Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. H'wag niyang isipin na libog pa rin ang iniisip niya gayong mukhang napasukan na naman kami ng kung sino nang hindi namin nalalaman.
"Wala ka man lang bang gagawin diyan? Aren't you even worried?" naiinis kong tanong.
Napakurap-kurap siya saka walang pagmamadaling pumasok sa dressing room niya. Napahalukipkip ako. Iniwan ako ng damuho! Nagngitngit ako. Imbes na lumabas ng kuwarto, natukso na naman akong manilip sa labas ng silid. Hindi ko na nga napigilan pa ang sarili. Hinawi ko ang makapal na kurtina. Saktong tumambad sa akin ang taniman ng gulay at nagkatitigan kami ng kawangis ng don. Nakatayo na siya ngayon at nakatingin sa silid ni Seth. Napasigaw ako ng pagkatinis-tinis. Nanindig pa ang aking balahibo.
"Keri! What happened?" humahangos na tanong ni Seth. Tumakbo siya agad sa tabi ko.
"Si Don Miguel! Nagkatitigan kami ni Don Miguel!" naiiyak kong sabi. Tila batang nagsusumbong.
Napansin ko agad na naka-T-shirt na ng kulay puti si Seth at naka-shorts ng kulay asul. He smelled so good. Kahit sa natataranta kong katauhan ay hindi nakaligtas ang kanyang gayak. He looked so manly in his simple get up. And his---well, namumukol pa rin. Hindi pa rin iyon tuluyang humuhupa kung kaya mixed emotions ako nang mga sandaling iyon. A part of me was scared but at the same time slightly aroused, too.
Seth looked at me sympathetically. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang kanyang iniisip. Na-trauma ako nang husto sa mga nangyari noong isang linggo kung kaya kung anu-ano na ang nakikita ko. Sa totoo lang, maging ako'y may doubt na rin sa sarili lalo pa't hindi nakita ni Seth ang ama sa lugar na tinuturo ko gayong klarong-klaro ang pagkakakita ko rito kanina. Napansin ko pa ngang tila pinangungunutan ng noo ang don. Marahil nag-aalala ito habang titig na titig sa silid ng anak. Natatakot tuloy ako.
"Your father is worried about you. Iyon ang nababanaag ko sa kanyang mga mata. Kailangan natin siyang makausap. Baka may mangyari na naman dito sa atin." Ngarag na ngarag ang tinig ko.
Hinawakan ako ni Seth sa magkabilang kamay at naramdaman ko ang pagpisil niya sa mga palad ko. Hindi ko nahulaan ang sumunod niyang ginawa. Napapikit na lamang ako nang yumuko siya sa harapan ko at gawaran ng halik ang aking noo.
"I'll take care of you, Keri. I promise."
Napatitig ako sa kanyang mukha. Naroon ang gentleness. May kasama pang awa. No! Ayaw kong kinakaawaan niya ako. Hindi ako nababaliw. Traumatic ang nangyari sa amin, pero tingin ko naman ay intact pa rin ang huwisyo ko. Sinabi ko iyon sa kanya.
"But Papa is already dead, Keri. Nilibing natin siya, di ba?"
"Pero nakita ko siya, Seth! Sigurado ako! Tingin ko'y hindi lamang siya isang doppelganger lang ng don. Siya talaga iyon, eh!"
Walang imik niyang hinila ang kurtina para takpan na ang view sa labas at masuyo niya akong inakbayan. He even kissed me on my temple. Nainis ako na mukhang hindi niya ako pinaniwalaan, pero nagustuhan ko ang pagpapakita niya sa akin ng gentleness.
"Do you think I'm going crazy?" prangka kong tanong sa kanya habang tinutuyo ng kamay ang mga luha sa pisngi. Tiningala ko siyang muli. Sumulyap naman siya sa akin bago umiling.
"I know things have been rough lately, but everything is under control now. Magtiwala ka lang sa akin. Hindi kita pababayaan. Nangako ako kay Papa na poprotektahan kita, remember?"
Nag-flash bigla sa isipan ko ang eksena sa ospital bago malagutan ng hininga si Don Miguel. Umiiyak na nangako si Seth na tutuparin niya ang naging kasunduan ng mga pamilya namin. At sinabi niya ring hangga't nabubuhay siya'y titiyakin niyang ligtas ako.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
Roman d'amourKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...