Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Binuksan ko ang shower pagkapasok sa banyo at pinaagos ang tubig sa aking katawan. I need to clear my thoughts. Mukhang delikado na ang mga iniisip ko tungkol kay Seth. Hindi ako dapat nagkakaganito. For all I know, ni hindi niya ako pinagkakaabalahang isipin. Sigurado akong iisa lang ang tinatakbo ng isipan niya---ang makabuo kami para maisagawa ang kondisyones sa last will and testament ng papa niya.
You're so stupid to even think he is falling for you, Keri Tabitha Priscilla!
Bukod sa inner voice kong nagagalit na naman sa akin, parang naririnig ko rin ang boses ni Yolanda. Nangangaral din.
"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo noon pa? Men are different from women. Kaya nilang mag-enjoy sa ka-partner nila sa kama nang hindi sila emotionally attached dito. Do not mistook one great sex for a deep emotional connection!"
Nalungkot ako bigla. Tingin ko kasi'y nahuhulog na masyado ang loob ko kay Seth dahil kahit nasa gitna kami ng panganib ay mas matimbang pa ang pag-aalala kong hindi mutual ang nararamdaman namin sa isa't isa kaysa sa kaligtasan ko---namin. Pati nga ang kinakaharap kong problema kay Papa na ayon kay Mama ay hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon ay saglit ko ring nakaligtaan! Now, that I thought about him bigla akong kinabahan nang todo. Kung anu-ano na ang naisip kong nangyari sa kanya. He was involved in huge casino debts lately. Diyos ko! Baka pinapatay na siya ng Mafia na kumokontrol dito!
Narinig ko ang pagtawag ni Seth mula sa labas ng banyo. "Keri! Open the door, please!"
Hindi ako tuminag. Hindi ko pa siya kayang harapin. Nakakahiya ang naging reaksiyon ko kanina sa mga yapos at halik niya. Pakiramdam ko, I made it known to him na sarap na sarap ako sa ginawa niya sa akin.
"Keri, please. Mag-usap tayo!"
Ano naman ang pag-uusapan namin? He might just remind me not to fall for him katulad ng ginawa niya sa isla kanina. NO! Hindi ko hahayaang ma-embarass na naman sa kanyang harapan. Mayamaya pa, tumigil ang pagtawag niya sa akin. Gayunman, hindi muna ako lumabas. Sinabon at kinuskos ko nang mabuti ang katawan ko bago lumabas ng banyo. Wala na nga siya roon.
Umiilaw ang cell phone ko sa kama pagdating ko sa silid. Nakabihis na ako no'n ng pantulog. Isang manipis na cotton shorts at sando. Parehong kulay puti. Nang makita kong galing kay Mama ang text, bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi pa rin daw nagpaparamdam si Papa sa kanya. She already reported him to the police as a missing person. Nakatulugan ko tuloy ang pag-aalala nang labis sa maaring kinasapitan ng aking ama.
Paggising ko kinaumagahan, nanlalata ang aking katawan. Saka ang mga mata ko'y mugtung-mugto. Nagulat nga ako sa nakita ko sa salamin.
"Shucks! Ang lalaki ng eyebags ko!" naibulalas ko pa nang mabistahang mabuti ang aking sarili.
Dali-dali akong tumakbo ng banyo para maghilamos. I set the water to cold at pinanghilamos iyon. Kumuha pa ako ng face towel sa cabinet at binasa rin iyon ng malamig na tubig saka ipinandampi sa mga mata. Nang tanggalin ko na iyon at i-hang sa lagayan ng tuwalya, bumulaga na naman ang initials na A.T. Galit kong sinampay iyon at lumabas na ng banyo.
**********
Seth Meschach Berlusconi
"Keri!" sigaw ko agad nang makita siya.
Hindi niya ako narinig. Nilapitan ko na agad sabay daklot sa isa niyang braso. Napapiksi siya sa gulat. I saw her puffy eyes widened.
"What's wrong, mia cara?" malumanay kong tanong.
Lumayo siya sa akin dahilan para mabitawan ko ang braso niya. She made a sobbing sound. Parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko sa nakikitang tila paghihinagpis niya.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...