Keri Tabitha Priscilla Ruiz
"How are you? Are you okay?" I asked as I cupped his face.
"I'm good---better, now that you're here." He smiled at me. Namumutla pa siya, pero biglang umaliwalas ang kanyang mukha nang ngumiti.
"Paano ka napadpad dito? Anong lugar ito?"
Lumingon si Seth kay Flora para siguro magtanong pero malayo na ito sa amin. Paika-ika itong bumalik sa loob ng pinanggalingan nilang bahay.
"What happened to Flora?"
But deep in my heart, somehow, may kutob na ako kung sino ang may kagagawan no'n. Nasiguro ko agad ang kasagutan sa tanong ko nang hindi kumibo si Seth. He simply looked at me with a worried expression. Then, he changed the subject.
"We need to hurry up. Mamaya ng kaunti ay baka sundan ka na rito ng iyong ama. We have to leave before that happens."
No'n lang nag-sink sa akin ang lahat. Sinadya akong iwan doon ni Kuya because he knew I would be miserable with them nang hindi kasama si Seth. Alam din niyang hindi papayag si Papa na basta na lang akong ibigay kay Seth nang gano'n-gano'n lang. He loves me but he's not ready yet to accept Seth into the family.
Nalito ako. Ang isang bahagi ng puso ko ay kumukwestyon sa loyalty ko. Naging mabuting ama si Papa sa akin for more than twenty years of my life. In fact, ginapang niya ang luho ko, so to speak. Doktor nga siya sa Amerika pero hindi ganoon ka laki ang kita na kayang bumili ng Hermes bags, belts, and accessories sa tuwing may bagong labas, but he did give me those. Sila ni Mama Lyra. Not to mention the trips abroad kung uungot ako sa kanila.
But then, your mother was the sole heir of the Ferros, Keri. For sure, may access ang Papa mo sa iniwang yaman sa Mama mo? Hindi lang naman siguro sa pagdodoktor niya kinuha ang pinangtustos sa luho mo?
Napaisip ako sa huli kong naisip dahilan para mapatitig ako kay Seth, pero hindi naman siya talaga ang tinititigan ko. I was thinking that maybe Papa got a hold of my biological mother's inheritance long before he discovered my step-uncle was the one who masterminded her death warrant. Baka noong mga panahong kabi-kabila ang pagbibigay niya sa luho ko ay hawak na niya ang pera ng tunay kong ina. That means to say hindi naman siya talaga nagsakripisyo para maibigay ang lahat ng luho ko.
Ano ka ba, Keri! Immaterial kung nagsakripisyo siya o hindi. The fact that...
"Keri, let's go!" At hinila na ako ni Seth na sumama sa kanya sa loob ng bahay na pinanggalingan nila ni Flora. Napakurap-kurap ako at tila naalimpungatan pa. Hindi ko dapat sinasayang ang effort ni Kuya na mabigyan ako ng happy ending. Naglakad-takbo ako para makasabay sa bilis ni Seth maglakad. Natigilan ako agad nang makita kung ano ang nakapatong sa ibabaw ng kama sa pinagdalhan sa aking silid. Ang Hermes Birkin bag ko! Hindi pupwedeng umalis lamang ako nang hindi iyon dala. And Kuya knew it!
"Somebody delivered that today as well. Nauna lang sila ng kaunti sa inyo."
"My---my brother---he meant for us to leave Switzerland together?" Napapantastikuhan ako sa napagtanto. Hindi ko sukat-akalain na ganoon ako ka mahal ni Kuya dahil ngayon lang naman kami pinagtagpo ng tadhana.
Seth pulled me closer to himself and hugged me tightly. "I guess so," he whispered before kissing my forehead.
**********
Seth Meschach Berlusconi
Pinangunutan ako ng noo nang ipa-settle ko sana ang bills sa ospital at sagutin ako ng staff na bayad na raw. Dahil nag-iisa na lang ako sa mundo at wala na rin ang assistant ko na pwedeng magbayad no'n para sa akin, nagtaka ako.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
عاطفيةKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...