EPILOGUE

2K 140 67
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Sabi ni Seth may sorpresa raw siya para sa akin. Nakapiring pa ako nang isakay niya sa kanyang Innova papunta sa isang lugar. Importante raw iyon para talagang may impact ang lahat.

Naramdaman ko ang pagtakbo ng sasakyan, pero wala akong kaide-ideya kung saan kami patutungo. Manaka-naka'y napapatigil kami sa ilaw trapiko. Inisip ko agad na dadalhin niya ako sa karatig-probinsiya o baka mas malayo pa. Baka nga papunta kaming Zambales o di kaya aakyat ng Baguio. Excited ako sa parehong lugar. Ang tagal nang hindi ako nakapunta roon. I needed to be out of Manila. Ang tagal na ngang office at condo lang ang routine ko. Kung hindi lang dahil sa dinner dates namin kada Biernes ng gabi, wala nang ganap sa pagbabalik ko ng Pilipinas. Si Yolanda kasi'y anak nang anak. Nakatatlo na siya sa pagkakaalam ko. Si Felina naman ay tila humahabol. Si Shane lang ang tila napag-iwanan. The last time we saw each other, I think that was in Eula's wedding, alam kong mayroon siyang serious boyfriend. Tapos bigla na lang ang sabi ni Yolanda h'wag ko raw tanungin about the guy dahil parang one-sided lang ang feeling. In short, parang si Shanitot lang ang naghahabol.

Mayamaya pa ay parang lumiko ang sinasakyan namin at tumigil ito makaraan lamang ang ilang sandali. Kung nag-out of town kami, dapat nasa biyahe pa rin kami. Ang lapit lang naman nito. Ni wala pa ngang isang oras.

Where the hell are we?

"You may get off the car now," masuyong bulong sa akin ni Seth.

Dahan-dahan naman akong bumaba ng sasakyan. He made sure na hindi ako mauuntog sa bubong ng sasakyan o sa pintuan nito dahil nakahawak siya sa ulo ko. Nang makababa na ako'y sinalubong ako ng halimuyak ng mababangong halaman. Tingin ko, rosas at rosal ang naamoy ko sa paligid.

"Can I take off my blindfold now?" tanong ko.

"Not yet, mia cara."

"Ano ba! The suspenses is killing me!"

"In a few minutes. Just be patient."

"Saan mo ako dadalhin?" I laughed nervously.

"You'll know soon."

Seth firmly held my hand and guided me to somewhere. Noong una'y pakiramdam ko may mahuhulugan ako kung kaya panay ang tigil ko sa paglalakad. Nang maramdaman ng paa kong tila patag naman ang dinadaanan namin, I started trusting him wholeheartedly at naglakad na ako nang normal. Ilang minuto pa'y tumigil na kami. I felt his hands on my temples. He kissed my forehead gently and whispered, "Ti amo, mia cara."

Kinilig naman ako. Knowing Seth, alam kong nakapikit siya as he was whispering those words to me. How I wished I could see him right now.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang piring sa mga mata ko. When I opened my eyes bumulaga sa paningin ko ang dati nilang mansyon sa Southvale Ayala. Binago lang nang kaunti ang hardin at ang mga nasirang parte dulot ng pagsabog ng granada nang lusubin kami ng mga tauhan ni Zio Salvatore, pero it looked almost the same as the first time I saw it. Awtomatikong nagsibalikan ang mga alaala ng kahapon. Bago ko pa narendahan ang emosyon, nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

"Are you telling me---?"

Lumuhod si Seth sa harapan ko at binuksan ang maliit na pulang kahon.

"Keri Tabitha Priscilla Ruiz, will you marry me?"

Napanganga ako. Hindi ko sukat-akalain na tatanungin pa niya ako no'n. I thought nakalimutan na niya ang pangako. Lalo akong napahagulgol. Nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha. Yumuko ako agad at ginawaran siya ng light kiss sa labi.

"Of course, I will marry you, Seth Meshach Berlusconi."

**********

Seth Meshach Berlusconi

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon