CHAPTER FIVE

1.6K 119 6
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Ang bilis ng mga pangyayari. One moment naghaharutan kami ni Eula, the next moment may bigla na lang humila sa akin habang papalapit kami sa taxi na sasakyan namin pabalik ng eskwelahan. Nag-flash agad sa isipan ko ang mga eksena sa maaksyong pelikula kung saan may bumibihag na Mafia sa bidang babae. Pero hindi kagaya sa pelikula, labis-labis akong natakot at nayanig sa pangyayari. Hindi siya exciting, sa totoo lang. No'n ko naunawaan ang sinasabi nilang life is fragile.

"Keri!" narinig kong sigaw ng isang tila pamilyar na tinig. Nawala na yata ang huwisyo ko no'n dahil sa pangamba. Vague na kasi ang dating ng boses. Bago pa tuluyang bumigay ang mga tuhod ko sa nerbiyos, a strong and powerful arms grabbed me by the shoulders and hugged me tightly. Pag-angat ko ng ulo, nakita ko si Seth Berlusconi.

"Seth!" naibulalas ko. Sobra akong relieved nang makita siya. Nakaramdam agad ako ng security na para bagang safe na safe ako sa mga bisig niya. "Who was that?" tanong kong umiiyak. Imbes na sagutin ako'y inalalayan niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Noon ko naalala ang aking kaibigan.

"Yolanda!" sigaw ko na lang bigla. "Where is she?"

"Don't worry about her. She's with Ahmad now."

"Sinong Ahmad? We need to get her!"

Pinangunutan niya ako ng mga mata. Saka ko lang naalala kung sino si Ahmad. Assistant niya pala. Binuksan niya ang bintana sa passenger's side at may tinawagan. Mayamaya pa'y nakadungaw na rin si Eula sa bintana at kumakaway sa akin.

"Keri, okay ka lang?" tanong nito nang pasigaw.

"O-oo! How about about you?" balik-tanong ko rin. Ngarag pa rin ang tinig.

Nag-thumbs up sign siya. Tapos sinara na ng kasama niya ang bintana. Ganoon din ang sa gilid ko. Sinabihan ako ni Seth na dapat na kaming makaalis doon ngayon bago pa magising ang dalawang mamang nabugbog nila.

"Aren't we going to call the police? Kailangan natin mai-report ito!" pahayag ko. I was so shaken.

Nakita kong napa-smirk si Seth habang nagmamaneho. Inulit ko ang sinabi ko.

"Hindi ako nagbibiro!" sabi ko pa.

"What do we call them for?" tanong niya sa akin sa paraang parang napaka-impertinente ng sinabi ko. "Wala namang nangyari."

"Ano'ng walang nangyari?! You saw how they almost abducted me!"

"Yeah. Almost."

"Kahit na! It was attempted kidnapping pa rin! Kasalanan pa rin iyon sa batas!"

"As if may magagawa ang batas laban sa mga organized groups. Just forget it, all right? And next time, do not roam around alone. Hindi ba't sinabi ko sa iyo na you are part of my household now? Ibig sabihin lang no'n kargo na kita. Kung ano ang mangyari sa iyo, pananagutan ko na. By the way, why did you leave the house on your own? Didn't I tell you not to? May mga bodyguards ka, ah. Where are they?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba ang pinagsasabi nito? Kung makapangaral sa akin daig pa'ng asawa ko. Malinaw ang usapan namin na walang kasalang magaganap. Saka nagpa-practice dying na si Don Miguel. Siya lang naman ang atat na ipakasal ako rito sa bruho niyang anak. Ngayong almost ay wala na siya, siguro naman ay okay lang na umalis na ako sa kanila. Ano pa ba ang magiging role ko roon? Inulit ko na naman ang tungkol sa role sa kanya.

"Please do not tell me you're slow. I heard your school is one of the best universities in Manila. Huwag mo silang ipahiya. Huwag na nating ulit-ulitin ang usapang ito, okay? We already talked about this. And as I have already said to you before, you are already a part of my household."

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon