(Hi I'm back!! Enjoy reading! Love lots💕💕)
DNA - lalalalala lalalala
Kakalungkot naman, malapit na ko sa katapusan. Hindi na pede baguhin yung plot ko na fixed na. Huhu. Few chapters to go. Gaano man ka few yan. Few parin.
TWITTER: @sappjaeytweets
#TCGAIbySJ
#SappJaeyStoriesBELLE’s Point of view
Kahit hindi ko naiintindihan ang ipinahihiwatig ng mensahe, iisa lang ang naiintindihan ko, may galit sa akin ang nagpadala nito. Ang tanong, sino kaya? Wala naman akong kaaway. Natatakot din ako kapag nagsumbong ako dahil baka gumulo lang lalo. Pero anong gagawin ko? Hindi ko rin ito kaya ng mag-isa.
Imbis na magtitigan lang kami nitong mga ‘to, dali dali ko nang tinago at niligpit ang mga ‘to sa..... Saan nga ba??
Sa cabinet?
Sa ilalim ng kama?
Saan ba? Hindi ko naman ‘to pwede itapon diba? Nakuu po.
“Anak”
“Ay kabayo!” ano ba yan! Hala siya nabitawan ko tuloy yung box. Halaaa!
“Oh anak? Bakit ka nagulat? At saka yan ba yung padala sayo? Patingin nga?” natataranta naman akong kuhanin yung box.
“Ah Ma! Maliligo na po ako. Baka po malate nako.” sabi ko. Tumango lang si Mama at lumabas dahil narin nagising na si Papa.
“Phew! Muntik nako dun ah!” at dahil dun, bigla kong naalala yung box na nasa pinaka-dulo ng ilalim ng kama ko. Tama! Doon ko nalang ito itatago.
Matapos kong maitago yun, wala na akong sinayang pa na oras, naligo, kumain, nagbihis at nag-ayos saka ako umalis ng bahay. Ayokong mag-isip ng hindi maganda, sa halip ay iniisip ko na prank lamang ito pero mukhang hindi ito basta prank lang. Ewan ko ba. Gusto kong humingi ng tulong pero paano? Kanino? Saan? At kailan.
Voodoo doll? Huh. Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita at nakahawak ng voodoo doll ng personal. At hindi lang yun, may parang dugo-dugo pang kasama, at may ahas pa. Tss.
“Bestie!”
“Aaah!” shxt. Nagulat ako. Si Geo lang pala.
“Bestie Belle. Ikaw lang pala, okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito saken. Tumango naman ako bilang sagot.
“Sorry Geo, may iniisip lang.” sagot ko pa.
“Geo? Okay, you call me in my name, it means you're not ok. Mind to share?” umiling ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Nung nauna na akong mag-lakad sa kanya, nakasakubong ko si Lene. Wala namang nangyaring hindi maganda, nagtinginan lang kami tapos ayun, tapos na. Oh diba? Hindi niya ako inirapan.
Nagring naman ang cellphone ko nang papunta ako sa may vendo machine ng mga drinks.
“Hello Mahal na prinsesa?”
“uy Jan. Napatawag ka?”
“Tss. Wala man lang bang, ‘Hello din mahal kong prinsipe?’ tss. Mukhang ayaw mokong kausap. Okay, bye—”
“Wait! Sorry. Eh kase... Hindi kase ako ok ngayon, parang mejo nahihilo lang ako.”
“Hell no! Wala pa ngang nangyayari saten tapos—?!”
“Come on. I'm serious.”
“Hahaha. Sorry my princess. Where are you?”
“Vendo machine. Malapit sa gate.”
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanfictionSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...