CHAPTER THREE

1.7K 144 14
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Napatingin ako sa orasan sa dingding nang tumunog ito. Eksaktong alas otso na. Ibig sabihin ay lampas na ako sa binigay na oras ni Seth. Dapat ay nasa ibaba na ako para sa balak naming pagtakas, pero here I am, umiikot-ikot pa lang sa walk-in closet na pinasadya raw talaga ni Don Miguel para sa kanyang mamanugangin. Napanganga ako sa nakikita sa paligid. Lahat ng pinangarap kong brand ng bags ay mayroon sa gawa sa crystal na shelves. At napanganga ako nang makitang from floor to ceiling iyon!

Am I dreaming? Dear God! This is heaven! Luluwa ang mga mata rito ni Yolanda!

Napasimangot agad ako nang makitang nakakandado ang mga estante at number combination pa ang ginawang pang lock! Hmp! Pinatakam lang ako. Ano ba iyan! Tatalikod na sana ako nang makita ang note na nakalagay sa isang maliit na digital photo frame. The shelves are locked with your birthdate. Iyon ang sinasabi ng mga kumikislap-kislap na mga kataga.Tumaas nang bahagya ang kilay ko. Naisip ko agad. Para ba sa akin talaga ito? Kasi mukhang hindi naman ito ginawa lang kahapon. But then, I still tried my luck. And charan!

"Oh my God! It opened!" halos ay naisigaw ko.

Naiyak ako nang mahawakan na ang mga rare Hermes bags na sa panaginip ko lang inangkin. I touched one with my fingertips. Ingat na ingat ako kasi isa iyong hindi pangkaraniwan na matte Himalaya Niloticus Crocodile Birkin bag. Dahil may kasama iyong 18k white gold and diamond, tantiya namin ni Eula nagkakahalaga iyon ng mahigit-kumulang two hundred fifty thousand dollars. Kaya nga nang makita namin iyon sa isang brochure ng Hermes club na kinakabilangan niya'y napabuntong-hininga na lamang kami. But here it is! Nasa harapan ko na!

Napasinghap ako nang pagtingin ko sa wall clock na nasa pagitan ng dalawang malalaking crystal shelves ay alas otso bente na. Dali-dali kong binalik muna sa kinalalagyan niya ang bag at naghanap ng maaari kong isuot. Kung nalula ako sa estante ng mga bags, lalong lumaki ang mga mata ko sa mga naka-hang na damit. Naka-arrange sila depende sa estilo. Iba ang pang-rugged na porma at iba rin ang formal dresses. May mga evening gowns pa from haute couture! Parang ayaw ko nang umalis sa pamamahay na ito, ah. But the moment I said it in my head, pinagalitan ko rin ang sarili. Though everything in the room is so tempting, pinigilan ko ang sariling sobrang pagnasaan ang mga iyon. Mahirap na. Baka nga ayaw ko nang bumalik sa amin kapag nagkataon.

Pagbaba ko ng living room at almost nine in the morning, wala na roon si Seth.

Shit! Did he really mean what he said? Grabe naman siya!

"Flora," tawag ko sa aking personal maid. Lumitaw kasi ito sa sala makaraan ang ilang sandali.

"Yes, Miss Ruiz?"

"Ang Sir Seth mo?" nahihiya kong tanong.

"Si Sir Seth po ba? Kanina pa ho umalis, Miss Ruiz."

Kanina pa umalis?! Napanganga ako. Talagang tinotoo ang sinabing sampong minuto lang ang binigay sa akin. Ang walanghiya! Nabwisit ako sa kanya. Paano na? Ang ibig bang sabihin no'n ay hindi na matutuloy ang pag-e-eskapo namin sa dad niya? Ugh! Gustong-gusto ko na sanang makauwi sa amin. Miss na miss ko na ang luto ni Mama. Saka gusto kong makausap ang papa ko. Ang dami kong gustong itanong at isumbat sa kanya.

**********

Seth Meschach Berlusconi

Parang may kumurot sa puso ko nang makita ang daddy kong walang malay sa hospital bed at kinakabitan pa ng maraming apparatus. He looked so vulnerable. Though I hated him for a long time, nang mga oras na iyon ay naantig ang damdamin ko. Tumulo rin ang aking luha.

"Is there a chance for him to wake up?" tanong ko sa doktor niya na nakatayo sa tabi ko habang nakatingin kami kay Dad.

"I have to be honest with you, Mr. Berlusconi. He has a very slim chance. But---miracles do happen. Malay natin."

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon