A/N: The image shows how Kuya's private jet looks like in the inside. :)
**********
Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Dati-rati pangarap lang namin ni Yolanda ang makasakay sa isang private jet. Para kasi sa aming mga nagsososyal-soyalan ay ultimate sign ng karangyaan ang pagkakaroon ng sariling eroplano. But here I am now. With the men I love and the woman I started to admire.
"Okay ka lang ba, Flora?"
"Hwag mo akong alalahanin, Ms Ruiz. I'll be fine."
Inisip ko sana siyang tabihan, pero she looked at me with a bit of discomfort. Kung sa bagay, mga halos isang taon ding katulong at amo ang relasyon namin. Nito lang naman nagbago dahil kailan ko lang naman nadiskubre na protector pala talaga ang role niya sa buhay ko. Iyon ang inatas sa kanya ni Don Miguel nang mapag-alaman nitong pinapahanap ako para patayin ng sarili kong tiyuhin na si Zio Salvatore Ferro.
"Enjoy the ride, Flora." At tinapik ko ang balikat niya bago nagtungo sa isang bakanteng upuan sa likuran ng eroplano. Hindi pa ako nakakaupo ay nilapitan na ako ni Kuya. Doon daw ako sa tabi niya sa unahan. Mas komportable daw doon.
"Keri has to sit with me."
Alanganin akong ngumiti kay Kuya bago sumunod kay Seth. Magkaharap ang upuan namin. Center table lang ang nasa pagitan. Ang sa kabilang hanay naman na kaharap lang ng amin ay inuupuan naman ni Flora. Bakante ang pang-isahang upuan na kaharap niya. Kuya did not look at who he was sharing the space with. Basta na lang siya naupo roon while looking at me and Seth as we settled down. Dahil palihim ko ring tinitingnan si Flora, nakita ko ang bigla niyang pag-panic. But then when my brother looked at her direction, she merely gave him a nonchalant shrug and looked at the window.
"Ang Kuya mo ayaw sapawan sa atensyon mo. Mas komportable at malawak ang space sa unahan, bakit siya nakisiksik dito sa gitna? Hindi naman kita itatakas na dahil lumilipad na ang eroplano."
"Hwag kang bumulong sa Tagalog. Baka iniisip niyang pinag-uusapan natin siya."
Ngumiti si Seth while gently touching my left foot with his right.
"You also whispered."
Nangiti rin ako. Bahagya kaming pinangunutan ng noo ni Flora. Kuya was already reading some newspaper at that time. Nakatakip ito sa mukha niya. Flora glanced at us one more time, and then turned towards my brother and rolled her eyes. Tapos tumingin uli siya sa amin ni Seth at nang magtama ang paningin namin ngumiti na siya sa akin. Napangiti na rin ako sa kanya.
Kuya suddenly lowered his newspaper and glanced at me.
"What?"
"Huh?"
"What's with the smiles?"
"Ha?" Tagalog na ang tono ko.
Tumikhim si Flora at pinaikot ang sofa patalikod sa kapatid ko. Gusto kong matawa.
"Wala po. I mean, we were just enjoying the ride. Thank you, Kuya."
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya at pinagpatuloy na ang pagbabasa ng dyaryo. He remained there for a few more minutes bago siya pinuntahan ng first officer o second pilot ng eroplano.
"Aren't you joining us in the cockpit, sir?"
Lumingon siya sa akin at sinabihan akong welcome din ako ro'n kung nais kong makakita ng magandang tanawin.
"Go, join them, mia cara. It would be a nice experience," sabi ni Seth.
Isang tingin lang kay Seth at nabatid ko nang mas okay ako dito sa tabi niya. Saka alam kong kunwari lang siya, pero ayaw din naman niya akong umalis. He looked kind of guilty nang umalis sina Kuya na hindi ako kasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/248124662-288-k51500.jpg)
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...