Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Napahinga ako nang malalim nang matapos magkuwento si Papa tungkol sa nangyaring pagsabog ng yate at kung paano ako naligtas dahil sa seasickness ng private nurse na nag-alaga sa akin na siya ring nakagisnan kong ina. It seemed sureal. Growing up, never kong pinagdudahan na hindi ko biological mother si Mama. I was even closer to her than I was to Papa. Now that I knew about the truth regarding the other half of me, bumalik sa isipan ko ang mga eksena kung saan naku-kwestyon ko ang devotion ni Papa kay Mama. Ang mga tagpong iyon ang nagtulak sa akin palapit sa inaakala kong tunay kong ina.
"That explains..." At nagpahid ako ng mga luha. Nasaktan ako para kay Mama.
"Ang alin?"
"Na palagi ay nakakaligtaan mo ang birthday ni Mama at hindi mo rin natatandaan ang anniversary n'yo gayong you seemed to be a demonstrative person when it comes to your feelings for other people. May naikuwento ka pa noon sa akin tungkol sa panliligaw mo kay Mama. You looked kind of dreamy as you recalled how you courted her." Tumingin ako kay Papa. "Iyong tinutukoy mo ba sa kuwento ay---ay ang tunay kong ina?"
Napakagat-labi si Papa. Parang tila nahiya. Nang marahan siyang tumangu-tango, lalong nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. I felt sad for Mama. Kasi nakita ko kung paano niya minahal si Papa. Minsan nga nakita ko pa siyang napaluha nang lihim nang hindi umuwi si Papa for their anniversary. Ang natatandaan kong paliwanag no'n ng aking ama ay ang pasyente sa ospital. But later on I discovered from his doctor friend na nakipag-inuman lang siya sa mga ito. Hindi lang minsan nangyari iyon. Maraming beses.
"You never celebrated your anniversary with Mama but there's this occasion our family has never failed to celebrate---the eighteenth of September. Ano iyon?"
"The day your real mother accepted my marriage proposal---the happiest day of my life." Halos ibinulong na lamang iyon ni Papa, pero parang ang lakas-lakas ng dating sa pandinig ko. Naalala ko na naman ang usual na ginagawa ng mama sa tuwing sasapit ang araw na iyon. Magkukulong siya sa entertainment room namin at magpapatugtog nang magpatugtog ng Fur Elise ni Beethoven.
"I'm sorry. I did not mean to hurt your s-second mother, Tabitha. She has given us her life. She took care of you like you're her real daughter."
Hindi na ako nagsalita. Nainis ako lalo kay Papa. Kung hindi niya kasi mahal ang Mama Lyra ko bakit niya pinakasalan? Pwede namang naging nanny ko na lang siya forever. Saka he had a lot of time to tell me everything when I was a lot younger. Bakit kailangan pang papaniwalain ako sa isang kasinungalingan?
Lumapit sa akin si Papa at hinawakan ang kamay ko. Hindi ako nag-react kahit nang pinisil-pisil niya ito. Nadagdagan lamang ang kasalanan niya sa akin. But a part of me was thinking that I need to understand his situation. The greatest love of his life was taken from him abruptly and it was in the most painful way. Tapos inakala pa niyang kasamang nawala sa kanya ang kanilang panganay. Marahil kahit sinong tao ay gagawin din ang ginawa niya.
Kahit sino susunggab sa pagkakataong manggamit sa isang babae na ang tanging naging kasalanan lamang ay magmahal sa taong kailanman hindi siya masusuklian kahit ni katiting ng pagmamahal nito sa kanya?
Ako rin mismo ang sumalungat sa nauna kong rationale sa ginawa ni Papa. Lalo tuloy akong nalito.
No'n lang umisod palapit sa akin si Kuya. Inakbyan niya ako at masuyong hinalikan sa sentido. Siya naman ang nagkuwento ngayon.
"It was a miracle I survived. And so I always thank God I was given a second chance to life."
Isinalaysay nito ang pagkakasagip sa kanya ng isang mag-asawang mangingisda na taga-Sorrento. Doon daw kasi siya napadpad. Nakita siya ng mag-asawang nakadapa sa dalampasigan at walang malay. Inalagaan siya ng mga ito like their own son.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...