Keri Tabitha Priscilla Ruiz
I was pretty awkward mula pa kanina sa bahay. Kabadung-kabado ako nang kaswal lang banggitin ni Seth na dadalhin niya ako sa Palawan para sa aming honeymoon. Imagine that. Honeymoon! Gosh! Kahit ang lamig ng aircon sa loob ng limo at maging dito sa Cessna plane, humulas pa rin ang buo kong katawan. Hindi ako pawisin sa kili-kili pero pakiramdam ko pati iyon ay namasa-masa. Natatakot akong nae-excite na hindi maintindihan.
"Are you all right?" tanong ni Seth sa akin nang papa-take off na ang Cessna plane. Kumakapit kasi ako sa armrest ng upuan. Inisip niya sigurong takot ako sa paglipad.
Although it was my first time to be in a chartered plane at maliit pa nang di hamak kompara sa commercial planes, hindi naman ako worried doon. Iba ang bumabagabag sa isipan ko.
"This is a well-maintained plane. Saka ang piloto ko ay sanay na sa pagpapalipad nito. He has a record of 24,000 flight hours."
Napasulyap ako sa kanya at kaagad na napatingin sa runway na unti-unti nang nagiging ga-tuldok na lang sa paningin.
"I'm okay." Mahina ang boses ko, pero it sounded cool. Malayo sa nararamdaman ko ngayon. Nagulat nga rin ako. Kaya ko rin palang itago ang damdamin kung kinakailangan.
He glanced at me and then started his laptop. From the corner of my eye, nakita kong may binuksan siyang spreadsheet tapos may tinipa roon. Hindi man ako accounting graduate, may ideya pa rin ako sa ginagawa niya. Mukhang may pinag-aaralan siyang financial statement o balance sheet. The numbers I saw on his screen made me drowsy. Bago ko pa namalayan ay nakaidlip ako. Nagising na lang ako nang may yumuyugyog nang marahan sa balikat ko.
"Where are we?" inaantok kong tanong. I sounded disoriented.
"We're here," iyon lang ang sagot ni Seth. He helped me descend the stairs at nang nasa baba na'y may sumalubong sa aking mukhang staff ng airport. She guided me to the arrival area.
Nakalabas na ako ng paliparan ay hindi ko pa rin makita si Seth. Bigla na lang itong naglaho kanina. I was beginning to get worried. Ang isa pang inaalala ko ay ang kakatwa kong hitsura. Para akong rarampa sa evening gown competition ng isang beauty pageant tapos ang karamihan sa nakikita ko sa paligid ay sobrang kaswal ng suot at nakatsinelas lang o rubber shoes.
"Mr. Berlusconi is already in the car, Ms. Ruiz," sabi sa akin ng isa pang tila grand crew ng airport.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Naisip ko agad, how did he do it? Akala ko'y nauna pa kami sa kanya palabas ng paliparan.
True to what the woman said, pagpasok ko sa isang limo na naghihintay sa labas ng airport nasa loob na ang damuho at may kausap sa cell phone. Medyo nainis ako na iniwan niya ako sa ibang tao na pareho rin naman kami ng pupuntahan. Sinimangutan ko siya. He barely glanced at me as he talked on the phone. At wala akong gaanong naintindihan bukod sa si, perche, and ciao. He talked in his dad's native tongue and he sounded serious.
Dahil gabi kami dumating, hindi ko masyadong nabistahan ang paligid. Alam kong sumakay kami sa yate papunta sa isang isla pagdating namin sa port ng Palawan. At dahil bihira akong napupunta sa dagat, I never attempted to look outside the window of my cabin. I felt seasick. Makita ko lang ang alon parang babaliktad na ang sikmura ko. Itutulog ko na lang sana ang sama ng pakiramdam nang may kumatok. It was Seth. Ang dami na naming naikutan at naglaglagan na ang ilang hibla ng buhok ko sa pisngi, he still looked impeccable mula ulo hanggang paa. Para bang may taga-freshen up ng mukha niya katulad ng nasa shooting ng isang pelikula.
"Are you hungry?" tanong nito agad sa akin pagbukas ko ng pintuan.
Napahawak ako sa tiyan. No'n ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Magsisinungaling pa sana ako nang maramdaman ang pagkalam ng tiyan.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
DragosteKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...