi ko kay Tita Jaimey.
“Ah ganun ba, naku sige next time nalang tayo mag-usap Kylie, ikamusta mo nalang ako kay Kelly ha?” sabi sa akin ni Tita at ang beso beso na kami at umalis.
--
Kumain muna kami sa isang restaurant ilang layo lang sa ospital. Dito ko ikinuwento sa kanila kung bakit ko close si Tita Jaimey at kung bakit naging ako si Jenjen.
Jenjen- from my name Jeanice at yan ang tawag sa akin ni Jade noong 7 years old palang kami.
Then after naming kumain, umuwi na kami.
Ako, dumiretso ako dito sa isang church para humingi ng tulong sa kanya. Na sana maalala ako ni Jade na ako si Jenjen dahil I miss her and sana gumaling na siya.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...