Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Kaagad na nag-init ang mukha ko nang mapansin ang paglaki ng bukol sa kanyang kandungan. I immediately stopped what I was doing and sat straight. Iniwasan kong matingin doon. Pasimple pa akong umisod palayo sa kanya nang sa ganoon ay hindi ko masagi kahit katiting ng kanyang katawan. Biglang kambyo tuloy ng emosyon ko. Kanina ay tila palaban ako sa panghuhusga sa kanya at sa kanilang negosyo. Ngayon nama'y gusto ko munang h'wag isipin ang kahit ano man tungkol sa kanya. I tried to think about my friends. Si Eula. Kumusta na ang best friend ko? Si Felina? Mataba pa rin kaya? Si Shane? Ang baby Shane namin. The last time I talked to her she had a huge problem with Thijs and she seemed to be into some mysterious guy. Kumusta na kaya silang tatlo? It has been a long time...
"Yeah. We're almost home," narinig kong sabi ni Seth bigla. From the corner of my eye, nakita kong hawak na naman niya ang cell phone. I could hear a faint male voice from the other side of the line, pero hindi ko nauulinigan ang buo nitong sinasabi. May narinig lang akong, 'Take care."
Hindi ko tuloy naiwasang lumingon kay Seth. Nakasandal na siya sa head rest ng upuan. Nakapikit ang mga mata. Napakagat na naman ako ng labi. Aminado akong ang guwapo niya talaga. Kakaiba ang hitsura niya. Malinis ang mukha maliban sa mumunting tubo ng facial hair. Unlike men in his kind of business, wala akong nakitang ni isang tattoo sa kanya. Not that I dislike it. Tingin ko nga nakapagbigay iyon ng air of mystery. Bihira ang taong napanatiling untouched ang katawan sa panahon ngayon. Bakit kaya? Ano ang rason niya kung bakit hindi siya nakikiuso?
"How many times do I need to tell you it is rude to stare?" bigla na lang ay nasabi ni Seth sa pabulong na tinig. Tapos dumilat ito at tinitigan ako. Nataranta naman ako. Sa pagmamadali kong umiwas ng tingin sa kanya'y nalaglag ko ang cell phone na nasa kandungan ko. Bumagsak ito sa sahig. Nang tangkain kong pulutin, pinulot din niya. Nagkasagian ang mga kamay namin. Nakuryente na naman ako. At napasulyap ako doon sa bukol sa kanyang harapan. Hindi pa rin iyon nagsa-subside totally, pero hindi na kasing laki kanina. Binawi ko agad ang tingin sa paraang parang napaso pati ang mga mata ko.
I heard him chuckle. Napatingin tuloy ako sa kanya. Sinimangutan ko siya. Pinagtatawanan ba ako ng mokong na ito?
"I just remember something funny," sabi ni Seth. Then, he looked at me lazily and smiled.
Kung titingnan mo siya, parang hindi nakipagbarilan kaninang umaga. Aakalain mong isa lamang ordinaryong araw ang nangyari sa amin. Okay din ang taong ito, ah. Nakakaimbyerna nga lang ang sobrang pa-cool niya.
"There's nothing funny in our ordeal today. Dapat nagdadasal ka at hindi tumatawa!"
Tumaas nang bahagya ang isa nitong kilay saka tila kumislap ang mga mata. "I thought you did that already. I mean the praying part. Didn't you? Kaya tayo nakasalba, right?"
Inirapan ko siya. Saka ako naman ang sumandal sa head rest ng upuan at pinikit ang mga mata. Gusto ko sanang makatulog muli para hindi nag-o-overanalyze ang isipan ko sa mga pangyayari. Kaso the more I close my eyes, the more I see that thing between his legs. Ang mahirap pa nito'y nalalanghap ko pa ang kanyang male cologne dahil lumipat siya sa side ko ng upuan. Ramdam na ramdam ko tuloy ang presence niya.
Mayamaya pa, dahan-dahan nang lumiko ang sinasakyan namin. Nang tumingin ako sa labas ng bintana, nakita ko na ang pangalan ng subdivision namin. We are home. Saglit lang kaming nawala but it felt like a long time.
**********
Seth Meshach Berlusconi
Hindi ko lang masabi kay Keri na worried din ako sa sitwasyon namin. Hindi ko matukoy nang lubusan kung sino talaga ang gustong magpapatay sa akin. Marami akong naisip na suspect. At isa na roon si Esposito. Iyon nga rin ang suspicion ng mga dumating naming tao from Milan. Iyong tumulong na maialis kami sa isla bago pa may makalapit sa akin at kay Keri. Kaso nga lang, may sinasabi si Ahmad that made me think there may be somebody other than Esposito behind the attempt to kill me.

BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...