Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Kanina pa reklamo nang reklamo si Eula tungkol sa mom niya, pero hindi ako nagkomento. Kasi at least si Tita ay nasa tabi pa rin niya. She may not be with her physically dahil nasa States ito, but at least she's with her in spirit. Hindi tulad ng mga magulang ko na matapos akong ibigay kay Don Miguel ay hindi na nagparamdam sa akin. Umalis ang mga ito sa dati naming mansyon sa Quezon City nang hindi man lang nagpasabi.
"Ano ba, Keritot! Are you with me?"
Napabuga ako ng hangin. "I wish I have your problem," malungkot kong sagot sa kanya saka tumayo na. Mayroon pa akong kailangang ayusin sa application ko for my diploma and transcript. "'Lika na. Punta na tayong registrar," yaya ko.
"Akala ko ba nagkaayos na kayo nila Tito at Tita?" sagot nito habang tumatayo na rin.
Umiling-iling ako. "They did not answer my calls. Nalaman ko na lang from a relative na they went back to the States."
Natigil sa pagsubo ng siomai si Eula. "Ang ibig mong sabihin ay tuluyan ka na nilang ipinaubaya kina ---ano nga uli ang pangalan ng lalaking iyon?"
"Let us not talk about him," sagot ko. "Let's go na. Titingnan ko kung okay na ang mga requirements ko dahil this is the last time I will visit this school. Sa susunod na mga araw ay bawal na akong lumabas on my own."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Grabe naman iyan. Ano ang tingin niya sa iyo? Captive?"
Hindi na ako sumagot doon. Ayaw kong isipin muna ang damuhong iyon. Nabubuwisit ako sa tuwing naaalala ko siya. Ang labo kasi ng set-up namin. He does not want us to get married but he does not want to let go of me either. Wala rin naman siyang ipapagawa sa akin. Basta nasa bahay lang nila ako. Gusto niya akong buruhin sa kanila. At least kung sasabihin sana niyang stand by ako para maging palahian niya later, I would understand him. Not that I am eager to do it for him. Pero at least iyon malinaw. Given his background, hindi ako magtataka if he would resort to that crudeness para lamang makakuha ng heir para sa mga naipundar ng kanilang pamilya. Pero hindi eh. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit gusto niya akong manatili pa sa kanila ngayong wala na ang ama niya. Si Don Miguel lang naman ang may gusto na nandoon ako.
"A penny for your thoughts?"
Siniko pa ako ni Eula. Buntong-hininga ang sagot ko.
"Hindi ka ba natutuwa for me?" tanong uli nito. May sinasabi ito about her and Sir Maurr pero ang labo ng dating sa akin. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil may dumating na text message from Ahmad. Tinatanong nito kung tapos na ang sadya ko sa university.
"Ano?" untag ni Eula. Nakasimangot na ito. "Wala ka namang kwentang kausap, oo. Kainis ka!"
"Dalian natin," sabi ko sa kanya. Hindi ko na pinansin ang pagmamaktol niya. Nauna na ako papaunta sa office ng registrar. Nang makita ako ng staff ay tila alam agad nito ang sadya ko.
"Don't worry, Miss Ruiz. Everything's taken cared of. Once na okay na ang lahat ay ipapadala na namin sa iyo ang mga ni-request mo."
Medyo nagulat ako kasi hindi ko pa nasasabi ang pakay ko sa kanya. Napanganga tuloy si Eula at napatingin ito sa akin. Nag-drama tuloy ito sa staff na paano naman daw siya? Wala raw ba konsiderasyon dahil preggy siya and all?
"Professor Halvorsen already applied for you, ma'am. He did all the paperworks for you already. Yeah, okay na rin ang sa inyo."
Humiyaw si Eula. Napasuntok pa ito sa ere at kumembot-kembot na parang pato. Tinaasan ko siya ng kilay at for the first time ay napangiti ako.
"You looked like a fool, Yolanda. Alam mo ba iyon? Nakakatawa pala ang hitsura ng buntis kapag nagke-kenkoy-kenkoyan pa rin."
Ngumiti rin siya sa akin. At long last daw ay napaaliwalas niya ang makulimlim kong mukha ngunit kaagad na bumalik ako sa pagsisimangot nang makita ko ang paparating na assistant ni Seth.
![](https://img.wattpad.com/cover/248124662-288-k51500.jpg)
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...