CHAPTER FOUR

1.6K 122 17
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Hindi ko maintindihan talaga ang likaw ng bituka ng lalaking ito. Parang kani-kanina lamang ay sinabi nitong tutulungan akong makatakas sa dad niya. Tapos heto'y gumagawa na ng rule na para bagang ititira ako rito sa kanila forever and ever!

"I don't get it," sabi ko sa kanya. "Are you saying that we will be getting married as your dad wanted us to?" paglilinaw ko.

Hindi siya sumagot. Tumingin lang sa akin saglit saka sa kawalan. Bumuga pa ng hangin.

"No, we're not," halos ay pabulong nitong wika.

"We are not getting married?" ulit ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at tiningnan na para bagang ang bobo-bobo ko't hirap makaintindi ng mga sinabi nito.

"Do you understand English?" sagot nito. He looked stoic-faced now. Aba, aba. Nang-insulto pa!

"If we are not getting married, then what is my business staying in your house?"

"Hindi ba pwedeng extended guest lang?" he said as if I was too eager to marry him. The nerve!

"Gusto ko lang linawin ang lahat, para klaro. Kasi---kasi I had a l-life before your dad kind of kidnapped me from my parents' house."

He gave me a look na para bagang tamad na siyang makipag-usap sa akin. Tumingin pa siya sa cell phone niya na nasa ibabaw ng center table. Parang may hinihintay na tawag. O siguro gusto niyang ipabatid sa akin na tapos na ang usapan namin.

"I was---was dating somebody before I came here," pagsisinungaling ko.

I got his attention! Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at tinitigan ako na para bagang may sinabi akong masama. Good. Mukhang nasa akin na uli ang atensiyon niya. Kailangan ko siyang sabihan na kung may rules siya, may rules din ako.

"I am okay with your rules for as long as you're going to respect mine, too. And one of them is to be allowed to date anyone I want. Are we okay with that?" Napahalukipkip pa ako habang tinitingnan siya. He stood up. Towering over me for several inches. Ang liit tuloy ng tingin ko sa sarili ko. I mean, literally. Pakiramdam ko isang kuting sa harapan ng isang malaking aso. And I am five feet seven!

"No," flat niyang sabi. No exclamation point. No raising of voices. Just plain 'no'. Ganunpaman, tila dumagundong pa rin iyon sa aking pandinig.

"Bakit naman hindi pwede? Kung hindi rin lang naman tayo magpapakasal, I might as well enjoy my life bilang isang dalaga, right?"

He slowly broke into a smile. Lumabas ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Napansin ko ring, kumislap nang may kapilyohan ang kanyang mga mata. Hindi ko napigilan ang mapasinghap. All of a sudden, naging sobra akong conscious sa presence niya. He made me feel so excited and sweaty. Nakakainis! Saka ang mga mata niya. Dios mio, Marimar! This is the kind of eyes that could easily wet panties!

Hindi ko alam kung alin sa sinabi ko ang pinagtawanan niya. Kasi ngayon ay may munting bungisngis pa akong narinig.

"You sound like you are so eager to marry me. Are you?" he drawled.

"Of course not! Ang kapal nito. Hoy, kahit ikaw pa ang kahuli-hulihang lalaki sa balat ng lupa, hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo. Hindi ako atat maging isang Mrs. Berlusconi. Mahal ko ang pangalan ng papa ko. Di hamak na mas maganda ang Ruiz kaysa sa Berlusconi na ang ibig sabihin ay duling! Yeah. That's what your name means. Cross-eyed."

His smile widened even more. Napailing-iling pa siya. Ako nama'y tila natigilan. Kahit sa tainga ko kasi, I sounded so defensive. Teka. Atat nga ba akong magpakasal sa kanya? Hindi naman, ah!

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon