CHAPTER THIRTY-FOUR

1K 115 24
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Habang nagsa-shower nang gabing iyon, hindi ako mapanatag sa mga narinig na pag-uusap nina Papa at Jayce sa porch. Idagdag na roon ang nakalap kong impormasyon sa tsismosang chef namin. Hindi ko maintindihan ang biglaang pag-iba ng ihip ng hangin. Bakit sobrang galit na ngayon ang aking ama kina Seth, lalung-lalo na kay Don Miguel na noong isang linggo lang ay daig pa ang kapatid kong ituring? What is going on?

Minadali ko ang pagbabanlaw. Hindi pupwedeng I will remain wondering about these things. Kailangan kong makausap si Papa once and for all saka gusto ko na ring makagawa ng dahilan para makita kong muli si Seth. I hate to admit it but I kind of missed the bastard.

Napangiti ako nang maalala ang maamo niyang mukha lalo na ang tila nangungusap niyang mga mata at mamula-mulang mga labi. Biglang nag-init ang pisngi ko nang higit pa roon ang sumagi sa isipan ko. Dahil sa alaalang iyon, nag-init ang buo kong katawan.

"Stop those dirty thoughts, Keri! Ano ba?"

Pero napangiti ako lalo sa naisip. Gosh, it was one hell of a night! Iyong matapos ang ordeal namin sa Palawan at sa mansion ay pasukin niya ako sa guest room saka---

Kinuskos ko nang kinuskos ang katawan para mawala ang alaala ng kanyang mainit na haplos at halik. Hindi ako dapat nagkakaganito. Annulled na ang kasal namin. I shouldn't fall for him. Mukha namang hindi siya ang tipo na magpapatali sa asawa. In fact, he looked like the kind of guy who would be willing to sacrifice his happiness just to fulfill his ambition. And I know he's not just contented with being the CEO of their organization's legal businesses. He wants to be the BOSS!

Paglabas ko ng banyo, napatingin ako sa bandang pintuan. Parang bigla kasi akong kinabahan. Wala naman akong narinig na kung anong ingay dahil sa kapal ng carpet, pero para akong kinutuban na hindi ko mawari. Dinampot ko ang remote control na nagbubukas-sara sa makapal na kurtina ng kuwarto. Tumambad sa aking paningin ang kung ilang sasakyan na tumigil sa harapan ng bakuran namin nang hawiin ko ang floor-to-ceiling na kurtina. Nakita kong sumakay sa kulay abo na supercar si Papa kasama si Jayce. Tapos may dalawang sasakyang bumuntot sa kanila palabas. Lulan naman ng mga iyon ang kung ilang local Italian men na noon ko lang din nakita. Pinangunutan ako ng noo sa eksena sa harapan ng bahay.. Mag-aalas dies na kasi ng gabi. Ang alam ko, dapat ay walang lakad sina Papa at Jayce ngayon.

Dali-dali akong nagbihis. Nagpantalong maong and black sweater lang ako. Dahil-malamig-lamig na rin nang kaunti, nagsuot na rin ako ng black Prada boots na hanggang kalagitnaan ng binti. After grabbing my black Hermes jacket and dark green Hermes sling bag, tumakbo na ako pababa. I was hoping na maabutan ko pa sina Papa. Iba kasi ang kutob ko. And I do not like it.

"Tabitha, mia figlia (my daughter)," salubong sa akin ni Signora Brambilla. Mukhang nag-double take pa ito nang makitang bihis na bihis ako.

"I saw Papa left with Jayce and their bodyguards." My tone was flat. Kunwari kaswal lang akong nagtanong para hindi siya maalarama na mukhang may duda ako sa mga kinikilos ni Papa. Mukha pa naman siyang close an close at very loyal sa aking ama.

"Yes. They are going somewhere," sagot nito sa dahan-dahang English. At ngumiti siya sa akin. She seemed so pleased na inisang bigkas niya lang ang mga salita ngayon at naintindihan ko agad.

"Do you know where they're going?"

"No. But they will come back right away for sure."

Lumapit si Signora Marino, ang chef. "I think your father will go to your husband. I heard they will head to Taormina Beach." Tila proud pa ito sa nakalap na impormasyon. Parang sekreto lang yata iyon dahil nahagip ng paningin ko ang biglang pandidilat ni Signora Brambilla rito. Natutup tuloy ni Signora Marino ang bunganga sabay sabi ng kung anu-ano in fast Italian. Then, she asked to be excused. Dumagundong sa kaba lalo ang dibdib ko.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon