Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Hindi ako mapakali. Ewan ko ba. May kakaibang kislap lately sa mga mata ni Seth sa tuwing kausap niya ako. I want to believe it was because he feels something special for me. Kaso nga lang naiisip ko ang mg babaeng nali-link sa kanya noon. O baka nga sila pa rin hanggang ngayon although the tabloids believe that they may be just his flings. Ang common characteristics ng mga babeng iyon ay malalaki ang dibdib saka maumbok ang pang-upo. Hour-glass figure pa. Ang layo ko sa kanila. Unang-una sakto lang ang laki ng aking pangharap. Hindi rin masasabing maumbok ang aking pang-upo tulad nila. Maumbok din pero---napatingin tuloy ako sa likuran ko sa malaking salamin sa banyo.
Naiisip ko pa lang ang mapupungay niyang mga mata ay nag-iinit na ako. Paano pa kaya kung---gosh, pumayag akong mag-anak kami! Paano na? Ang lakas-lakas ng loob ko no'n. Shucks. Papayag naman kaya iyon sa test-tube baby lang? Hindi ko siya natanong kung paano ang gagawin namin. Pwede naman kami mag-opt for surrogacy. Pero tatanggapin ba iyon ni Don Miguel? Pasok ba iyon sa huling habilin niya? Parang hindi ko na kaya. Gusto ko nang umatras!
Napatalon ako nang mag-ring ang cell phone ko. Dali-dali akong bumalik sa silid at dinampot iyon sa kama.
"Keritot! Why the hell are you not answering my calls?" tili agad ni Eula nang marinig akong mag-hello. I had to move the phone away from my ears para lamang hindi ako mabingi. Pambihira ang babaeng ito kung makasigaw.
"This is not 911, sis. Namali ka yata ng tinawagan. Hindi ko maapula ang sunog sa inyo," nakangisi ko pang biro sa kanya.
"Tigilan mo akong bruha ka! Namomroblema ako kay Maurr!"
Napangiwi ako. Mag-asawa na ang bruha kong BFF at ang dati naming math professor, pero parang hindi pa rin sanay ang tainga ko kapag sinasabi niya ang pangalan ni Sir Maurr nang Maurr lang.
"Bakit ba? Ano na naman ang problema? Kabait-bait ng asawa mo, ah."
"Seryoso ang damuhong pangalanan naming Matutina ang aming panganay! Malapit na ang binyag niya at kailangan na naming mag-decide!"
Humagalpak ako ng tawa saka binabaan ko siya ng telepono. Bruhang iyon. Gagambalain ang pagmumuni-muni ko para lamang doon? Kainis!
Tumawag na naman. Hindi ko na sinagot. Tinext ko na lang ng, "What's wrong with the name Matutina?" At nilagyan ko ng laughing out loud emoji sa dulo.
Sinagot niya iyon ng, "GRRRR!"
Served her right. Biro kasi nang biro na ganoon nga ang gusto niyang ipangalan sa bata ngayong sineryoso ng asawa'y magngangangawa? Natawa na naman ako. In-imagine ko ang pangalan ng anak niya. Matutina Anai Halvorsen. Ang sagwa nga. Anai pa naman ang middle name. Tiyak kong mabu-bully ang anak niya.
Natigil uli ako sa pagmumuni-muni nang may marinig akong katok sa pintuan ng kuwarto. Inisip kong si Flora lang iyon kung kaya sinigawan ko na lang ng, "Bukas iyan!" saka humilata sa kama nang nakadipa pa. Bigla akong napaupo nang matuwid saka inayos ang laylayan ng puting T-shirt para takpan ang tiyan ko nang makita kong si Seth ang lumitaw.
"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko. Bahagya niya akong tinaasan ng kilay. Napatikhim ako at inayos ko ang tono ng pananalita nang ulitin ko ito.
"We have to talk," seryoso niyang sabi saka sumandal sa pinto. Na-conscious ako nang titigan ako habang nakaupo ako sa kama ko nang naka-T-shirt lamang ng puti at denim shorts.
"We are talking now."
"Will you please come to my study?" sabi nito at mukhang lalabas na ng pinto.
"What is it all about? Pwede mo nang sabihin ngayon. Bakit kailangan pang sa study mo?"
Tumingin siya sa kama ko saka sa akin. Napalunok ako nang makita ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Tila bagang may gusto siyang ipahiwatig. Napatayo tuloy ako at napasabi ng, "Sige. Susunod na ako."
![](https://img.wattpad.com/cover/248124662-288-k51500.jpg)
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomanceKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...