Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Nang maramdaman kong hinawakan ni Papa ang braso ko kaagad ko itong tinabig. I glared at him, too. If looks could kill siguro'y nangisay na siya. I was too angry to say anything.
"I was---t-testing him. I didn't believe he would make you his --- human shield. I just want to be sure before I---"
I raised my palm and put it between us. Pinapatigil ko siya sa pagsasalita. Pumagitna si Kuya sa aming dalawa.
"Tabby."
"Don't call me that! Isa ka pa!"
Daig ko pa ang tumakbo ng kung ilang milya sa bilis ng paghinga ko. Parang sasabog ang aking dibdib sa sama ng loob. At the same time, hindi ako mapakali. Iniwan naming duguan si Seth. Kahit na ilang beses sinabi ni Kuya na inutusan niya ang kanyang mga tauhan na dalhin ito sa pinakamalapit na ospital, hindi pa rin ako naniwala. I have a gut-feeling, they wouldn't. Kung ang mga tauhan nga lang niya ang masusunod, gusto nilang tuluyan na ito ni Papa kanina.
"Please stop the car!" sigaw ko. I was sitting in the middle of my brother and my father. Papa wanted to hold my hand. He looked like he was in pain nang mahuli ng tingin ko ang hitsura niya sa rearview mirror. But then, nagmatigas ako.
Ginagap ni Kuya ang kamay ko pero kaagad ko itong tinabig din.
"Tabitha, don't make everything difficult for us. You knew his father almost wiped out our family! If Papa and I were not lucky, you would have been left alone in this world. His papa killed Mama for crying out loud!"
No'n lang ako tumigil sa kasisigaw. Napahagulgol ako. I was torn. Bigla akong nalungkot para sa isang ina na kailanman ay hindi ko nakilala. Ni hindi siya naikuwento ni Papa sa akin. Ang alam ko, ang Mama Lyra ko ang tunay kong ina. Kahit ilang beses na nilang sinabi na hind siya ang biological mother ko, a part of me rejects the truth. Siguro ito ang naging bunga ng kung ilang taong pakikipag-simpatiya ko sa kanya sa nakita kong pag-take for granted sa kanya ni Papa. The more na nire-resent ko ang aking ama ngayong naiintindihan ko na kung bakit there were times when Mama Lyra seemed to be just a yes-yes wife to him where I was concerned. Kaya pala hindi nakapalag si Mama no'ng pilit akong pinapakasal kay Seth kahit halatang hindi ito boto sa ganoong arrangement. Kaya pala sa tuwing imumungkahi nitong sundan ko siya sa Amerika at doon ako pumisan sa kanya, parang ayaw ni Papa. Which was so weird to me then! Kung anu-ano ngang teorya ang naisip namin ni Yolanda noon. We thought he was just too possessive of me. Punyeta!
Pero kung naiisip ko rin ang tunay kong ina na nasawi nang dahil sa ambisyon ni Don Miguel, pumuputok sa galit ang puso ko. Napapakuyom awtomatiko ang mga palad ko at gusto kong manakit ng tao. Sa isang banda, naiisip ko ring hindi masamang tao si Don Miguel. If he was, he shouldn't have hired Flora to protect me. Alam na niya pala noon pang bago ako pumisan sa kanila na Zio Salvatore was out to kill me! At ramdam niyang malapit lang ang kaaway. Ilan sa kanilang naging katulong ay sugo pala ng salbahe kong tiyuhin. If Don Miguel was a bad person, kung talagang sagad sa buto ang kanyang kasamaan, total naman may malaking gantimpala para sa kanya kung pati ako'y mabubura niya sa mundo, dapat hindi na niya ako binigyan ng proteksyon.
Aaahhhh! I'm confused!
Pero isa lang ang sigurado ako. Mahal ko si Seth. Mahal na mahal.
**********
Seth Meschach Berlusconi
Grabe ang pagdagundong ng puso ko nang makita kong papasok ng inn sina Keri at Flora. Ilang araw lang na hindi ko siya nakita subalit pakiramdam ko'y taon ang binilang bago ko siya nasilayang muli. She looked so beautiful in her pleated red skirt and black sweater and jacket. Nakadagdag ng chic look ang itim niyang knee-length boots. Napatitig lang ako sa kanya nang kung ilang minuto bago ko sila lapitan. Siguro kung hindi ako tinext ni Flora para tanungin kung nasaan na ako ay hindi ko pa sila lalapitan.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomantizmKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...