CHAPTER THIRTY-SIX

1K 103 17
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Hindi maganda ang pakiramdam ko kay Don Miguel. I could feel his seething anger lalo pa't mukhang ayaw pumayag ni Seth sa gusto niyang mangyari. Though my Italian was not that good yet, I could pick one or two of their conversations. At napag-alaman kong gusto talaga akong iwan ng matanda sa villa na tinutuluyan namin sa Switzerland.

Oo, nakarating kami sa bansa ng mga Swiso nang matiwasay. Kahapon lang kami lumapag, pero nakalipat na kami ng tatlong villa. Hindi raw kami pwedeng mag-stay sa hotel, lalo na iyong frequently visited ng mga turista. Ramdam na ramdam ko talaga ang panganib na kinasangkutan ko---namin ni Seth. At isa na namang revelation iyon tungkol sa grupong kinabibilangan ng papa ko. Parang mas malakas pa yata ang grupo niya kaysa kay Don Miguel. Nakakagulat. All along kasi ay ang papa ni Seth ang pinaghinalaan kong miyembro ng mafia. Nakakapanggilalas.

Napaayos ako ng upo nang kumatok at pumasok ng kuwarto ko si Seth. He looked kind of haggard. Parang hindi nakatulog nang kung ilang gabi. But then, kahit na ganoon pa man, hindi pa rin maikakaila na guwapong-guwapo pa rin siya. Iyong light beard na tumubo sa mukha niya ay nakadagdag sa sex appeal niya. Dapat kabahan ako sa panganib na dala niya---iyong literal na panganib. Baka susundin niya ang ama na iwan ako somewhere in Switzerland at iyon ang pinunta niya sa silid ko, pero ibang panganib ang naramdaman ko nang lumapit na siya sa akin.

"Keri..." His voice sounded hoarse pero nakiliti pa rin ako. Parang kailan lang kasi kami on first name basis. Noong nasa Pilipinas kami, bangayan kami nang bangayan. In fact, kung hindi pa kami nalagay sa peligro sa Palawan hindi pa dumating ang ganitong first name basis namin kung kaya medyo hindi pa rin ako sanay.

"May sinabi na naman ba ang papa mo tungkol sa akin?"

Buntong-hininga ang naging sagot niya. He looked at me then sighed again. Parang hapung-hapo siya nang maupo sa tabi ko sa kama. We were on the edge of the foot of the bed.

Naghintay ako ng kung ilang minuto pa. Imbes na magsalita, napayuko siya. I could feel the heaviness in his heart kaya natakot na ako. Parang alam ko na ang resulta ng masinsinang pag-uusap nilang mag-ama.

"If your father doesn't want me to tag along anymore, it's okay, S-Seth. I --- I can go home to Manila on my own."

No'n lang siya tumingin muli sa akin. He was teary-eyed. Nagulat ako sa reaction niya kung kaya hindi ako nakapagsalita. At lalo akong na-shock nang bigla na lang akong kabigin at masuyong halikan sa mga labi. Awtomatiko akong napapikit at napakapit sa kanyang balikat. Saglit lang ang halik, pero hindi siya agad lumayo. He hugged me so tight na halos ay mapugto ang aking hininga. Then, all of a sudden, he sobbed. Like a child. May pagsinok ang kanyang hagulgol na para bagang nasaktan siya nang husto. Nalito ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya. Pero hindi ko rin siya maitulak palayo. Ang mga luha niya'y bumasa na sa manipis na tela ng sweater sa bandang balikat ko.

"I am so sorry, Keri. I am so sorry," sabi pa niya sa pagitan ng pagsinok.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kahit hindi siya magsabi ay alam ko nang he was letting me go. That I will be on my own from that moment on.

"But let me protect you, Keri. I still want to protect you. Do you trust me?"

Hilam sa luha ang kanyang mukha nang sinapo niya ang magkabila kong pisngi. Hindi ko lubos na natindindihan ang rason kung bakit niya ako tinatanong pa ng ganyan gayong sumama na nga ako sa kanya mula Sicily hanggang sa isang pook sa Switzerland. Hindi pa ba sapat na pakita iyon na lubusan kong ipinagkakatiwala ang buhay ko sa kanya?

Without batting an eyelash, I nodded.

He hugged me again and whispered endearments in Italian.

**********

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon