Keri Tabitha Priscilla Ruiz
Dati nang pogi sa paningin ko si Seth Meshach Berlusconi. Unang tingin ko pa lang noon sa mansion nang madaling araw na iyon, alam ko nang may hitsura ang hayop. Pero kagaya ng ibang guwapong nasilayan ko, parang hindi naman espesyal ang dating niya sa akin noon. Ngayon lang. Biglang umiba ang dating niya. Parang may sumaboy ng spell sa pagitan naming dalawa at nasapol ang mga mata ko. Kakaiba na ang tingin ko sa kanya. May nakikita na akong something. Iyong tipo na nagpapabilis ng tibok ng puso ko at nagpapapawis sa akin ng malapot.
"Is that Don Miguel's only son?" narinig kong tanong ng isang matrona sa kanyang amiga. They were both looking at Seth while he was talking to some people. At ang mga taong kausap nito ay mukhang mga miyembro ng Mafia. They all exuded meanness. May mga hitsura din sila, pero namumukod-tangi si Seth with his charm and all. Kaya siguro sa kabila ng nagdagsaang guwapong nilalang doon ay siya pa rin ang napapansin ng mga matrona.
"Yes. And I heard he's still single!" kinikilig na sagot ng amiga. At nagkurutan pa sila.
Napanganga ako nang bahagya at napailing-iling pa. Ilang taon na ba sila? Mid-fifties? Early sixties? Naisip ko agad, may mga edad na'y lumalandi pa! Lumayo na lang ako sa kanila. Napili kong maupo sa bandang gitnang hanay sa pinakagilid na upuan. I do not want to attract attention. Gusto ko lang pagmasdan ang mga bisitang napapaabot ng pakikiramay kay Seth. No'n ko nga naipagpasalamat na hindi pa ako napakasal sa kanya. Siguro kung naging maybahay niya ako kahit sa papel lang, kailangan kong umestima ng mga bisita niya sa ayaw man o gusto ko. At medyo hindi ko feel ang mga taong nakikisimpatiya sa pamilya. Kung hindi kasi mukhang goons, mukha namang mga matronang hayok sa lalaki. Hayun nga ang isa pang kumpol ng mga kababaihang tingin ko'y may mga asawa na rin at siguro'y may mga anak na nasa hustong gulang na, pero kung magpakita ng kilig sa mga nakukursunadahang mga lalaki roon ay wagas. Daig pa ang mga millenials. Imbes na ipagdasal ang kaluluwa ng don, nagpa-cute lang kay Seth at sa mga kausap nito. Ganoon siguro talaga.Walang pinipiling edad ang paglalandi.
Nang ma-realize ko ang naging takbo ng pag-iisip, I chided myself. Hindi ako dapat nangdya-judge sa mga bisita ni Don Miguel.
Tumayo ako at lumapit sa ataul niya. Humingi ako ng tawad sa kanya. I told him silently that although I have come to respect him in the little time that I got to know him, hindi ko yata kayang i-honor ang naging kasunduan nila ni Papa. Saka siyempre, hiningi ko rin ng tawad ang pangja-judge sa mga bisita niya.
"Oh my God, Don Miguel! So it's true afterall!" naibulalas ng bagong dating.
Napalingon ako sa papalapit na bisita at nakita ko ang isang magandang babae na humahagulgol habang lumalapit sa ataul ng yumao. Nakasuot siya ng isang kulay itim na boatneck dress from Gucci na may mahabang manggas. Mga dalawang pulgada ang taas nito sa tuhod kung kaya labas ang makikinis na binti't hita ng babae. And I must say, she really looked classy and hot at the same time. Napatingin ang lahat sa kanya. Hindi ko rin maalis-alis ang mga mata ko sa kanyang kabuuan. I studied her outfit including her shoes and clutch bag! At naisip ko agad na kung sino man ang babaeng ito ay natitiyak kong galing sa buena familia o mayroong kalaguyong super yaman. Everything about what she wears speaks wealth.
"Stop judging people, Keri Tabitha Priscilla!"
I had to summon all my will power para tumahimik ang utak ko. Aalis na sana ako roon at hahayaan siyang nagmo-moment sa harapan ng ataul ni Don Miguel kung hindi siya bumaling sa akin at nagtanong.
"Are you the new mayordoma? Why was I not informed about Don Miguel's condition?"
Hindi ko na narinig ang iba niyang tanong. Ang tumatak sa isipan ko ay ang salitang mayordoma. Ako, napagkamalang mayordoma? Naka-evening gown ako ng mamahalin! Luma man, pero signature dress din naman ito! Awtomatikong napakuyom ang mga palad ko.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #2: THE HERMES QUEEN (COMPLETE)
RomansaKeri Tabitha Priscilla Ruiz is obsessed with anything posh. Thanks to her best friend, Eula Anai, who introduced her to the world of luxurious girly things. But just when Eula has miraculously gotten rid of her obsession with branded things, Keri be...