Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Palihim kong tiningnan ang batang Berlusconi sa kabilang kabisera. Naalala ko noong una ko itong nakita roon sa Hermes party ng kakilala ni Eula. Sobra akong napahanga sa porma niya at sa paraan ng pagdadala sa sarili. Biruin mong nakasuot lamang siya noon ng denim jeans na warak sa tuhod at t-shirt na puti ngunit mas class at elegante pa siyang tingnan kaysa doon sa mga naka-suit. Ang palayaw nga namin sa kanya ni Felina nang gabing iyon ay high end bad boy. Pero siya lang ang kumikilos hoodloom na walang tattoo sa kamay o braso. Iyon agad ang napansin namin. Nakakapagtaka lang.
Napakurap-kurap ako nang biglang magsalita si Don Miguel. Gusto niya raw ng heir. At ora mismo pa! Hindi na raw siya makapaghintay. I gasped. Siguro halatang-halata ang pagkagulat ko dahil nginitian ako ng don na para bagang gusto niyang payapain ang aking kalooban.
Ang lalaking tinawag na Seth Meschach naman ay hindi man lang nagulat. Ngunit napansin kong bahagyang tumaas ang kilay niya, pero hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa kopita habang bahagya itong inaalog. Tapos inisang tungga niya ang laman no'n.
Kung noo'y inisip namin ni Felina na baka kaya lang namin nasabi na guwapo siya ay dahil sinagip niya ako sa kahihiyan, ngayo'y nasigurado ko nang talagang pamatay ang hitsura niya. His thick eyebrows are well-shaped. Ang mga pilik-mata'y malalantik at makapal din. Pero ang pinakanakapagbigay sa kanya ng prominenteng look ay ang matangos niyang ilong. Doon mababanaag na may lahi siyang Caucasian. Ngunit hindi tulad ng karamihang tisoy, hindi masasabing manipis ang kanyang mga labi. Katunayan, he has a full lower lip, which gave him a sexy aura. Ang upper lip naman ay mas makapal kaysa sa mga puti at mas manipis kung ikompara sa mga Pinoy. Ang pinakagusto ko sa lahat ay ang buhok niya. Mahaba ito kaysa karaniwan saka medyo magulo ang hairstyle na parang sa mga Hapon. Hindi ko alam kung naturally brown iyon o kung dahil sa tina.
"Of course you have to get married first before anything else. I promised your Papa."
Napanganga uli ako sa don. "Get married?" tanong ko.
"Get married?" tanong din ni Seth Meschach. Halos nagsabay kami. Binalingan tuloy niya ako. His hazel brown eyes were giving me a cold stare.
"Yes. I do not want a bastard for a grandson," kalmadong sagot ni Don Miguel. Nakangiti ito. Para bagang nagkukuwento lang ito tungkol sa panahon.
Gosh! Get married daw!
"We did not agree on this marriage thing, Papa," malamig na tugon ng lalaki. Matiim na nitong tinitingnan ang ama. Nakakuyom pa ang dalawang palad sa ibabaw ng mesa.
"As I have mentioned on the phone a while ago, I want an heir. You have to give me an heir! So of course, marriage is part of the deal."
"I also did not agree on giving you an heir. If your concern is not to let me have whatever it is that you have worked hard for, why don't you just write a will that you are going to donate your wealth to a charity of your choice when you die?" suhestyon pa nito na nagpagulat sa akin. Ang ibig nitong sabihin ay hindi man lang nito ipaglalaban ang karapatan?
"It is not that I do not want you to inherit what I have! But you have to prove you are worthy of the Berlusconi Group of Companies!" sigaw ng matanda. Napapukpok na ito sa ibabaw ng mesa. Napaigtad ako. First time na may nagtalo nang ganoon ka intense sa harapan ko. Nakakatakot.
Umiling-iling ang anak. Lalong nag-apoy ang tingin nito sa ama. Nakita kong napakagat-labi pa ito. Halatang nilalabanan ang emosyon.
Habang nagbabangayan silang mag-ama, hindi na ako umimik. Hindi ko kasi alam kung paano ako sisingit sa pagtatalo nilang dalawa. I was used to a peaceful meal time. Sweet kasi ang parents ko sa isa't isa. Saka kaming magkapatid naman ay bihira lang nagtatalo. Malaki ang age gap namin ni Ate kung kaya parang second mother na rin ang tingin ko roon. Dahil bumukod siya agad matapos makapag-asawa, minsan na lang kami nagkakasama sa iisang bubong kung kaya sa tuwing nagkikita kami ay malambing kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...