Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Hindi na ako nagulat nang makita sina Papa, Jayce, at Patrizio. May kutob na kasi akong magkasabwat sila ng mga goons na dumukot kina Seth, Don Miguel, at sa dalawa nilang bodyguards. Alam ko ring kakutsaba nila si Pogi at ang mga kasamahan nito. Ang hindi ko inasahan ay ang reaksiyon ni Papa nang makita si blue-eyed guy. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo para sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. He seemed shaken by what he saw.
"Giulio?" Parang nakakita ng multo si Papa. Pumiyok pa ang boses niya.
Hindi agad nakahuma ang blue-eyed guy. Napakurap-kurap ito nang makita si Papa. Para ring nakakita ng multo. May pagmamadali itong umabante sa aking ama, pero tumigil din a few feet away from him. Nagkatitigan silang dalawa na parang sila lang ang mga tao sa paligid. Ni hindi nga napansin ni Pogi ang pagbibigay-galang sa kanya nila Jayce at Patrizio. Pinangunutan tuloy ako ng noo at biglang napamulagat nang biglang yumakap ang lalaki kay Papa. And I heard his controlled sob. Lalo akong pinangunuta ng noo.
"Giulio!"
"Papa!"
Papa? Tama ba ang dinig ko? Tinawag ni Pogi na papa ang papa ko? Saglit akong napaangat ng mukha para titigan si Seth. I guess I was not imaginging what I heard kasi maging si Seth ay mayroon ding reaksiyon. Pilit nitong binubuka ang halos nakatiklop nang mga mata. He was staring at my father and the leader of the goons as they tightly embraced one another. Narinig ko namang napadaing sa hindi kalayuan si Don Miguel.
Napalayo ako kay Seth. Inilang hakbang ko sina Papa at ang kayakap niyang si Pogi. Hindi ko mapigilan ang pagtataka sa tindi ng kanilang pananabik sa isa't isa. May pumasok nang logical explanation sa isipan ko, pero nire-reject iyon ng aking kamalayan. Kung totoo kasi iyon ay mati-trigger ang maraming question mark sa isipan ko. Pero mukha ngang totoo dahil ang yakap nila sa isa't isa ay tila ikapupugto ng hininga ng bawat isa.
"Tabitha, anak! Halika!"
Nakita na ako ni Papa. I expected him to be mad. Afterall, I lied to him big time. Sinunod ko pa rin ang gusto ko kahit mariin na akong pinagbawalang makipagkita kay Seth.
Kumalas si Papa sa pagkakayakap kay Pogi at hinatak ako. Niyakap niya ako nang mahigpit din. Alanganin akong yumakap sa kanya dahil nag-aalala akong galit siya sa akin. Saka galit din ako sa kanya! I haven't yet come to terms with Ahmad's death. Siya at ang mga alipores niya ang pumatay kay Ahmad! Hindi ko pa siya napapatawad dahil doon.
Kasabay ng pagkaalala ko kay Ahmad, tinulak ko si Papa at lumayo ako nang kaunti sa kanya. Binalingan ko si Pogi na titig na titig na sa akin. I could see warmth in his blue eyes now. Sinimangutan ko siya at inirapan pa.
Hinila na naman ako ni Papa at binigay ang kamay kay Pogi. Binawi ko agad ang kamay ko. Galit din ako sa lalaking ito dahil siya ang nagmando sa mga goons na dukutin sina Seth at Don Miguel. Heto nga at binugbog-sarado pa ng mga tauhan ang mag-ama.
"Tabitha, hija. He is your kuya. Siya ang sinasabi ko sa iyo noon. Siya ang Kuya Giulio mo."
"Kuya Giulio?"
I was shocked! Ang Kuya Giulio na alam ko ay matagal nang patay! Ang alam ko kasama ito sa nasunog nang sumabog ang yate na kinalululanan nila Papa noong ito'y bata pa. Swerte lang daw ako dahil nagpaiwan kami ni Mama sa pier. Hindi raw kasi nakayanan ng mama ko ang alon sa dagat. Nagsuka ito nang nagsuka kaya bumalik kami sa pantalan at pinababa kaming mag-ina. Dapat maghihintay lang kami roon nang sandali lang, pero sumabog ang yate at si Papa lang ang nakaligtas. Kaya mahigit isang buwan pa bago kami nagkita-kitang mag-ama. Naisip din daw kasi noon ni Mama na kasama sa nasunog si Papa.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...