Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Nang makita ko si Papa na nanlilisik ang mga mata, natakot din ako for Seth. Ito lang kasi ang bumaba sa sasakyan. Kami ni Flora ay nanatili sa loob pati na ang mga tauhan ni Kuya.
"Hindi mo talaga tatantanan ang anak ko, Berlusconi, ano?" sigaw ni Papa kay Seth habang papalapit siya. He was cursing in Italian.
"I love your daughter, Mr. Ruiz," malumanay na sagot ni Seth.
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig at binaba ko pa lalo ang bintana sa gawi ko.
"Close the window, Ms. Ruiz!"
"Hindi ko sila maririnig."
Hindi ako pinakinggan ni Flora. Siya na mismo ang nagsara ng pintuan ko. Tuloy ay parang nag-mime na lang ang dalawa dahil hindi ko na sila marinig pa. Nagulat na lang ako nang magpaputok sa ere ang aking ama. Awtomatikong nabuksan ko ang pintuan sa gilid ko at tatakbuhin ko sana ang kinaroroonan ni Seth na a few meters away from us lang nang pigilan ako agad ni Flora. Isinara nito ang pinto at kinagalitan pa ako.
"Stay put lang tayo rito gaya ng sabi ni Sir Seth, Ms. Ruiz. Let him handle the situation."
"Hindi mo ba nakikita? They would kill Seth! I need to be there! Kung makikita ako ni Papa siguradong lalambot ang puso niya. Hindi niya tutuluyan si Seth!"
Tinitigan ako ni Flora at nakita ko sa bugbog-sarado niyang mga mata na parang kinaawaan niya ako. Pinaningkitan ko siya.
"You do not know your father that well, Ms. Ruiz. Hindi na siya ang taong kilala mo dati. He's a cold-blooded murderer. He killed Ahmad. Hindi mo ba naalala?"
Nangunot ang noo ko. "No!" sagot ko agad. "Mga tauhan niya ang pumatay kay Ahmad. Hindi siya. I was there!"
Tumulo ang luha ni Flora. Tumingin siya sa malayo.
"You came after he was shot sabi ni Sir Seth. Nabaril na noon si Ahmad. Si Mr. Ruiz ang nakasapol sa puso ni Ahmad. He killed Ahmad with his gun."
Napanganga ako sa narinig. I felt numb.
"Pero kahit na hindi sa baril niya nanggaling ang bala, the fact that he ordered his men to fire at Sir Seth and Ahmad, guilty pa rin siya of killing him by virtue of command responsibility."
Iyon din ang naisip ko no'n, but I was comforted with the thought that it was not his bullet who killed Ahmad. Pero ngayong narinig kong siya mismo pala ang kumitil sa buhay ng taong minsan ay sumugal ng buhay para sa akin, nakaramdam ako ng ibayong guilt. Wala akong kasalanan, alam ko, pero anak ako ng taong mamamatay-tao. It was a hard pill to swallow.
Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ni walang tunog ang iyak ko this time.
"Don't blame yourself, Ms. Ruiz. You are not your father."
Pinisil-pisil ni Flora ang balikat ko saka binigyan ako ng panyo. Habang nagpapahid ng mga luha, napatingin ako sa labas ng bintana. Lumilipad na sa ere sina Seth at ang mga tauhan ni Papa. Pinagtulungan ng limang katao si Seth. Inatake agad ako ng nerbiyos. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng sasakyan.
"Tumigil kayo! H'wag n'yong saktan si Seth!"
"Get inside the fvcking car, Keri!" sigaw ni Seth sa pagitan ng pagsipa at pagsalag sa sipa ng kalaban. Dahil napalingon siya sa akin, tinamaan siya sa tagiliran. Na-off balance si Seth at natumba sa kalsada. Sinamantala iyon ng mga kalaban niya at sabay sana nilang tatadyakan ito, pero napagulong bigla si Seth kaya sila ang nagrambolan.
"Keri! Come here!" sigaw naman ni Papa sa kabilang kalye.
Bago ko pa siya masulyapan, nahila na ako ni Flora pabalik ng sasakyan. Nakita kong sigaw nang sigaw si Papa sa labas, pero hindi ko na naririnig. Nang makita kong isa-isa nang napapabagsak ni Seth ang limang kalaban, si Papa na ang humarap dito. No'n ko lang nakitang lumaban si Papa nang hindi gamit ang kanyang armas. Nagulat ako sa galing niya sa martial arts. Ganunpaman, hindi pa niya natatamaan si Seth. Napansin ko rin na ni hindi nagtangka ng any offensive moves si Seth. Puro defensive ang kanyang galaw. Nang sa bandang huli'y mapatumba rin niya ang ama ko, tumayo siya sa harapan nito. Bumuka-buka ang bibig ni Seth pero dahil naka-side view hindi ko mabasa kung ano ang mga sinasabi. Nagulat na lang ako nang pinulot niya ang isa sa mga baril na nakalatag sa kalsada at binigay kay Papa. Tapos dumipa siya sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...