CHAPTER FIFTEEN

1.4K 114 7
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa mga titig ni Seth nang kinausap ako kanina sa study room niya. Dati na akong napopogihan sa kanya, pero iba kanina ang tingin ko. Ewan ko ba. Kung tutuusin ay unang kita ko pa lang sa kanya ay ang mukha niya agad ang napansin ko. His features seemed so perfect. Mula sa crew cut niyang buhok na mahaba-haba lang kaysa karaniwan ang sa bandang harapan hanggang sa halos perpektong hugis ng kanyan ilong. Unlike Don Miguel na mukhang tuka ng agila, ang sa kanya'y sakto lang ang tangos. At ang pinaka-asset niya ay ang kanyang mga labi. Palagay ko, kahit sinong babae't bakla ang makadaupang palad nito iyon agad ang mapapansin. Iyon ang tinatawag na full, sensual lips. Kinagalitan ko ang sarili nang maisip ang kung anu-ano dahil sa pagkakalarawan ko sa mga labi niya. Hindi ako dapat nagkakaganito. Gusto kong maging detached sa kanya kahit na ma-consummate na namin ang aming kasal.

I froze when I uttered the word consummate in my head. Saka bigla akong pinamulahan ng pisngi. Tumakbo ako sa salamin sa ibabaw ng dresser at nakita ko kung gaano ka pula ang pisngi ko.

"Shit, paano ka na sa araw ng anuhan n'yo, Keri Tabitha Priscilla?" natanong ko sa sarili nang malakas. Naglakad-lakad ako sa loob ng aking silid para pakalmahin lamang ang sarili.

Nang nag-ring ang CP ko saka lang nagbalik sa kasalukuyan ang aking diwa. Nanginig pa ang aking kamay sa pag-aakalang may nakalimutan siyang sabihin sa kin. Iyon pala ang lokaret kong kaibigan lang ang natawag. Kung sa bagay, bakit naman niya ako kokontakin sa cell phone ko kung pwede naman siyang tumawag sa intercom?

"Ha? Saan?" tanong ko agad kay Eula. Iniimbita ako sa isang private party. May bagong dating daw na mga Hermes bags ang isang group na sinalihan niya noon. Medyo nagtitipid daw ang bruha ngayon kung kaya ako na lang daw uli ang pumunta kung gusto ko.

"Sino naman ang kasama ko papunta ro'n this time? It wouldn't be fun going there alone. Natitiyak ko kasing hindi ko na mahihila si Taba. Dalang-dala na siya sa naging experience namin last time."

"I'll go with you!" excited nitong sabi. "Pero ikaw na lang ang bumili para hindi nakakahiya. Titingin-tingin lang ako." At tumawa ito.

Naisip kong kailangan ko ng distraction sa nararamdaman ko kay Seth. Saka ang tagal nang hindi ako nakapamili ng Hermes bags. Ang huli kong pag-treat sa sarili ay noong pumunta kami ni Felina sa party ni Jane. Ang party kung saan una kong nakita si Seth. Ibinili pa nga ako ng bags dahil kinulang ang pera ko.

"Kung ang organizer ng sinasabi mong party ngayon at ang party na dinaluhan namin ni Felina ay iisa lang, count me out. Ayaw ko nang makadaupang-palad ang babaeng iyon."

"Si Jane ba? What's worng with her? Ang bait niya, ah."

Iyong babaeng iyon? Mabait? I reminded Eula about what she said to me noong akala niya'y hindi ko mabibili ang pinakamura nilang bag. Tumawa ang lokaret.

"H'wag ka nang magtampo. Gano'n talaga, eh. The party was meant for Hermes buyers. Saka ang laki rin kasi ng ginastos nila to organize the party kaya they expect everybody to make a purchase."

Sumimangot ako.

"Still. Kung sila pa rin ang organizer, pass na lang muna ako."

"Hindi na," tumatawang sagot ng bruha. "O, ano? Game na?"

Binuksan ko ang drawer ko. Nandoon pa rin ang credit card na binigay sa akin noon ni Don Miguel. Ilang buwan ko nang hindi iyon nagagamit. Katunayan, once ko pa lang nagamit ang nasabing credit card. Noong may binili akong damit para sa isang ball namin sa university. Naisip kong siguro naman ay okay pa ito. Kung hindi oobra ang card mayroon pa naman akong naitatabing pera. Nagmula iyon sa inabot sa akin noon ni Don Miguel. Monthly allowance ko. Half a million every month. Kaso nang mamatay siya'y hindi na naulit. Twice lang ako naka-receive ng pera mula sa accountant niya. May palagay ako na pinahinto ng damuhong Seth ang dapat sana ay para sa akin nang wala na ang ama niya. Sa simula't sapol kasi ay hindi na siya boto sa ginawa ng dad niya. Hindi ko rin siya masisisi. Buti nga at naabutan pa ako ng another half a million the first month he was gone. Kaya heto may naitabi pa.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon