Keri Tabitha Priscilla Ruiz
"I know you don't like my father. Sino nga ba naman ang matutuwa? He has asked a lot of money from me already. Nahingan kita ng malaking halaga nang dahil sa kanya---dahil gusto ko siyang iligtas sa kapahamakan." Pumiyok ang boses ko.
"Hey. Stop. It doesn't do you any good."
"I want to explain. Gusto kong malaman mo na hindi masamang tao ang papa ko. Nalulong siya sa sugal, pero hindi siya masamang tao. He was a good father to me for twenty-one years. Ngayon lang naman siya naging ganito."
"You're twenty-two now, Keri. No longer a child. Kaya siguro ay sinisingil na niya ang nagasta niya sa iyo noon. This may be the reason why---"
Napanganga ako sa namutawi sa kanyang bibig. How dare he!
Napansin niya siguro ang biglang pagbagsik ng mukha ko kung kaya't tumigil siya sa pagsasalita at humingi agad ng dispensa.
"Fathers always love their kids. I know mine does. He loves me," asik ko sa kanya. Gumaralgal na ang tinig ko sa galit at sama ng loob sa mga sinabi niya.
Nagtaas ng kamay si Seth na animo'y sumusuko. Saka ngumiwi. Napahawak agad ito sa sugat na nasa bandang balikat. Nakita kong lalong naging matingkad na pula ang marka sa benda. I was alarmed. Pero mas nanaig ang inis ko kaya hindi ko siya dinamayan this time. Bahala siya sa buhay niya. Ininsulto niya papa ko. What does he expect? Alangan namang matutuwa ako sa kanya gayong nilait-lait niya si Papa.
Nag-ring ang cell phone ni Seth. Si Ahmad na naman. Maari na raw kaming bumalik sa itaas. Okay na raw ang lahat at nakapagbigay na raw ito ng statement sa mga pulis. Parang ayaw ko namang umakyat. Natatakot ako dahil baka bumalik ang taong nagpasabog sa bakuran ng mga Berlusconi. Mahirap na. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makitang muli ang mga magulang ko sa kabila ng lahat ng nangyari sa aming pamilya. At gusto ko ring maka-bonding pa ang mga kaibigan ko lalung-lalo na ang loka-loka kong BFF na si Yolanda Anai.
"I think you've heard what Ahmad said---? Let's go."
Nauna na si Seth patungo sa labasan ng secret room na iyon. Nanatili lang akong nakaupo sa couch. Hindi ako tuminag. Parang hindi ko pa kayang magtiwala sa mga tao sa itaas. Kahit kay Ahmad o sa mga gwardiya ng mansion. Kasi isipin mo na lang, gwardyado ang buong bakuran ng mga Berlusconi tapos may nakapasok? Hindi kaya inside job ang nangyari?
"Keri, let's go!"
"How sure are you that it's safe to go up? What if they are still there? The killers, I mean?"
Saglit na natigilan si Seth. Parang napaisip.
"We cannot hide forever. C'mon. Ahmad already reassured me that everything's taken cared of."
"How sure are you that he's on our side?"
Hindi uli nakasagot si Seth. "I have to trust him." Mahina ang kanyang tinig. Parang siya mismo ay nagdududa rin siguro. Sinimangutan ko siya lalo. It was not making me feel any better. Lalo tuloy akong kinabahan. But then, ayaw ko namang maiwan doon. Oo, the room looked cozy and safe, pero nasa ibaba kami ng ground floor. Pwedeng mag-cave in ito at---Napatingala agad ako sa magara nitong kisame. No'n ko na-notice na iba ang design ng kisame sa pinakasentro ng silid. Kung iyong sa bukana ay mother and son, doon sa silid ay tatlong tao na ang nakita ko. Naroon na si Don Miguel---his younger version at ang asawa nito at ang batang si Seth. Nasa harap sila ng dagat. Ang mag-asawa ay nakatawang nakaupo sa buhangin habang nagmamasid sa kanilang anak na parang nagpapahabol sa alon.
"Our happiest day. The following morning our mansion in Florence was bombed."
Napahawak agad ako sa Hermes Himalaya Birkin bag ko. Parang humuhugot doon ng lakas. Dinaklot pa ng takot ang puso ko. Parang narinig ko na naman ang pagsabog ng bomba kanina. Umalingawngaw iyon sa aking alaala. Pinangilabutan ako.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...