CHAPTER TWELVE

1.6K 114 16
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Papasok na sana ako sa sala na para sa mga bisita nang marinig kong sumigaw si Seth. Galit na galit ang boses niya. Tinanaw ko ang mamang naka-suit na kalmado lang na nakaupo sa kaharap nitong pang-isahang sofa. Pamilyar ang mukha ng matandang lalaki sa akin. Pero hindi ko matandaan kung ano ang pangalan niya at kung sino siya sa buhay ng mga Berlusconi. Timing na dumaan sa tabi ko si Flora na may dala-dalang maiinom ng bisita. Pinigilan ko muna siya para tanungin kung sino ang kausap ni Seth.

"Abogado po ni Don Miguel noon, Miss Ruiz."

"May problema ba? Ba't galit ang amo mo?"

Kiming ngumiti sa akin si Flora, pero hindi na sumagot. Sa halip ay humingi ito ng paumanhin at nagsabing ihahatid na raw ang inumin sa amo at sa bisita nito.

Hindi ko na siya pinigilan pa at hindi na rin ako tumuloy sa sala. Bumalik ako sa living room na katabi ng kusina at nanood ng TV. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa katabing-sala kapag may nauulinigan akong pagtaas ng mga boses. Mayamaya pa nga ay hindi na ako nakatiis. Napasilip ako sa pintuan. Saktong-sakto ang pagbanggit ni Seth sa pangalan ko. Gulat na gulat ako.

"I will never do that to Keri!"

Napakurap-kurap ako sa narinig at biglang dumagundong ang puso ko sa kaba. Hindi ko tuloy narinig ang sunud-sunod na pag-ring ng cell phone na iniwan ko lamang sa center table ng living room. Saka ko lang ito tiningnan nang mismong iabot ito sa akin ni Aling Floring. Nakapasok siya mula sa kusina. Dalawa kasi ang pintuan ng silid. Isang patungo sa kusina at isang papunta naman sa salang nakatalaga for visitors.

"Nakadalawa ka nang miscol, Miss Ruiz."

Mula sa hindi kilalang numero ang tawag ko. Naisip ko agad si Patrizio. Subalit, nasa list of contacts ko na siya at wala akong nakikitang rason para hindi siya magpakilala kung siya nga. Natigilan ako nang mabistahang mabuti ang mga numero. Mula sa Amerika ang tawag!

Sinubukan kong mag-return call at ganoon na lamang ang tuwa ko nang marinig ang pamilyar na tinig sa kabilang linya.

"Papa!" buong pananabik kong banggit.

"Keri, anak! Thank God, nakontak din kita sa wakas. Kumusta ka na, anak?"

Naulinigan kong may mga boses sa paligid ni Papa. Parang may kung ano silang inuudyok dito. Pinangunutan ako ng noo. Mayamaya pa ay tila impit na napadaing si Papa.

"Papa! Ano'ng nangyayari sa inyo?" nababahala kong tanong.

Hindi na si Papa ang sumagot kundi isang boses-Amerikano na. Napag-alaman kong mga taga-Casino pala ang mga ito at hindi nila pinayagang makauwi ang aking ama dahil sa laki raw ng utang nito sa sugal.

"Please do not hurt my father! How much does he owe you?"

Pagkasagot ng lalaki, nahilo ako at tila tumiklop pa ang mga tuhod.

One million US dollars!

**********

Seth Meshach Berlusconi

Wala na sana akong galit kay Papa. Nalusaw na sana lahat ng iyon nang makita ko ang mga huling sandali ng kanyang buhay. Biruin mong mula sa isang masigla at puno ng enerhiyang nilalang ay bigla na lang itong nalantang parang gulay. Walang kaabog-abog. Parang bagyo sa bilis ang mga pangyayari. Subalit ang lahat kong kinimkim na sama ng loob sa kanya noon ay unti-unti na namang gumapang pabalik. Isipin mo ba namang nag-iwan ng last will na hinding-hindi ko mahahawakan ang kanyang mga naipundar kung hindi ko siya mabibigyan ng apo sa loob ng dalawang taon mula nang ipakilala niya sa akin ang babaeng napili niya for me. Si Keri Ruiz. At hindi ako pupwedeng mag-produce ng tagapagmana sa iba or else mapupunta sa kawanggawa ang lahat ng naipundar niya kabilang na ang mansyong tinitirhan namin ngayon. Halos mag-aanim na buwan na ang nakalipas simula nang dumating sa amin si Keri. Ang ibig sabihin lang no'n ay mayroon na lamang akong isa at kalahating taon bago maisagawa ang nais ng aking ama.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon