CHAPTER FIFTY

1.3K 115 43
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

AFTER FOUR YEARS

Bonggang-bonggang tili ang sinalubong sa akin ni Yolanda pagdating ko ng arrival area sa NAIA Terminal 3. Nagtatalon pa ito. Ngingiti-ngiti lang sina Felina at Shane sa tabi niya. They hugged me tightly as soon as I reached them. Si Yolanda ang madramang umiyak. At no'n niya ako sinumbatan ng hindi ko pagsasabi sa kanya ng mga nangyari sa buhay ko in the last few years.

"I knew you were hiding something on our last year in college! Lagi na lang kasing hindi kita mahagilap. Kapag tawagan ka'y always cannot be reached ka! Bakit hindi ka nagsabi sa akin? I could have given you some moral support!"

"Paano kaya makakapagsabi si Keri sa iyo kung ang daldal mo? Eh di lalo siya nalagay sa panganib? Baka natiklo siya agad ng mga naghahanap sa kanyang tauhan ng Zio Salvatore niya," nakangising sabat ni Felina.

"Oo nga. Sobra kaya iyang bunganga mo, ano," sang-ayon ni Shane.

"Tse!"

Napangiti ako sa kanilang tatlo. I kissed them one by one on the cheek and smelled their necks.

"Ay, tomboy! Anyare? Iyan ba ang epekto ng pagka-broken heart mo?" Si Yolanda uli.

"Tange. Ini-smell ko lang ang mga pabango n'yo dahil may sorpresa ako sa inyong tatlo! May dinekwat ako sa mga pabangong kinolekta ni Kuya all these years in preparation for my coming to live with him. Pasalubong ko sa inyong tatlo nang mapalitan naman iyang cheap fragrances n'yo."

"Hermes fragrances?" Namilog ang mga mata ni Yolanda. Siya ang pinaka-na-excite.

Nang tumangu-tango ako, lalo siyang tumili nang tumili.

"Hoy! Nakakahiya ka!" asik sa kanya ni Felina.

Natawa ako sa kanya. Ang BFF ko walang pinagbago. Tili pa rin nang tili. Pinangiliran ako ng luha. Na-miss ko ang ganoon. Iyong wala akong masyadong iniintindi kundi ang mga kabaliwan niya.

Natigil ang harutan naming apat nang may biglang lumapit. Tiningnan ko ang saved photo sa cell phone at kinompara sa mukha ng taong nasa harapan ko. Iyon na yata si Mr. Agustin, ang sundo ko. He was hired by Kuya para masigurong safe akong makakarating sa bago kong tahanan. Kabuntot ni Mr. Agustin ang apat pang tao na siyang maghahatid sa akin sa bago kong condo.

"Wow, sosyal! Bodyguards!" nakangising komento nila Felina at Shane. Namilog naman ang mga mata ni Yolanda. She was the most impressed. Ibang-iba na raw ako sa Keri na nakilala niya seven to eight years ago sa freshmen orientation.

"Magandang hapon, mga binibini," bati ni Mang Agustin sa aming apat.

Napahagikhik ang mga kaibigan ko sa kapormalan niya. Napangiti naman ako. Alam ko nang gano'n ka pormal si Mang Agustin dahil I already went through his files. Ganunpaman, na-amuse pa rin ako. Bihira kasi ang ganoon.

Bago namin lisaning magkakaibigan ang arrival area, napatingin-tingin ako sa paligid. Sino ang mag-aakala noon na sa pag-alis namin nila Papa four years ago ay ngayon lamang ako mabalik at hindi ko na siya kasama? Naiwan siya sa Italy para harapin ang kasong isinampa sa kanya. May witness kasi sa pagpatay niya kay Ahmad. Iyon ang nag-report sa police.

"Umm, hindi kayo pwedeng magsama sa iisang sasakyan," ani Mang Agustin nang makita kaming apat na papasok sana sa nakahimpil na pulang chedeng. Sana nagmagaling ang Yolanda na siya ang magmamaneho n'yon at nang maranasan naman daw mag-drive ng mamahaling sasakyan.

"Bakit?" tanong ko.

"Safety procedure, Ms. Ruiz."

Napilitang sumakay sa isa pang kotse sina Felina at Shane. Kami ni Yolanda ang nagsama sa Chedeng. Sa backseat kami pareho. Ang nasa harapan ay ang driver at isa pang bodyguard. Sa likuran namin sina Felina at Shane. May kasama rin silang bodyguard. Bukod doon ay may dalawa pang nakamotor na naka-convoy sa amin. Ssa gilid ng sasakyan namin sila pumwesto. Kotse ni Mang Agustin ang nasa unahan namin. Ang sa likuran naman ng dalawa ko pang kaibigan ay ang iba ko pang bodyguards.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon