CHAPTER FORTY

1K 105 14
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Seth patungo sa front door. I looked back at him. I was confused. Ano'ng nangyayari?

He avoided my gaze. Nakatingin siya sa direksiyon ng mga paparating sasakyan. Ibang Seth ang nakikita ko. I began to worry. May kutob na ako sa kung ano ang nais niyang gawin. He's going to make me his human shield!

"Seth, bakit?"

"Just do what I say, Ms. Ruiz."

"Ms. Ruiz?" halos sa sarili ko na lamang itinanong iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Hindi na siya nakasagot dahil bigla na niya akong itinulak palabas ng inn with his arm around my neck. Nakatutok pa ang dulo ng baril sa sentido ko. Nanginig ako sa takot. But I tried to stay calm.

"Don't you dare harm her, Berlusconi!" mariing sabi ng kuya ko. Siya ang kauna-unahang bumaba ng sasakyan, tapos si Papa at ang kanilang mga tauhan. Tig-lima silang tauhan.

"You killed my father, Ferro. What do you expect me to do?"

Gosh! Ako ang paghihigantihan ni Seth! Gusto kong maiyak. Bakit hindi ko man lang inisip na baka bumaliktad siya nang dahil ssa ginawa ng mga tauhan ng kapatid ko sa kanyang ama? Not to mention, my father's people also killed Ahmad, his assistant and his best friend.

Napapikit ako. Inisip ko ang palatandaan na hindi totoo sa loob ang mga binitawang salita ni Seth para sa akin noong nakaraan. Pero kahit saang anggulo ko tingnan, he didn't sound fake or insincere. He was in pain as he shouted what he felt for me while being tortured and humiliated in the garage, but he still said what he said. He could've kept quiet but he didn't. Ewan ko ba. Hindi ako naniniwala na kaya niya akong gawing pananggalan.

"I understand what you feel, Seth. Kitang-kita mo kung paano pinatay si Ahmad. Naging saksi ka rin sa pagmamalabis ng tauhan ni Kuya sa ama mo. Hindi kita sinisisi. And---And despite all these, mahal pa rin kita."

"Shut up!"

"I still love you, Seth!" mariin kong anas.

"I said, shut up!"

Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"Ang tigas ng ulo mo, Tabitha. I told you to stop seeking for him! Nakita mo ang ginawa mo? Now, you want me to risk your brother's life for you who chose to be more loyal to someone who does not even care about you?"

No'n lang sumigaw sa akin si Papa. Nakakatakot pala siyang magalit. Lalo akong nalito. I felt so bad. As I was seeing my brother trying to stike a deal with Seth mapakawalan lang ako, na-guilty ako. Alam kong he was a proud man. Sanay siyang siya ang nasusunod. Sa kuwentuhan nga nila ni Papa, sa anim na taon daw na siya ang namumuno sa organisasyon, he gotten used to a life where he was the boss. At ang BOSS ay never nagmamakaawa.

Si Seth nama'y nagmatigas. Hayaan daw siyang umalis with me nang walang hahabol kung gusto raw nilang makita pa akong buhay.

"You're insane, Berlusconi!" sigaw ni Papa. "I would rather have a dead daughter than risk having grandchildren with your father's blood in them!"

Nang marinig ko ang hiningi ni Seth sa kuya ko, I thought about our dreams. Ibig kayang sabihin ay gusto lamang niya akong makasama nang hindi mag-aalalang hahabol ang papa ko't kapatid para paghiwalayin kami? I began to feel hopeful. I know I was not supposed to feel and think that way, but I love Seth so much! I want to cling to that last ray of hope.

"Who says I want to have a child with your daughter, Mr. Ruiz?" Seth sneered. "I never thought about that. But that doesn't mean the marriage was not consummated." Tumawa siya nang may pang-iinis. Minura siya agad ng kapatid ko gamit ang lahat ng pagmumura sa Italian. Walang reaksyon naman si Papa.

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon