A/N: The mansion in the picture is the close-up shot of Kuya's mansion. :)
**********
Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Pagkatapos akong ma-tour ni Kuya sa buong mansion ng mga Ferro sa Sicily, dinala niya ako sa isa pang silid. Dati raw iyong kuwarto ng mama namin. Hindi raw pinagalaw ni Nonno ang mga gamit kaya ganoon na talaga ang arrangment niyon nang huling gamitin ni Mama---that was a few days before she was killed. Ang nagdagdag lang doon ay ang life size portrait niya nang magdiwang siya ng kanyang ikalabing walong taong gulang. Iyon ang nakasabit sa pinakasentrong bahagi ng dingding.
"Wow!" naibulalas ko nang makita for the first time ang larawan niya. Manghang-mangha ako kasi parang nakatingin ako sa salamin, only that Mama was blond with blue eyes.
"Yes. She indeed looked like you, that's why Nonno was very happy when you were born. At least dalawa na raw kayong kamukha ng yumao niyang asawa." Kuya said half in English and Italian. Dinahan-dahan niya ang huli para maintindihan ko.
No wonder ganoon na lang ang reaction ni Kuya upon seeing me. Siya kasi'y may memories na ni Mama. He knew how she looked like. Alam din niya kung ano siyang klaseng ina.
He showed me the photo albums Mama kept in her drawer. Nakita ko roon ang larawan ng mga magulang namin noong nagde-date pa lang silang dalawa hanggang sa dumating si Kuya at ako. I felt the love our parents had for each other, lalung-lalo na ang devotion ni Papa kay Mama. Ngayon ko na naintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya kay Don Miguel.
"Ah! This is my Mama Lyra!" natutuwa kong sambit nang makita ang picture ng kinagisnan kong ina na karga-karga ako when I was a baby. She was wearing a white uniform tapos may nurse cap pa siya sa ulo. Pinangiliran ako ng luha nang makita ko ang isang kuha na nakatitig siya kay Papa. Kahit noon pa pala ay tila mayroon siyang pagtingin sa aking ama.
"Papa married Ms. Lyra, right?"
Ms. Lyra. Napasulyap tuloy ako kay Kuya. He didn't sound interested in her. Parang out of curiosity lang kung bakit niya iyon naitanong. But I guess, he knew it already. Kasi sabi nga niya napaimbestigahan niya kami.
"She took good care of me. I thought --- I never thought she was not my mother."
Hindi nagkomento si Kuya.
Natapos ang gabing iyon sa pagbabalik-tanaw namin sa dati naming buhay nang kompleto pa ang aming pamilya at nakatira pa kaming lahat sa Italya. Binabalanse raw namin ang panahon sa Milan at sa Sicily. Mayroon din daw kaming bahay sa Milan. Binili ni Nonno for Mama when she married Papa. Doon kasi nagtatrabaho ang aming ama noon before he joined the organization.
Sa kuwento ni Kuya mukhang sobrang istrikto ni Nonno, pero mahal na mahal ang kanyang unica hija. Sigurado akong ininda niya nang husto ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang anak. I felt sorry for the grandfather I have never known.
Hinanap ko agad si Seth nang matapos na ang house tour.
"Maybe, he's resting in his room already."
Magkaiba ang rooms namin? Iyon sana ang gusto kong itanong kaso naunahan ako ng hiya. Sa kabila ng lahat, kahit na halos ay itaya ko ang buhay para sa kaligtasan niya, hindi pa rin ako lubos na komportable sa usaping ito. Kahit sa kapatid kong sigurado akong liberated ang perspektibo sa usaping relationship.
"This is your room."
Si Kuya ang nagbukas sa tila isang presidential suite ng isang five-star hotel. Ang laki ng silid! At ang bango pa! Pinaghandaan. I was so flattered and loved.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
Roman d'amourKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...