Chapter 19: Allysson Cruz (edited)

734 23 6
                                    

Chapter 19: Allyson Cruz

Ako nga, Allyson Cruz. Grabe para lang akong nakatingin sa salamin Jade, hahaha”

HELENA’s POV

Ilang taon na ang lumipas good for me noong itinakas ko ang bunsong anak ni Jaimey.

Masyadong mababaw ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa pero malalim iyon para sa akin.

Isa lang naman siyang mang-aagaw, ahas, malandi!

At ang kalandian niya ay nagbunga! At iyon ang lalo kong ikinapupuot!

Dapat ay ang panganay niyang anak ang itatago ko ngunit masyadong maswerte ang bata dahil protektado siya nina Jaimey at Ram Yeol. Huh! Hindi na ako papayag na maging masaya pa silang pamilya.

Inagaw lang naman ni Jaimey si Ram Yeol sa akin. At dahil tao ang inagaw, tao din ang kapalit. At siyempre, hindi naman ako ganoon kasama kaya naman aangkinin ko na itong batang to! Haha!

Hay, kuhang kuha niya ang mukha ni Ram Yeol, ang panganay naman ay kay Jaimey. Kawawa naman ang bunso, hindi mararanasan ang pagmamahal ng tunay niyang magulang! Hahaha!

Dibale, palalakihin ko siya na parang ako lang, siyempre, maganda, matalino, matapang, malakas, maparaan, mabait? Mmmm, maldita pwede pa! At siyempre palalakihin ko siya sa mayamang pamilya para kahit papaano ay magpasalamat siya sa akin at magka-utang na loob siya sa akin.

Ano kayang ipapangalan ko sa kanya? Eh kung isunod ko nalang kaya sa pangalan ng naging anak namin ni Ram Yeol? Allyson? Allysson? Allysson! Tama! Allysson Kim.

Kim? Hindi. Hindi ko isusunod sa apelyedo ni Ram Yeol, kahit pa isa siyang Kim.

Ang batang ito, siya na ngayon si Allyson Cruz.

Ako at si Allyson ay mamumuhay ng masaya at tahimik dito sa mansyong minana ko.

Ibibigay ko ang lahat ng luho niya bilang anak. Simula ngayon, si Allyson na ang nabuhay na anak namin ni Ram Yeol noon.

Kailangan ko nang asikasuhin ang papeles ng anak bukas na bukas.

--

Maaga pa lang ay tinawagan ko na ang mga tao ko para asikasuhin ang mga papeles ng anak ko, may pambayad ako sa kanila kaya gawin nila ng maayos ang utos ko.

Masaya akong nagtungo sa isang Supermarket para mamili ng mga kakailangan namin ni Baby Allyson, gaya ng mga gatas, diaper, bimpo, mga damit niya, at kung ano ano pang mga gamit ng mga babies. Siyempre, namili narin ako ng mga gamit ko at para sa mansyon.

Nakakatawang isipin, bente-dos años palang ako may baby na ako. Yun nga lang, walang ama.

Habang namimili kami ni Baby Allyson, nahagip ng paningin ko ang isang pamilya, masaya at sama sama silang namimili ng mga pagkain nila. Sana ganun din kami ni Ram Yeol ngayon.

Hintayin mo lang Jaimey, hindi ko na hihintayin pa na ang karma pa ang gumawa, mas gusto ko kaseng ako na mismo eh.

Paglaki nitong batang to, sisiguraduhin kong magigimbal ang mundo niya kung saka-sakaling malalaman niya ang totoo niyang pagkatao... Kung sino ba talaga ang isang Allysson Cruz.

~~~~~~~~~~~

Muling nagbalik ang diwa ko ng tawagin ako ni Allyson. Grade 10 na sana siya ngayon ngunit nagkaroon lang ng problema.

“Mommy?” tawag sa akin ni Allyson.

“Ano na pong plano natin ngayon? Gusto  po ba na mag-trabaho na ako?” halata sa nga mata niya na gustong gutso na niyang umahon kami.

The Cool Guy And I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon