CHAPTER NINE

1.5K 139 15
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

"THINK about what I told you, mia cara," nakangiting sabi sa akin ni Patrizio habang tumatayo na.

Inayos-ayos nito ang pagkakabutones sa harapan ng suit jacket habang pasulyap-sulyap sa tila nanggigigil na si Seth. Si Seth naman ay mukhang asar na asar. Hindi ko maintindihan kung bakit. Napansin ko na ito sa burol ng kanyang ama. Mukhang hindi sila magkasundo. Naisip ko na lang na baka pinagsisintir pa rin niya ang sinasabi ng mga katulong na pagkakabigay ng isa nilang kompanya sa Italya sa pamamahala ni Patrizio.

"Thank you so much. I will think about it," sagot ko naman sabay tayo rin.

I was about to walk Patrizio to the door when Seth blocked my way.

"Ahmad will escort him to the door. You stay here."

Nagulat ako. Lalo pa't he sounded like he was just talking to his dog. Hindi ko nagustuhan ang tono niya when he said, you stay. Inirapan ko siya dahil doon. Hindi naman siya nag-react.

Nang nasa front door na si Patrizio, kumaway ito sa akin. Saktong napasulyap ako nang mga oras na iyon. Nag-flying kiss pa ito na sinuklian ko naman ng ngiti. Naisip ko agad, buti pa ang Italyanong ito at mukhang sweet at galante. Aba'y kamahal ng nabiling mga bulaklak for me. Tanging mga lalaking hindi kuripot lamang ang nag-aaksaya ng ganitong halaga para sa isang babae.

Naisip ko agad. Nililigawan na kaya niya ako? O baka binibilog lang ang ulo para may maikama rito sa Pilipinas? Ang dinig ko sa mga kababaihang nakakakilala sa kanya nang dumalaw siya kay Don Miguel sa burol nito, may pagka-pabling ang Italyanong ito.

Napangisi ako sa naisip. Malamang na ina-assume na siguro ng lalaking ito na makukuha niya ako sa pagbigay-bigay lamang ng mamahaling bulaklak. Well, he should do better than that. Hindi ako nakukuha sa ganoon lamang.

"What's that smile for?" tanong ni Seth. Walang kangiti-ngiti.

Napakurap-kurap ako. Saka ko lang naalala na hindi pa pala siya nakakaalis sa harapan ko.

"You're enjoying the attention he is giving you, right? You thought it was genuine?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "It doesn't matter. At least, he is giving me attention. Only thoughtful guys give girls flowers."

Para lalo siyang mainis, dinampot ko ang malaking bouquet ng tulips na binigay ni Patrizio at inamoy-amoy iyon.

"The Hermes bags I gave you costs far more than that bouquet."

Napamulagata ako.

Sinasabi ko na nga ba eh! Siya iyong lalaking nagbayad ng bags ko sa party ni Jane Capiral!

"I knew it!" sagot ko.

He glanced at my direction, then left the living room.

Naiwan akong inis na inis. But then at least nagkaroon na ng kasagutan ang gumugulo sa isipan ko. Ilang beses niya kasing hindi sinagot ang tanong ko noon. Although hindi ko nabistahang mabuti ang hitsura ng lalaking bumili ng Hermes bags para sa akin sa party ni Jane, natandaan kong mestizuhin siya. At kamukha niya. Pero ilang beses niyang ipinagkaila iyon nang tanungin ko. Tapos siya naman pala.

Sira-ulo talaga ito!

"Nice flowers, Miss Ruiz," komento ni Ahmad nang dumaan ito sa harapan ko pagkahatid kay Patrizio.

Bago pa ako makasagot sa kanya, hayun na't nagmamadali sa paghabol sa kanyang amo. Bumalik na naman sila sa study room ng aroganteng Seth Berlusconi.

**********

Seth Meshach Berlusconi

Ilang beses na akong nawawala sa pinag-uusapan sa conference dahil sa kaiisip kay Keri. Panay ang sulyap sa akin ni Esposito. One time pa nga ay tila sinadya nitong tawagin ako at tanungin kung ano ang opinyon ko sa mga casinos namin sa Milan. May mga binanggit siyang stratehiya na nais niyang gawin daw namin para mas lumago pa raw ang negosyo. Hindi ko narinig lahat ang mga iyon. Ngayon ay kailangan kong magbigay ng sariling kuru-kuro tungkol sa mga nabanggit niya.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon