Keri Tabitha Priscilla Ruiz
"No. Maybe your secret Santa Claus?"
Hindi agad ako nakaakyat ng kuwarto gawa ng narinig ko sa mga bibig mismo ni Seth. Hindi raw siya ang bumili ng bag para sa akin. Ang ibig bang sabihin no'y ay ang taong nanloob sa mansion noong isang araw? Pero bakit? No one would buy a bag that costs almost four hundred grand for nothing! At bakit naman niya gagawin iyon? Unless, he is a billionaire who doesn't know how to spend his tons of money. Kaso nga lang, kahit bilyonaryo pa siya hindi naman siguro magtatapon iyon ng pera sa hindi kilalang nilalang nang ganoon lamang.
Napabuga ako ng hangin. Nayakap ko ang bag at naglakad na paakyat ng hagdan. Nasa second floor na ako nang biglang yumanig ang buong kabahayan. Awtomatiko akong napayuko. Nang sinundan pa iyon ng isa pang malakas na putok napadapa na ako. Nadaganan ko ang bag! Saka ko lang iyon na-realize nang maramdaman ko ang tila matigas na bagay sa bandang dibdib ko. It was the lock!
"Oh, my God!, Oh, my God!" Naiyak ako nang makita na mukhang nagka-dent pa ang Birkin ko. Ang paghagulgol ko para sa munting scratch at dents n'yon ay mas matindi pa sa iniyak ko noong mapag-alaman kong bumalik ng States ang Papa at Mama ko nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.
"Keri! Keri!"
May dumaklot sa braso ko. Nabitawan ko bigla ang bag at natalsik pa kung saan. Lalo akong nag-hysterical.
"Are you hurt? Are you okay?" natatarantang tanong ni Seth. Sinapo niya ang mukha ko. He looked so worried to death. May butil-butil nang pawis sa kanyang noo.
"Ang bag ko! Saan na ang bag ko?"
Tinulak ko si Seth at nagpalinga-linga. Nang makita ko ang bag ay agad kong tinakbo at maingat iyong niyakap. Hinalik-halikan ko pa na parang timang. Paglingon ko kay Seth ang talim na ng tingin niya sa akin. Mukhang galit na galit siya.
"You were crying because of that fvcking bag?" hindi makapaniwala niyang tanong. Mahina lamang ang kanyang tinig pero hindi maikakaila ang init ng kanyang ulo.
"This is a Himalaya Birkin bag for crying out loud!"
"I was so worried about you. I thought you were hurt by the explosion because you wailed like a child in deep pain. And you are telling me now that it was because of that fvcking bag? Fvck you, Keri!" he hissed.
Nagpanting ang tainga ko. "Ang mahal nga ng bag na ito, eh! Natural lang na maiyak ako dahil bigla ko na lang nadaganan! Hindi mo ba alam kung gaano ka mahal ang magpa-restore nito? Hindi naman kita sinabihan na mag-worry sa akin, ah!"
Natigil ako sa pagsasagot sa kanya nang pabalang nang may marinig kaming palitan ng putok sa ibaba. Shit! Hanggang dito ba naman sa Manila nasundan kami ng mga gustong pumatay kay Seth? Pinanlamigan ako. Bago ko pa maipakita ang tunay na nararamdaman, nahila na ako ni Seth na bumaba ng hagdan. He led me to the basement.
"Ang mga katulong? Sina Aling Floring? Si Flora?"
"Ms. Ruiz! Sir Seth!" Tumakbo pa sa amin si Flora pagdating namin sa basement. Awtomatiko nitong dinama ang pisngi ko na hindi naman niya normal na ginagawa. Parang yelo sa lamig ang kanyang mga kamay.
Nang igala ko ang paningin sa buong basement na mistulang isang malaking sinehan, napanganga ako. May malaking TV screen sa pinakagitna ng room at ang kada hanay ng upuan ay nabalot pa ng kulay asul na quilt. Malawak ang espasyo in between the row of seats.
Iba na ang super yaman. May sinehan sa loob ng tahanan!
Nang naglalakad kami ni Seth papunta sa TV screen, biglang humawi ang nakatabing kulay asul na quilt sa likuran ng mga upuan at may sumilip na ulo. Napasigaw ako. Nabitawan ko na naman ang Birkin bag. Ang lutong ng pagmura ko pagkatapos.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...