CHAPTER THIRTY-SEVEN

967 108 19
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Dumadagundong ang puso ko sa kaba na baka iniwan na nga akong tuluyan ni Seth nang dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Tumakbo ako pababa sa ground floor. Hinanap ko agad ang receptionist na siyang tumanggap sa amin kanina. Nasa front desk siya at nag-aayos ng gamit. Mukhang paalis na rin siya. Kung sa bagay madilim na kasi sa labas. Sa tantiya ko gabi na. I lost track of time simula nang patalon-talon kami kung saan-saang lugar simula nang dumating kami sa Switzerland noong isang araw.

"I would like to ask about my companions---the Berlusconis. Are they still here?" My heart was in my throat. Pakiramdam ko dinig na rin ng ginang ang takot at kaba ko.

Bago pa siya makasagot may lumapit sa aking naka-Amerikanang mama. He looked impecabbly dressed---gaya ng mga CEOs sa napapanood kong romantic Hollywood movies. Tingin ko'y hindi nalalayo ang edad nila ni Seth. Around twenty-seven or twenty-eight gano'n. He has a pair of icy blue eyes, so menacingly beautiful. Lihim kong kinutusan ang sarili nang maisip ko pa iyon gayong namomroblema ako kay Seth. Nagkatitigan kami ng guwapong mama at may naramdaman akong kung ano. I couldn't put a finger on it. Ang weird.

"You must be Tabitha---Keri Tabitha Priscilla Ruiz. Is that correct?"

Napaawang ang mga labi ko. Paano ako nakilala ng poging mama? Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na baka isa siya sa mga sugo ni Papa. Napaatras ako agad. Umabante naman siya.

"Diyan ka lang! Hwag kang lumapit!"

Napahawak ako sa mga bibig nang ma-realize na Tinagalog ko siya. Pero tumigil din naman ang mama. Saka ko sinabi iyon sa Ingles. No'n nagsisulputan ang apat na kalalakihang naka-Amerikana rin. Hindi nalalayo ang mga edad nila sa poging mama. Tumingin sa akin ang mga bagong dating saka tumigil sa bandang pintuan. Naisip ko agad na wala na talaga akong takas. Hinarangan nila ang entrance ng villa. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan puwedeng umeskapo.

"Tabitha---baby girl." His voice was gentle.

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig na pagtawag ng lalaki sa akin. Nang inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa at hawakan ako sa kamay, hinambalos ko siya ng dala kong Hermes Kelly. Napa-cover siya sa ulo at sinalag ang mga hampas ko. Nang parang wala lang iyon sa kanya, kinarate ko na. Hilaw pa ang mga moves ko, pero at least nasaktan ko rin siya kasi narinig ko siyang napa-aw! Ganunpaman, nang makabawi siya ay hinuli niya ang dalawa kong kamay gamit ang isa niyang malapad na palad. Pero pahuhuli ba naman ako nang gano'n-gano'n lang? Siyempre hindi! Pagkalapit na pagkalapit niya, tinuhod ko ang kanyang future generations. Bumagsak siya sa sahig at namilipit. No'n nagsilapitan ang apat na men in black at tinutukan ako ng baril.

Nang makita ko ang kanilang hintuturo sa gatilyo ng baril, hindi na ako huminga. Nanigas ang buo kong katawan at na-realize ko rin na hindi sila tauhan ng ama ko dahil kung mga tao sila ni Papa hindi nila ako gagawan ng masama kahit ano pa man ang mangyari. Naisip ko na lang na baka padala sila ni Don Miguel. Nalungkot ako. Naisip ko rin si Seth. And I felt kind of betrayed dahil kanina lamang ay nangako siyang hindi niya ako pababayaan no matter what.

Nang akala ko'y tutuluyan na ako ng apat, bumangon ang mamang sinipa ko at tinutukan ng baril ang mga men in black. May sinabi ito sa Italian at ang naintindihan ko lang ay, "Subukan n'yo lang na barilin siya at papatayin ko kayong apat!"

"Pero, Boss. Sinaktan niya po kayo, Boss," katwiran ng isa. Ito ang pinakabata sa lahat.

Lumapit ang lalaki sa nagsalita at dinikit ang dulo ng baril sa sentido nito. Nakita kong gumalaw-galaw ang Adam's apple ng lalaki sa takot. Nalito ang tatlong kasama nito. Nagpaliwanag pa sila na they only meant to protect him.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon