Chapter 31: Inaway NILA ako.
“Ano bang problema niyo sakin?! Wala naman akong ginagawang masama ah?! Bakit ba lagi niyo nalang akong inaaway?! Hindi ko naman siya nilalandi eh! Wala naman akon,g gusto sa kanya”
Belle’s pov
Ilang araw ang nakalipas mula nang maging tutor ako ni Jan, Jilliane at nt mga pinsan niya. Ilang araw narin ang nakalipas ng inaasar niya ako, hindi naman sobra pero naiinis parin ako. Yabang eh! Nandito ako ngayon sa Study room nila at kasalukuyang tinuturuan yung dalawang bulilit ng Vowels and Consonants. Hindi naman sila ganoon ka hirap turuan pero makulit nga lang.
“Kids. I said keep quiet and sit down properly.” mejo nagsusungit ako ngayon dahil ang kukulit eh. “Ang sungit mo naman ngayon Teacher Belle.” sabi ni Jan. “Ah alam ko na. PMS ba Teacher?” napalingon ako sa sinabi nito? Aba’t loko to ah! “Hehehehe, sorry! Relax relax. Tatahimik na ako. Hahaha!” natatawang sabi niya. Inirapan ko lang siya. Bwisit!
“Mr. Riano? Are you done?” tanong ko dito. “Not yet Teacher.” sagot nito. After naming matapos ay pinameryenda muna nila ako sa kitchen nila together with Mam Jenny and the other maids. Pinakain nila ako ng freshly baked bread tapos pinalamanan ng Nutella at Iced tea lemon juice. Ang sarap mga bes! Nahihiya akong kumuha kahit gustong gusto ko pa. Itong kinakain ko ay pangalawa na, dapat nga isa lang pero pinilit nila ako kaya kumuha ako. Umalis si Mam Jenny kase may aasikasuhin pa raw siya at sinabi ng mga kasambahay na pwede raw namin itong ubusin. Eh sa inaakit ako ng Nutella, kumuha ako ng isa dahil wala rin namang tao bukod sa amin eh. Damn! This is so good!
“Ah Belle?” lumingon ako dahil tinawag ako ni Mam Jenny. “Yes po mam?” sagot ko dito. “Pwede kang makisabay sa van namin papuntang school, gusto mo ba?” offer sa akin. “Ah Mam hindi na po. May dadaanan pa po ako eh. Thanks po sa offer.” sagot ko rito. “Sure ka ba hija? Don't worry, hindi naman ito makakabawas sa sweldo mo eh. Wag ka nang mahiya. Si Jan at si Jilliane lang ang kasabay mo.” pagpupumilit ni Mam. “Eh kase po Mam Jen, may dadaanan pa po kase talaga ako eh, at saka nakakahiya po. Salamat nalang po talaga mam.” nahihiya kong sabi sa kanya. “Hay nako, sige na nga. Sige ingat ka.” sabi ni Mam sa akin at nagpaalam na akong umalis, nasa labas na ako nang tawagin ako ni Mam. Nakuuuu! Ayoko ngang sumabay sa ungas na yun! Tapos sabay pa kaming bababa sa van tapos ano? Ay malamang pagiinitan ako ng mga alagad nun ni Jan Yabang! Tapos ako naman itong kawawa tapos to the rescue naman silang apat at madadamay sila which is ayokong mangyari, haaay nako! Ah basta ayoko sumabay sa kanila! Kahit mahirap ako! May PRIDE din ako no! Tse!
“Ay kabayo!” Damn! Nahulog tuloy yung libro ko! Bigat bigat pa naman nito. Napaabgat ako ng tingin dahil may ibang kamay ang humawak sa libro ko. “Jan?” bigla kong sabi, at siyempre ano pa nga ba? Edi kumindat nanaman ang kupal. Inirapan ko nalang siya at agad agad na tumayo at pinagpagan ang sarili at saka umalis. Ay nako bahala siya jan! Thank you nalang sa pagbangga sa akin ah! Thank you! 😤😤😤😤😤
--
“Hey Nerdy Girl, may naghahanap sayo. Just see him at the rooftop. *rolls eyes*” sabi ng isang babae sa akin, her ID lace says na she's Grade 9 student. Nandito kami ngayon sa cafeteria, kasalukuyang kumakain ng meryenda. “Psst! What's that?” tanong nila sa akin. Ipinakita ko naman sa kanila yung pink small envelope na inabot sa akin ng babae kanina at tiningnan naman nila. “Hey, don't tell me love letter ito?” tanong ni Kylie. “Aysus! Ganda mo Belle eh no?” pang-aasar ni Angela kaya tinuksi na nila akong apat. “Hoy babae! Oh! *rolls eyes*” sabi naman ng isang estudyante, her ID lace says she's Grade 9 student too, pero hindi siya yung kanina. “Yung totoo? Kailangan ba talagang umirap kapag may iaabot na papel kay Belle?” naiinis na tanong ni Kylie at iniabot sa akin ang papel na binigay ko sa kanila kanina at umirap siya. “Aray!” wila nito dahil binatukan siya ni Maddylane. “Sorry na.” sabi nito at tumawa kami. Iniabot ko rin agad sa kanila yung papel.
BINABASA MO ANG
The Cool Guy And I [COMPLETED]
FanficSi Belle, isang simpleng nerd na estudyante na tanging gusto lang ay simpleng buhay at tahimik sa school. First day of classes palang, na-meet na niya ang lalaking dahilan ng pagka-late niya sa library hours, second, she finds a new friend named Izz...