Keri Tabitha Priscilla Ruiz
"Ma'am, bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kayo hinihintay ng mama't papa n'yo," salubong sa akin ni Aling Inday, isa sa mga katulong namin.
Natigilan ako pagkababa sa kotse sa harapan ng bakuran namin. Mayroon kasing limang magagarang sasakyan na nakahilera roon. Dalawang itim na Audi, isang kulay itim na Mercedez, at dalawa pang itim na Bentley. Sa harapan ng bawat sasakyan may nakatayong dalawang matitikas ang tindig na mama na pawang naka-dark sunglasses. Pareho rin ang tabas ng kanilang suit. Thanks to my best friend, Yolanda Ysadora Anai, na-recognize ko agad ang tatak ng kanilang mga kasuotan. Ang sa harapan ng Mercedez lang ang naka-Armani at lahat ay naka-Gucci na. Mula suit hanggang sapatos pareho ang tatak.
Napasulyap nang palihim si Aling Inday sa mga makikisig na lalaki na mukhang kay guguwapo. They looked like they never saw us gayong nasa harapan lamang nila kami. Wala kasi silang katinag-tinag sa kinatatayuan. Animo'y mga guwardiya sa labas ng Buckingham palace.Taas-noo silang lahat at kahit sa madilim na gabi ay naka-dark sunglasses. Normally, kikiligin na dapat si Aling Inday sa kanila dahil mukhang mga poging goons sa Hollywood. Lahat sila'y guwapo in a menacing way. Tingin ko rin ay hindi sila Pinoy. Pero sa nakikita kong ekspresyon sa mga mata ng pinakaloyal naming katulong, mas nanaig ang takot nito sa kanila kaysa kilig.
"What's going on, Aling Inday?" pabulong kong tanong. Nang maalala na hindi nga pala masyadong maalam sa Ingles ang katulong namin, Tinagalog ko ang tanong.
Masuyo niya akong hinawakan sa kamay at minadaling pumasok na sa loob ng bahay namin. Pagkadaiti ng kamay ko sa palad niya napapiksi ako nang bahagya. Sobrang lamig ng kanya. Parang binabad sa yelo. Lalo tuloy dumagundong sa kaba ang puso ko.
"Keri Tabitha Priscilla! Mabuti't nandito ka na, anak. Bakit ngayon ka lang?" salubong ng papa ko. His voice sounded a bit shaky. Para siyang nininerbiyos na hindi mawari.
Ang mama naman ay nakatungo sa tabi niya. Nang marinig ang sinabi ni Papa kaagad na umangat ang ulo nito at nakitaan ko siya ng galak nang magtama ang aming paningin. Pero ang kagalakang iyon ay naglahong bigla at napalitan ng takot. Napasulyap siya sa aming panauhin.
Pagkahalik ko sa pisngi ni Papa at Mama napatingin ako sa prenteng mama na nakaupo sa pang-isahang sofa na katabi ng couch na inuupuan ng mga magulang ko. May hinihitit siya sa kanyang smoking pipe. May naamoy akong tabako mula roon. I could feel his threatening presence kahit hindi pa nagsasalita. Kahit saang anggulo tingnan para siyang replika ng Mafia don doon sa Godfather movie. Lalo tuloy akong pinangambahan. Hindi nakatulong ang impit na pag-iyak ng mama ko sa tabi ni Papa.
"Ano po ang nangyayari?" tanong ko kay Papa nang pabulong.
Imbes na sagutin ako, hinarap ako ng aking ama sa bisita. Tumayo ang panauhin at ngumiti sa akin. Lumabas ang dalawang gintong ngipin nito sa harapan. Imbes na mapanatag ang kalooban ko sa kanyang pagngiti lalong tumalon ang puso ko sa kaba. He looked even more menacing!
"Your daughter is very beautiful, Conrado. She would be an asset to my family. That's for sure. With your daughter, I am sure that I can now mejorar la raza." At humalakhak ito na parang timang. Kasabay niyon inikut-ikutan niya ako habang tinitingnan mula ulo hanggang paa.
Napahagulgol si Mama. Si Papa nama'y yumuko. Hindi niya ako matingnan nang tuwid sa mga mata. Tapos nakita ko na lang na yumuyugyog ang kanyang mga balikat. Dahil sa nakita kong reaksiyon ng mga magulang, nagkalakas-loob akong tanungin ang don kung ano ang nangyayari although malinaw na sa akin ang lahat. Ganunpaman, I wanted to make sure na tama ang hula ko sa mga pangyayari.
"Your dad sold you to me, hija. You are MINE now."
Napasigaw ako ng matinis na, "NO!" Dinaig ko roon ang aming Tili Queen na si Yolanda Ysadora Anai. Binasag kasi no'n ang katahimikan sa aming mansyon.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...