CHAPTER TEN

1.6K 131 8
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Pinanuyuan ako ng lalamunan nang makita kung paano ako tinitigan ni Seth. Matapos niyang sipatin ang mukha ko'y dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata sa bandang dibdib ko and it stayed there for like fifteen seconds! Saka lang siya tumingin muli sa mga mata ko nang marinig akong tumikhim.

"Didn't your mother tell you that it is rude to stare?" sabi ko sa kanya sa mahina at medyo garalgal na tinig. Nainis ako sa sarili dahil gusto ko sanang sabihin iyon nang walang gaanong emosyon, ngunit naging halata pa rin ang panginginig sa boses ko. Alam kong nalaman niya tuloy kung gaano ka lakas ang dating niya sa akin.

Nakita kong kumislap sa kapilyuhan ang mga mata niya nang kung ilang segundo bago nagtaas nang bahagya ang isa niyang kilay at naging nagseryoso na ang ekspresyon sa mukha.

"You know I was not staring."

He said it lazily which made it sound so sexy. At least in my ears. Lalo akong nainis sa sarili. Dapat hindi ganoon ang reaksiyon ko. I was supposed to call out his behavior. Ngayong in denial siya, dapat sinasabi kong huwag na siyang magkaila dahil hindi naman ako tanga. Subalit, walang namutawi sa mga labi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero nang magtama uli ang mga mata namin ay bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Saka iyong buzz-buzz ng tila bubuyog sa mga tainga ko ay lumakas pa nang ilang decibels.

"It's almost ten thirty now. Let's go," bigla niyang pahayag saka nauna na sa may front door.

Napasimangot ako habang tinitingnan ang kanyang likuran. Kanina nang bumalik siya sa tabi ko, I thought he came to offer his arm. Ganoon naman dapat. I was supposed to hold his arm for support. Aba'y pinag-heels niya ako ng four-inch stilleto! Damuhong ito!

Hindi sa hindi ako sanay sa mga sapatos na matataas at maninipis ang takong. Mahilig kaming pumorma ni Yolanda kahit nagmo-malling lang. Ordinaryo na sa aming dalawa ang stilleto heels lalo pa kung kumakain kami sa mga high end restaurants. Kami lang sa aming magbabarkada ang mahilig sa ganoon. Sina Shane at Felina ay mas trip ang mag-fast food. Although I know Shane's family own restaurants that cater to higher middle class people. Gayunman, kailangan ko ng suporta dahil ang haba ng gown! My gosh! Kung hindi ko aangatin ang sa bandang gitna ng hita para tumaas ang laylayan, maaapaakan ko na ito. Not that I am short. Halos hindi nalalayo ang height namin ni Eula. Pareho kaming naglalaro sa five-six hanggang five-seven. Mahaba lang talaga ang trahe de boda ko.

"What are you waiting for, Keri?" asik niya sa akin sabay lingon. Then, he pursed his lips.

Ewan ko ba. I was supposed to get scared by his expression, pero tila bagang lalo lamang ginatungan no'n ang excitement ko. He looked extremely hot with his lips pressed together. Alam kong nagpipigil siya ng galit, pero wala lang. Gwapo talaga ang hinayupak, eh. Nawawala tuloy ako sa gusto ko sanang sabihin. Nakakaimbyerna!

Dali-dali akong lumapit sa kanya. Sa pagmamadali ay natapilok ako. Naapakan ko kasi ang hemline ng gown ko. Natumba sana ako kung hindi niya ako naalalayan agad. Nang magkadaiti ang aming mga balat, napapiksi ako. Para akong nakuryente. Napakurap naman siya at napatingin sa akin na parang nagulat. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Pero hindi ko na masyadong inisip iyon. I wanted this thing to be over with kung kaya dali-dali akong tumayo nang matuwid at nauna pa sa kanyang lumabas ng bahay.

**********

Seth Meshach Berlusconi

After like an eternity, narating din namin ang opisina ni Mayor Cruz. Napa-double take siya nang makita si Keri. Tapos kinamayan ako.

"Ang swerte mong bata ka," nakangisi nito sabi sa akin. "Don Miguel would have been proud of you if he were here with us."

I shook his hand but didn't say anything to him. Kung alam niya lang. Hindi sana ako malalagay sa ganitong sitwasyon kung buhay ang dad.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon