CHAPTER FORTY-SEVEN

1.1K 104 34
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Marahan akong napatangu-tango kay Seth at walang pagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Nahabag ako sa kanya at sa sitwasyon naming dalawa.

Nag-usap pa kami at napag-alaman kong wala na rin pala kaming babalikang bahay sa Las Pinas. Ang mansion sa Southvale ay kailangan na ring i-surrender sa bangko. Naisangla raw iyon ni Don Miguel noon para isalba ang tanging negosyo ng pamilya sa Bulacan, ang palaisdaan. Ang kaso lang hindi raw iyon nagtagal dahil sa sunud-sunod na pinsala ng bagyo. Ilang harvest time kasi na naabutan ng super typhoon kung kaya imbes na umani sila ay nalugi lang. Umapaw daw kasi ang tubig sa fishpond kung kaya nasama sa tubig baha at pinagpiyestahan ng mga tao roon ang dapat sana'y aanihing bangus at tilapia.

"Please stop crying, mia cara. I will surely find a way for the three of us."

Tumango uli ako. I guess I just have to trust him. Gayunman, hindi ko maiwasang pangambahan. Sanay si Seth sa maluhong buhay. Mas maluho pa nga siya kaysa sa akin. Ang hilig niya sa mga magagandang sasakyan. Saka napansin ko rin, hindi siya nagsusuot ng damit na walang pangalan. Katunayan, Levi's jeans lang ang nakita kong pinakamura niyang naisuot. Pero iyong mamahaling klase pa rin na umabot ng mahigit dalawang libong piso. He wore it one time when he went with Ahmad to Bulacan to check on their fishpond.

"Boss, pupunta ba tayong palaisdaan o magrarampa ka?" nakangisi pang biro sa kanya ni Ahmad noon nang makita ang kanyang gayak. Paano kasi ang T-shirt niyang puti ay isang Saint Laurent na nagkakahalaga naman ng about four hundred dollars.

To which he responded, "This is the simplest I could get."

Napangiti ako sa alaalang iyon. No'n ko kasi napagtanto na wala man siyang kaibigan among the guys in his circle, mayroon naman siyang Ahmad.

Bumalon ang luha ko nang may maalala pa uli tungkol sa huli. Seth panicked. Inisip niyang naiiyak ako sa sitwasyon niya---namin.

"No, no, no. I feel so---so bad about what my father and brother did to you---and Ahmad. Si Don Miguel lang dapat ang may kasalanan, eh. At napagbayaran na niya iyon. I'm sure my mother would've forgiven him already after what he did for me when he found out my uncle wanted to have me killed."

Pinisil niya ang mga palad ko at hinagkan niya ako sa noo. "Stop crying, mia cara. I don't want to see you cry. It makes me sad, too."

Napayapos ako sa kanya nang yakapin niya ako muli. I felt better as soon as I was wrapped in his warm embrace. Ang init sa kanyang katawan ay nagbigay sa akin ng assurance na magiging okay din ang lahat. Kailangan ko lang magtiwala.

"Do you trust me?"

"Anong klaseng tanong iyan?"

"I just want to know."

"Of course." At inirapan ko siya.

Ang tamis naman ng ngiti niya. Para pa siyang kinilig.

Baliw.

Napangiti na rin ako tuloy.

**********

Seth Meschach Berlusconi

"I want to talk to you," deretsahang pahayag ni Giulio Ferro isang umagang nagpang-abot kami sa nurses' station. Nandoon ako para mag-request ng copy ng pinainom na gamot at vitamins kay Keri. 'Kako'y baka kailangan naming iprisinta sa magiging doktor ni Keri sa Maynila pag-uwi namin. Dumaan naman si Ferro roon para magtanong kung sino ang maaari niyang kuning private nurse ng kapatid habang nasa Switzerland sila. Balak niya raw kasing ipa-discharge na si Keri at sa hotel suite na lang nila aalagaan.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon